Chapter 13

1797 Words
Masayang pinagsaluhan namin ang hapunang isinilbi sa’min ng mga staff. Alam kong may naka-reserve sa party area ng ganitong araw at oras. Pero hindi ko alam na para pala sa aming dalawa iyon ni Sandro, kasama ang kaniyang pamilya pati na ni Alex. Tumayo si Seb sabay taas ng kamay niyang may hawak na wine glass. “Let’s cheers para sa mga bagong miyembro ng pamilya!” Sabay-sabay nilang itinaas ang kanilang hawak na baso maliban sa aming dalawa ni Nena na parehong buntis. Medyo OA nga si Sandro nang sabihin ng kaniyang ina na buntis ako. Gusto niyang iwanan namin ang kaniyang pamilya upang magtungo muna ng hospital at nang mapatingnan ako. Nainis man ako sa kaniyang inakto, kinilig naman ako sa gesture niyang iyon. Sobrang sweet niya lang! Kunsabagay kahit pa man noon na hindi pa niya alam ang tungkol sa amin ni Angeline ay sadyang sweet na siya sa’kin. Napatingin ako sa pader kung saan nakasabit ang larawan na iginuhit ni Angeline. Hindi ko alam kung bakit bigla iyong nagkabuhay sa paningin ko gayong ilan beses ko na iyong tinitigan noon ng matagal, wala naman akong espesyal na nakikita roon. “You’re crying, Hon.” Tumingin ako kay Sandro na nasa tabi ko. Kinabig niya ako palapit sa kaniya saka dinampian ako ng halik sa noo. “I love you!” malambing niyang sabi. Tulalang nakatitig ako sa kaniya at parang ayoko pang maniwala na kasama ko na siyang muli. “Totoo ba talagang nangyayari ‘to?” mahinang tanong ko saka walang kakurap-kurap akong tumitig ng husto sa kaniyang mukha. “Totoo lahat ng ito Hon,” nangingiti niyang tugon sabay haplos ng kaniyang palad sa’king pisngi. Kumalas siya mula sa pagyakap sa’kin saka lumuhod sa bandang harapan ko. May dinukot siya na kung ano mula sa loob ng kaniyang bulsa. “Sandro...” Halos ‘di ako makahinga sa sobrang emosyon na bumalot sa’king dibdib. “This time, pinasara ko na lahat ng pintuan sa area na ‘to para ‘di mo na ako matakbuhan pang muli,” nakangiti niyang sambit. Pumailanlang ang malamyos na musika sa paligid na ‘di ko alam kung pa’no iyon nangyari gayong nandito naman si Alex sa’king tabi. “Angela Montez...” wika ni Sandro dahilan para ibaling ko sa kaniya ang tingin ko. “Hindi man ako ang perpektong lalaki sa iyong paningin, alam ko namang sasaya ka sa’kin sa bawat sandaling kasama mo ako,” nakangiting pahayag ni Sandro na sinabayan pa nang pagkindat ng kaniyang mata. “Hoy, Sandro! Ako na ang magtatakas kay Angela mula sa’yo. Ang lakas talaga ng hangin mo sa katawan!” asik ni Sandra sa kaniyang kakambal. Napangiti ako kasabay ng malakas na pag-ugong ng tawanan sa buong paligid. “Huwag mong pansinin iyang pangit kong kakambal. Sa’kin ka lang maniwala, Hon,” naka-poker face na anas ni Sandro. Masuyong pinisil ko ang matangos niyang ilong saka tinawid ang pagitan ng mga mukha namin upang dampian siya ng halik sa kaniyang labi. “Huwag mong pansinin ang paninira nila. Magpo-focus muna ako sa pag-propose ko sa’yo para maging memorable ang araw na ‘to at magin--” “I love you!” malambing kong sabi upang putulin ang anumang sasabihin niya. “Ha?” Si Sandro naman ang nagulat dahil tulala at awang ang kaniyang labing nakatitig sa’kin. Tumayo pa siya mula sa kaniyang pagluhod at saka yumukod muli. “U-ulitin mo ngang sinabi mo, Hon.” Gumaralgal ang kaniyang tinig habang nagsusumamo sa aking sabihin iyong muli. Tipid na ngumiti ako bago muling tumugon. “Ayoko nang ulitin at inaantok na ako.” “Ah, patay ka kuya! Inaantok na si Ate Angela!” mapang-asar