Atharra Sapphire POV
Andito ako ngayon sa school kasama ang aking best friend and her name is Ishiharra Park, my best friend since birth. Nasa may school field kami sa kadahilanang sinusundan namin ang kanyang boyfriend. Hindi niya alam na niloloko lang siya nito kaya gumawa ako ng paraan para malaman at mahuli niya ito sa akto. Ang kasinungalingang itinatago ng kanyang boyfriend ay magkakaroon na ng hangganan dahil nakita namin si Hunter kasama si Ellaine Montebello. Si Ellaine ay isa sa mga sikat dito sa university. Saktong magkayakap ang dalawa ng sila'y aming madatnan.
"How dare you Hunter!" > Ishiharra
Lumingon ang dalawa dahil sa sigaw ng aking kaibigan
"All this time, niloloko mo lang pala ako!" "Kailan pa?" > Ishiharra
" Oh it's you, akala ko namn kung sino."
"Tumabi ka Ellaine dahil hindi kita kinakausap."
Andito lang ako sa tabi nakikinig sa kung ano ang sasabihin ng bawat isa.
"For your information Ishiharra, Hunter is my ex boyfriend but now we're back together."
"Totoo ba Hunter?"
"I'm sorry but I love Ellaine more than you. I like you as a friend Harra."
"Akala mo ba mahal ka ni Hunter? Dream on, niligawan ka lng niya para bumalik ako sa kanya. He used you para pagselosin ako."
Lumapit si Harra kay Hunter, akala ko magmamakaawa siya pero nagulat ako nung sinampal niya ito
PAK! "Para yan sa panloloko mo,!"
PAK "Para naman yan sa mga effort ko na nasayang ng dahil sayo!"
"Mag break na tayo! Kahit ako lang naman ang nagmahal sa relasyong ito!"
Akala ko iiyak si Harra pero hindi, umalis kami sa harapan ng kanyang ex boyfriend na hindi siya umiiyak ngunit makikita na malungkot siya kaya nang kami ay makaalis doon ay yinakap ko agad siya to comfort her. Alam kong ayaw niyang pumasok sa last subject namin kaya aayain ko na lamang siyang mag mall.
"Bebs tara shopping, alam ko naman na you're sad so let's go and have fun."
"Okay."
"Pero kailangan mo akong samahan mag bar pagkatapos natin mag shopping." "I want to go to the bar after shopping. Are you okay with it?"
"Off course naman bebs, wait lang at tatawagan ko si Pierce para hindi na niya ako hihintayin. Wait me in your car."
"Hello."
"Bhabe saan ka?"
"Dito sa room bhabe, bakit? May problema ba?"
"Wala nmn bhabe, magpapaalam lang sana ako na sasamahan ko si Harra kaya wag mo na akong hintayin."
"Okay, but you need to be careful okay?"
"Yes bhabe, I'll call you when I get home."
" Okay, I love you."
" I love you too bhabe."
"Bye."
Pinatay ko na ang tawag at dumiretso sa sasakyan ni Harra.
Siya nga pala si Pierce Hambrudge, my long time boyfriend. Mag two years na kami sa December 20. Masasabi kong going strong ang relationship namin because we trust each other, open kami sa isa't isa. Also, our family supports our relationship.
I'm taking Business Management ganun din si Harra and we are in third year college while si Pierce naman ay Architecture ang kinuhang kurso at graduating siya kaya medyo busy siya palagi but he always find ways naman para makita ako at masamahan sa mga lakad ko.
"Harra let's go."
"Andiyan ka na pala, tara?"
Ako nga pala si Atharra Sapphire Lewiston 20 years old, kasama ko ang mommy ko dito sa Pilipinas dahil ang daddy ko naman ay nasa Canada kasama ang kanyang pamilya. Separated ang parents ko kaya si mommy ang kasama ko. My mom has a restaurant and she's the one managing her resto. My dad naman is Businesman sa Canada dahil may three hotel branches siya doon. My father always send money for my study and allowance. My dad's family accepts us, we met them already and they're so kind to us. They always ask us if we wanted to go with them in Canada and they will help us start a new life there but we decline because my mom wants to stay here in the Philippines. Kaya minsan ay binibisita na lamang nila kami ni mom dahil maganda naman ang relationship nila mom and iyong napangasawa ni dad kaya okay lng na binibisita nila kami ng magkakasama. I also have two step brothers, they are younger than me and they are twins, siguro three years ang agwat ng edad namin at ako ang nauna sa amin. By the way my mom's name is Nathalie while my dad is Kierre.
"Bebs andito na tayo, mauna kang bumaba at ipa-park ko lang itong sasakyan."
"Okay, I'll wait you outside."
After 5 minutes meron na si Harra
"Tara na? Saan mo gusto pumunta?"
"Tara dun sa may play station, laro muna tayo bago tayo kumain."
"Let's go!"
Naglaro kami ng basketball ng limang beses, nag bump car din kami, nag try din kami sa shooting range at hindi pa nagpa awat si Harra dahil hinila niya pa ako papunta sa speed dance kaya pagod na pagod kami. Kaya ng sumuko na siya sa paglalaro ay inaya ko aiyang kumain sa may Jollibee, favorite kasi namin pareho doon eh.
