bc

The Making of a Perfect First Kiss

book_age12+
23
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
friends to lovers
comedy
sweet
highschool
childhood crush
coming of age
first love
friendship
like
intro-logo
Blurb

Encar's heart started to race as she looked at Javi's sparkling eyes. If there is anyone she would like to give her first kiss to, it would be Javi. She could feel his breath as he moved closer. She closed her eyes, savoring the warmth of his touch and drowning in his intoxicating perfume.

Then she felt it. Like electricity running through her veins when soft lips landed on hers.

This is it! My perfect first kiss! Her mind was shouting in glee.

She opened her eyes to meet those of her first love.

Her palms and feet went cold, realizing those pair of eyes where not Javi's.

"What the hell!" where the only words she could utter.

chap-preview
Free preview
Accidental Kiss
Naglalakad ang babae sa labas ng set ng taping nila ng bigla siyang madulas sa hagdan dahil sa yelo. Mabuti na lang at nahawakan siya ng lalaki. Babae: Di ba pinaalis na kita? Lalaki: Sabi ko hihintayin kita. Babae: Bakit? Bakit mo pa ako hinintay? Lalaki: Dahil gusto kong protektahan ka. Babae: Protektahan saan? Di ba nga bobita ako. Pag di ka nagpaliwanag, hindi ko mage-gets. Magsabi ka ng dahilan kung bakit mo ginagawa 'to. Lalaki: (malalim na buntong-hininga) Babae: Pinagtitripan mo lang ba ako o gusto mo akong malito kaya pinaglalaruan mo ang damdamin ko o nakukunsensiya ka dahil sa pagkukumpara mo sa akin sa ex mo na kamukha ko? Masisiraan ako ng bait dahil sayo. Tumalikod ang babae sabay lumakad palayo. Huminto at lumingon. Babae: Ayaw mo sakin di ba yun ang sabi mo. Yung t***k ng puso mo di bumibilis pag kasama mo ako. Hindi ka nag-aalala sa kalagayan ko. Ayaw mo rin tumanda na ako ang kasama mo. Panakip butas mo lang ako sa ex mo. Tumalikod siyang muli, naglakad at lumingon muli. Babae: Gusto kong magkaliwanagan tayo. Wala na kong gusto sayo. Dahil sa ginagawa mo sakin, ayoko na. Ayoko na sayo. Sana mawala ka na sa paningin ko. Ay mali! Sana mawala ka na sa buhay ko. Please lang. Alam mo ba na masyado kang makasarili? Kasakiman yang ginagawa mo. Tumalikod siyang muli at naglakad. Biglang nagliwanag ang paligid. Napatigil siya. Tinignan ang paligid habang isa-isang sumisindi ang mga ilaw. Lumingon siya. Bigla siyang nilipad pabalik sa kinaroroonan ng lalaki. Napayakap siya dito. Babae: Matteo Do, anong gagawin mo? Lalaki: Ipakikita ko sayo, ang kasakiman ko. Dahan-dahang inilapit ni Matteo ang kanyang labi sa labi ni Steffi nang biglang may kung anong tumama sa kanila. Isang... Libro! "Aray! Sino ba yang ..." May librong biglang nahulog sa ulo ko. Masakit. Napangudngod ang nguso ko sa keyboard ng PC. "Oops! Sarree!" sabi ni JM. "Jose Miguel! Sinira mo yung moment ko! Yun na e! Ano ba kasi ginagawa mo diyan?" Inis na sabi ko sa kanya. "Utang na loob Juliana Encarnacion! Ilang beses mo na bang napanood yang My Love From the Star na yan? Kahapon nakita kita pinanonood mo rin yang same na scene na yan." Sagot ni JM habang hinahalukay ang mga gamit sa ibabaw ng computer stand. "O, e ano ngayon? Ano ba kasi ang ginagawa mo dito sa kwarto ni MC?" Naiiritang tanong ko kay mokong. "May hinahanap ako. Pagpatuloy mo lang yang panonood mo ng alien na na-inlove sa artista. Sana mahanap mo ang alien mo." Pahabol na pang-aasar ni JM bago siya tuluyang lumabas. Ako si Juliana Encarnacion Marquez pero Encar ang tawag nila sa akin. 12th grade sa Jade Valley Academy. Hopeless romantic daw ako. Sabi nila, obsessed daw ako sa ideal first kiss ko. Hindi naman talaga ako obsessed. Gusto ko lang na pag nangyari yun, perfect ang lahat. Yung sumira ng moment ko kanina, si Jose Miguel Del Rosario yun. Pero JM lang daw ang itatawag sa kanya. Walang labis, walang kulang. 