na buska ni Sonny kay Sandro. “Mamaya na tayo matulog, Hon. Ipagmamasahe pa kita kung gusto mo, ulitin mo lang ang iyong sinabi. Please?” may pagsusumamong pakiusap niya sa’kin. “Kawawang Sandro, nabingi ng dahil lamang sa sobrang kadaldalan niya,” naiiling na wika ni Sandra. “Ma, bakit ba si Sandra ang naging kakambal ko?” parang batang paslit na maktol ni Sandro sa kanilang ina. Napahagikhik ako sa kaniyang itsura kaya tumayo ako upang harapin siya. “Iuwi mo na ako boss at si Alex na ang bahalang mag-asikaso rito pati na sa bahay ko. ‘Di ba, Alex?” Nilingon ko ang kapatid na abala rin pala sa pakikipagbangayan sa katabi niyang si Cristel. Gusto ko sana siyang batukan pero lamang ang pagkatuwa ko sa nakikita mula sa kanilang dalawa kaya hinayaan ko na lang siya. “Sa wakas, binata na ang kapatid ko!” aniko sa isipan. “Sandro!!!” impit akong napatili ng bigla na lamang niya akong buhatin. “Guys, inaantok na raw po si Angela kaya mauuna na kaming umuwi kaysa sa inyo,” nakangising paalam ni Sandro sa kaniyang pamilya. “Ayie!!!” malakas na kantiyaw ng mga babaeng kapatid ni Sandro. “Honeymoon pala talaga muna bago ang kasalan,” mapang-asar na wika ni Sanjo. “Kaya pala iba rin ang tingin mo sa sekretarya ni Ate Angela,” sansala naman ni Carmi sa nakatatanda sa kaniya. “Tse! She’s not my type!” supladong tugon naman ni Sanjo. “Huwag niyo nang asarin ang Kuya Sandro ninyo at minana niyo lang naman iyan lahat sa inyong ama,” wika naman ng kanilang ina. “Kaya nga sila naging dalawang dosena dahil sa kasipagan ko,” natatawang turan naman ng kanilang ama. “Baste!!!” Sabay-sabay nagtawanan ang magkakapatid na Dela Cruz dahilan para bigla akong makadama ng hiya sa kanilang lahat. Hindi ko maiwasan na muling maalala ang ginawang pagtalikod no’n kay Sandro. “Kumapit ka sa’kin Hon at ng hindi ka mahulog.” Nabaling ang tingin ko sa kaniyang mukha. Alanganing ngiti ang sumilay sa’king labi kasunod nang pagsunod ko sa nais niyang mangyari. Ipinaikot ko ang mga braso ko sa kaniyang leeg saka isinandig ang aking ulo sa kaniyang dibdib. Para akong idinuduyan nang magsimula siyang humakbang hanggang sa bumigat ang talukap ng mga mata ko. Tuluyan akong hinila ng antok at dinala sa mundo ng magandang panaginip. Naalimpungatan ako sa mainit na hiningang dumadampi sa’king pisngi. “Sandro...” nakangiting sambit ko sabay haplos ng aking palad sa kaniyang pisngi. “I love you, Hon.” Tuluyang naghinang ang aming mga labi at parang mas masarap pa yatang pumikit na lamang kaysa dumilat kapag ganitong may isang Sandro Dela Cruz na nakatunghay. Kusa akong nagpaubaya at tumugon sa lahat ng kaniyang ginawa at pareho kaming hindi bumitaw sa labi ng isa’t isa. “Open your eyes, Hon...” malambing at paos niyang utos. Nakatunghay ang malamlam niyang mga mata sa’kin nang mamulatan ko ang kaniyang mukha. Nakadama ako ng kapayapaan at tila idinuduyan ako ng matinding sensasyong isinisigaw ng aming mga damdamin. Para akong nahihipnotismo ng kaniyang mga titig habang hinuhubad niya ang mga kasuotan ko sa katawan. “Beautiful...” puno nang paghangang papuri niya sa’kin. Sunod-sunod na paglunok ng laway ang aking ginawa nang masilayan ang perpekto niyang kakisigan matapos hubarin ni Sandro ang kaniyang kasuotan. Sabay na nag-init ang magkabilaang pisngi ko nang humindig ang galit na galit niyang kahandaan sa aking harapan. Kakaibang pananabik ang lumukob sa buo kong pagkatao at pakiramdam ko’y may nananabik sa pagitang bahagi ng aking mga