Nung naka order na kami, nagkwentuhan lang kami about school and mga travels namin, and some of our internships na kailangan sa requirements for graduation. Nang matapos kami kumain ay dumeretso kami sa may favorite boutique namin. Naghanap kami ng mga dresses para may ipapalit kami mamaya kapag pupunta na kami sa bar kasi hindi pwedeng naka uniform lang kami. At may napili na nga kami, black tube dress for me and blue tube dress para kay Harra. Nang mabayaran na namin ay pumunta kaming salon para magpaayos kasi naka school uniform kami and wala kaming kaayos ayos at haggard din kami dahil sa paglalaro.
"You know what Saph, I need to be happy. I want them to see that I'm okay. That's why I will find someone na hindi ako iiwan."
"You don't need to find bebs, darating at darating yung tamang tao para sayo."
"Whatever, basta ako mag eenjoy ako tonight kasi nabalitaan ko na yung pupuntahan nating bar ay maraming mayayaman at gwapo!"
"Ayan ka nanaman, parang hindi ka heartbroken ah."
Palihim na lang akong tumatawa dahil sa mga pinag iisip ng kaibigan ko.
"Anu ka ba naman bebs, hindi ko pwedeng damdamin yung nangyari, masaksaktan lang ako lalo. And you know me, walang makakapigil sa akin kahit broken hearted pa ako."
" Sige na nga, basta wag ka magpapakalasing ah, mag da-drive ka pa."
Ayaw kasi nila akong pinagda drive kasi daw para akong sumasali sa race car sa sobrang bilis pero para sakin eh sobrang bagal pa rin ng pagpapatakbo ko. Kaya no choice si Harra kapag nalasing siya, ako ang mag-dadrive. Natatawa na lamang ako tuwing naalala ko nung minsang ako ang nag drive, halos pumuti ang mukha ni Harra sa takot.
Ishiharra POV
Andito kami sa bar ngayon ng best friend ko, magbo boy hunting hahaha char!. Huwag niyo akong isumbong kay Saph sesermonan nanaman ako nun. Pinakilala naman siguro ako ni bebs diba? Mabait ako, maganda at matangkad, isali mo na din na cheerful akong tao.
Saan na ba iyong kaibigan ko? Yari ako sa boyfriend nun kapag. Habang hinahanap ko si Saph may nakita akong lalaki, sobrang charming niya, ang gwapo niya, tas tumatawa pa siya sobrang ma appeal iyong itsura nya.
"Huyy bebs, mukha kang tanga diyan, sino bang tinitignan mo diyan at nakatunganga ka?"
"Wala, ang ingay kasi dun banda kaya napatingin lang."
"I don't believe you, at kailan ka pa nagkaroon ng pakealam sa maiingay? If I'm not mistaken may nakita ka nanamang gwapo, so sino ba sa mga yun?"
"Ewan ko sayo, na attract lang naman, sobrang gwapo niya kasi."
" So sino nga dun? Kagagaling mo lang sa break up lumalandi ka na, iba ka din eh!"
"Yung matangkad na maputi, iyong naka black." "Maganda naman ako kaya pwede ako lumandi at nagkataon pa na single ako kaya pwede."
"kilala ko mga yan bebs kaya mag ingat ka sa mga sinasabi mo."
Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang aking kaibigan dahil hindi niya mabaling sa iba iyong tingin niya.
"Sino ba mga iyon?"
"Pinsan ko iyong tinutukoy mo si Dwight Perkson."
"WTF, seryoso? OMG so lagi mo siyang nakikita?
"Yes, pero hindi naman sa palaging nakikita but bumibisita sila sa bahay."
OMG Sana makilala ko pa siya. Saan yaya siya nag aaral? Makikita ko pa kaya siya? Ngayon lang ulit ako na excite ng ganito. The first one is when my parents buy me a car.
"Tara puntahan natin, ipapakilala kita."
"What! No, I'm not ready."
"Trust me, mababait mga yan."
Grabe kinakabahan ako, pinagpapawisan pa ako ng malagkit. OMG malapit na kami sa kanila
"Dwight, andito pala kayo?"
"Ohh hello Saph, sinong kasama mo? Si Pierce?"
"Ahh hindi busy yun, si ishiharra nga pala best friend ko."
"Hello, I'm Dwight and these are my friends Hiro, Haru, Ken and Harvey the owner of this Bar."
"Hi sa inyo, nice to meet you."
So naki table na kami sa kanila dahil wala din naman kaming kasama kaya okay lang. Habang nag iinuman ay panay ang kwentuhan, sobrang saya nila kasama and mababait pa sila.
12 am na kaya nagtatawag na sila umuwi.
"May maghahatid ba sainyo." > Dwight
"No I have my car."
"Ikaw ay Saph, gusto mo isabay na kita?"
"It's okay, kay Harra na ako sasabay para may kasama siya." "Ingat kayo, goodnight."
Siniko ako ni Saph
"Huyy tara na, matunaw pa pinsan ko sa kakatitig mo, in love ka na ata dun."
"Heh! Hindi no, tara na nga!"
"Halatang may gusto ka dun sa pinsan ko."
"Wala no."
"Yiiieeehhh denial queen. Tara na nga at maaga pa klase natin bukas."
Tinutukso ako ni Saph, na kesyo daw in love ako, na gusto ko si Dwight. Nagagwapuhan lang naman ako dun sa tao, ang bait din kasi kaya nagustuhan ko siya. Pero hindi ako in love dun sa kay Dwight noh, masakit pa rin naman kasi yung ginawang panloloko sa akin ni Hunter. Ayoko lang ipakita kay Saph na nasasaktan ako kasi malulungkot iyon.
"Saph andito na tayo sa bahay niyo."
"Sige bebs thank you."
She kissed me in my cheeks and bid me goodnight.
I hope time will heal my wounds.