12th grade din siya sa Jade Valley Academy. Mas matanda siya ng isang taon sa akin pero kinailangan niyang tumigil ng pag-aaral dahil naaksidente siya noong 10th grade siya at hindi nakalakad ng halos isang taon. Kuya siya ng matalik na kaibigan kong si Maria Carmencita Del Rosario or MC for short. Papatayin ako nun kapag narinig niya na tinatawag ko siya sa buo niyang pangalan. Ang cute lang ng mga pangalan namin hindi ba? Magkakaibigan din ang mga magulang namin. At napagtripan nilang gawing makaluma ang mga pangalan namin. Nangapit-bahay ako kina MC at JM dahil sira pa rin ang desktop ko. Ayaw ipagawa ng papa ko dahil puro panonood lang daw sa Youtube ang aatupagin ko. Makatuwiran naman ang pagbababad ko sa Youtube. Kung gusto ko ng perfect na first kiss, dapat lang na planuhin ko yun ng bongga. Yung kabog lahat! At saan pa nga ba ako makakahanap ng perfect example kundi sa mga Korean series at movies. Kaya ginagalugad ko ang Youtube para sa ideal first kiss ko. Kaya lang may major problem ako. Wala pa yung ideal leading man ko. --- Unang araw na balik-eskwela. Nagmamadali na naman kami ni MC dahil sobrang bagal niyang mag-ayos. Ganun siguro talaga pag crush ng bayan. Kelangan matagal magbihis. Mabuti na lang at hindi kami na-late sa unang klase. Halos gumapang ang oras bago ang lunch break namin. Magkasama kaming naglakad ni MC papunta sa cafeteria. Samu't saring chismis na ang nasagap namin. Ito ang maganda pag first day ng school year. Madaming chika at madaming bago. "Uy MC! Nakita mo na ba yung transferee? Kaklase siya ng kuya mo sa section 2. Ang guwapo. Parang Kpop star!" Pagbabalita ng isa naming kaklase kay MC. Kapag may mga cute boys sa school, si MC ang unang binabalitaan dahil sa kanya din naman normally nagkakagusto. "O titignan na ba natin ngayon o mamayang uwian na?" Matamlay na tanong ko sa kanya. "Ano ko excited makakita ng mga boys? Tsaka ikaw naman ang mahilig sa mga singkit." Sagot niya sa akin. --- "OMG! Ang cute niya nga!" Namimilog ang mata ni MC habang nakasilip kami sa pinto ng classroom nila JM sampu ng iba pang mga babaeng nakasilip sa bintana. Hindi totoong hindi excited si MC. Kinain niya ang sinabi niya dahil halos liparin namin ang corridors makarating lang agad dito. Nagbabasa ng libro ang sinisilip namin. Mukhang interesting ang binabasa niya dahil nakatuon dun ang buong atensiyon niya at hindi niya napapansin ang mga kinikilig na babae sa paligid. Para siyang hinugot muna sa Korean series. Ang ganda ng maliliit niyang mga mata. Matangos ang kanyang ilong at napakapula ng kanyang mga labi. Mukha nga siyang Kpop. Astig din ang kanyang porma. Habang nagbabasa ay kumunot ang kanyang noo at kinagat niya ang lower lip niya. "Eee!" May ipit na tili mula sa kanyang fans club. Inangat niya ang kanyang mukha. Ini-scan ng tingin ang mga babaeng nagpapantasya sa kanya at nagpakawala siya ng isang mahiyaing ngiti. Para yung mainit na sikat na araw na sabay-sabay tumunaw sa mga tuhod naming gawa sa yelo. Nanlambot kaming lahat. "Haaaay..." Bigla siyang kumaway sa direksyon namin. Nagulat kami. Nagkatinginan kami ni MC. Sa akin ba