hita. Saka ko lang napagtantong nasa loob pala kami ng silid nang mapanukso siyang lumakad palapit sa may pintuan. “Saan ka pupunta?” puno nang pagtatakang tanong ko sa kaniya nang buksan niya ang pintuan. “Let’s go, Hon...” “Wait! Lalabas tayo ng ganito ang itsura natin?” nandidilat kong tanong sa kaniya. “Yes!” nakangisi niyang tugon. “Are you serious?! Lalabas tayo ng kwartong ito ng walang anumang saplot sa katawan?!” eksaheradang bulalas ko. Napansin niya sigurong mainit na ang ulo ko kaya mabilis siyang humakbang pabalik sa’kin saka walang kaabog-abog na binuhat niya ako. “Sandro!!!” natitilihang hiyaw ko. “Kumapit ka Hon at baka mabitiwan kita,” aniya. “Ang lakas ng trip mo. Lalabas talaga tayo ng kwarto na walang anumang saplot sa katawan? My God, Sandro!” natitilihang litanya ko sa kaniya habang patuloy lamang siya sa paglakad at panay ang pagtawa niya. “Sandro!” Ipinadyak ko ang mga paa ko sa hangin bilang pagmamaktol ngunit agad din akong nahinto nang pumisil ang daliri niya sa’king kaselanan. Napaungol ako sa kaniyang ginawa at parang masisiraan ng bait habang naghihintay nang panibagong pagpisil niya. Huminto siya sa paglalakad dahilan para mahinto rin ang pagsa-sideline ng kamay niya sa ilalim na bahagi ng aking katawan. Maingat niya akong ipinaupo sa sofa saka dinampian ng halik sa’king noo. “Surprise!” masayang bulalas niya. Nag-unahan sa pagdaloy ang mga luha ko nang makita ang larawan naming magkakapatid kasama ang aming mga magulang. Hindi ko alam kung pa'no niya iyon nagawa, ngunit labis na kasiyahan ang aking nadama. “Sa harap ng mga magulang mo pati na rin ni Angeline ay isinusumpa kong pakamamahalin kita ng buong buhay ko,” madamdaming pahayag ni Sandro. “Sandro...” “Hello, Ma! Hello, Pa! Hi, Angeline! Pasensiya na kayo at nakahubad kaming humarap sa inyo ni Angela. Gusto ko lang pong patunayan na malinis ang intensyon ko at hindi lang puro pag-ungol ang nais kong gawin sa kaniya.” Humarap siya sa’kin saka masuyong hinawakan ang aking kamay upang alalayan akong makatayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Dinala niya ako sa tapat ng mismong larawan ng aking pamilya kasabay nang pagsuot niyang muli ng singsing sa’king palasingsingang daliri na minsan ko nang tinakbuhan. “Sandro…” Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin dahil natulala ako sa pangyayaring iyon. “Angela Montez, will you marry me?” puno ng emosyon niyang tanong sa akin. Sa kabila nang nanlalabo kong mga mata dulot ng matinding luha na panay ang pag-agos ay nagawa ko pa rin siyang titigan sa kaniyang mukha. Sari-saring emosyon ang sumalimbuyon sa’king dibdib kalakip ng matinding pagmamahal ko sa kaniya. “Yes! Magpapakasal ako sa’yo, Mr. Sandro Dela Cruz.” Kinabig ko siya sa ulo saka mariing hinalikan sa kaniyang labi. Namuhay akong puno ng lumbay mula pagkabata. Ni hindi ko na nga maalala pa ang tunay na kahulugan ng kasiyahan magmula nang mawala ang mga mahal ko sa buhay. Parating kalungkutan ang nakakasama ko sa bawat sandali hanggang sa makilala ko si Sandro na binago ang mundo ko. Si Sandro na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako ng buong puso at binuo ang mundo kong nakulangan ng kalinga’t pagmamahal. “I love you!” madamdamin kong sabi nang bitiwan ko ang kaniyang labi. “I love you, Hon!” Muli niyang pinagsanib ang aming mga labi hanggang sa tuluyan kaming nauwi sa mainit na pagsasanib ng aming mga katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD