
What if isang desisyon ang magiging rason upang magbago ang buhay mo? Paano kung itataya mo lahat ng meron ka ngunit masusuklian lang ito ng pagluha. Itutuloy mo pa ba? Itutuloy mo pa rin bang itaya ang lahat para sa mga taong nakapaligid sayo? O susuko ka dahil ayaw mong mabigo.
Is taking risk worth it? Dahil sa unang pagkakataon pagkatapos ng unang relasyon, ngayon ulit siya makikita sa publiko kasama ang isang kilalang Multi Billionaire.
Na sa isang iglap magkakaroon siya ng asawa. Ikakasal sa panahong nasa rurok na siya ng kanyang nasimulang pangarap.
Ngunit, sa pagsisimula pa lamang ng kanilang relasyon ay titibagin sila ng pagsubok na akalain nilang hindi darating.
Maaayos pa kaya ang gusot sa kanilang buhay o tuluyan na nilang tatapusin ang lahat para sa ikabubuti ng bawat isa.
Ako'y inyong samahan at subaybayan ang kwento ng buhay ni Atharra Sapphire Lewiston.