siya kumaway o kay MC na naman? Hinatak ako ni MC at dahan-dahan kaming lumapit sa kanya. "Hi seatmate! Ano nga ulit name mo?" Tanong ni Kpop. "Ha?!" Sabay pa kami ni MC. "JM!" Sabi ng pamilyar na boses sa likod. "JM! JM???!" Sabay na naman kami ni MC at syempre, sabay din kaming lumingon at nakita namin ang kuya niya na nasa likod namin. "Hi JM! Pwede bang sabay na lang tayo mag-break? Wala pa kasi akong gaanong kilala dito." Tanong ni Kpop. "Oo ba! Ililibot din kita dito sa school at ipapakilala sa mga bebot." Sagot ni JM na kumindat pa. Sumenyas si MC kay JM para ipakilala siya. "Bakit nga pala kayo nandito?" Tanong ni JM kay MC na binalewala ang senyas nito. "Hinahanap ka namin. Kasi sasabay kami sayo mag-lunch." Sagot ni MC sabay baling kay Kpop. "Hi! I'm MC Del Rosario. You are?" Pagpapakilala niya sa sarili sabay extend ng kamay niya. Nakakabilib ang confidence level ng babaeng ito. "Hi! I'm Javier Marcus Dela Cruz. JM din ang nickname ko sa dati kong school pero dahil gamit na niya yun, sabay turo kay JM, Javi na lang ang gagamitin ko. Yun naman ang tawag sa akin sa bahay." Pakilala ni Kpop at inabot niya ang kamay ni MC. Dead end na ako. Nagkakilala na ang Kpop prince at ang kanyang princess. "Ito nga pala si Juliana Encarnacion Marquez." Biglang singit ng nakakairitang si JM. "Hi Javi! Encar na lang ang itawag mo sa akin ha. Medyo old school kasi yung full name ko." Pa-cute na sabi ko sabay abot ng kamay ko sa kanya para makipag handshake. Sabihin nang nagha-hallucinate ako pero tinitigan niya ako sa mata ng mga ilang seconds at bahagya niyang pinisil ang aking kamay bago niya iyon binitiwan. Sumingit lang si JM kaya nasira ang moment. "Let's go?" Pagyayaya ni JM. Nauna kaming naglakad ni JM at sumunod naman sina Javi at MC. Natigilan ako ng biglang tinawag ni Javi ang pangalan ko. "Encar, nahulog mo yung panyo mo." Sabi niya sabay yuko para pulutin ang panyo ko. Na-excite ako nang marinig kong tinawag niya ako kaya bigla akong lumingon at na off balance ako. Natumba akong paharap sa kanya habang siya naman ay napaupo sa sahig. Parang yung eksena sa mga drama. Bahagyang tumigil ang oras. Nagkatinginan kaming dalawa at nagulat kami pareho. Halos 2 inches na lang ang layo ng aming mga labi ngunit hindi pa sila naglapat dahil naka-suspend ako sa ere. May puwersang humahatak sa akin patalikod. Si JM! Nahawakan niya ang likod na kuwelyo ng blouse ko. Patayo na si Javi at ako naman ay hinila ni JM nang biglang may ng tumalsik na maliliit na bilog sa harapan ko na sinundan ng tunog ng napupunit na bagay. Nagtanggalan ang mga butones ng blouse ko at bumigay din ang tahi ng kuwelyo kong hila ni JM. Nabitiwan niya ang damit ko kaya tuluyan na akong nahulog. Tumama ang noo ko sa bibig ni Javi bago kami tuluyang bumagsak. Mabuti na lang at nakatukod ang mga braso ni Javi sa sahig kaya hindi siya tuluyang napahiga samantalang ako naman ay awkward na nakapatong sa ibabaw niya. Kahit awkward ay gusto ko pang magtagal sa ganung posisyon pero narinig kong sumigaw si MC. "Dugo!" Sabay turo kay Javi. Pag tingala ko ay nakita kong dumudugo ang labi ni Javi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Worth The Wait

read
204.7K
bc

The Professor's Wife

read
467.0K
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M
bc

My Greek Professor

read
99.7K
bc

NINONG

read
396.1K
bc

A Night With My Professor

read
545.9K
bc

NINONG II

read
654.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook