Chapter 2

1722 Words
“Ayos ka lang, Miss?” Ang kaninang galit kong tinig ay napalitan ng malambing na tono. “Oo!” tipid niyang tugon. Lihim akong napamura sa sarili nang masulyapan ang nakasisilaw niyang dibdib dulot ng kaniyang kaputian. Yumukod kasi siya upang damputin ang nalaglag niyang bag sa lupa kaya nagkaroon tuloy ako ng pagkakataong masilip ang matayog niyang mga dibdib. Pasimpleng itinaas ko ang isang kamay sa tapat ng aking leeg upang buksan ang nakapinid na butones ng suot kong polo shirt. Pakiramdam ko ay bigla akong kinapusan ng hininga sa tanawing natatanaw. Pati ang nananahimik kong alaga sa pagitan ng aking mga hita ay nagsimulang magising. Tumikhim ako upang payapain ang sariling katawan. Bumaling siya sa’kin saka kunot-noong nagtanong. “May problema ba?” Iniling-iling ko ang ulo bilang tugon at saka inilang hakbang ang pagitan naming dalawa. Inilahad ko ang palad ko sa kaniya upang alalayan siyang makatayo. Tinanggap niya ang palad kong inialok sa kaniya, ngunit napatid naman siya sa pagtayo kung kaya nasubsob siya sa’king dibdib. Maagap ang mga braso kong yumakap agad sa maliit niyang baywang na halos galaki lamang ng aking braso. “F*ck!” malutong kong mura sa’king isipan. “Sorry!” hinging paumanhin niya sa mahinhing pananalita at sinusubukang kumawala mula sa pagyakap ko. “Anong brand ng shampoo ang gamit mo?” lihim kong minura ang sarili sa pakunwaring tanong na ‘yon upang mapatagal ang pagkakakulong ng kaniyang katawan sa’king bisig. Sa sobrang pananamantala ay namalayan ko na lamang na ang isang palad ko pala ay nakahawak na sa gilid ng kaniyang dibdib. Hindi ko tuloy matukoy kung sinadya rin niyang ikiskis ang umbok ng kaniyang dibdib sa’king palad upang mabigyang pansin ko ‘yon. Pasimpleng pumisil ang palad ko at animo’y nakarating ako sa ika-siyam na ulap nang makapa ang kalambutan niyon. “Excuse me, dede ko kasi iyang pinipisil-pisil mo,” diretsong pahayag niya sa’kin. Madali akong bumitaw sa kaniyang katawan na para bang nakuryente kasabay nang pagngiwi ng aking mukha. “Gosh, Sandro! Daig mo pa ang manyakis!” lihim kong asik sa sarili. “Sorry!” hinging paumanhin ko sa babae. Matamis na ngumiti siya sa’kin dahilan para mapanatag ang aking kalooban sa nagawang kalokohan. “By the way, I'm Sandro Dela Cruz. And you are?” Inilahad ko ang isang palad sa kaniyang harapan upang makipagdaupang-palad. Akala ko’y hindi na niya tatanggapin pa ang pakikipagdaupang-palad ko sa kaniya dahil sa nangyari, ngunit gano’n na lamang ang gulat ko ng bago ko tuluyang maibaba ang aking palad ay mabilis niya iyong inabot. “Angela Montez!” nakangiti niyang pagpapakilala. Napanganga ako nang makita ang magandang ngiti niya sa labi na siyang dahilan nang paglitaw ng kaniyang pantay-pantay na mga ngipin. “Ehem!” Saka pa lamang ako napakurap ng mga mata ko at muntik pang tumulo ang laway ko kung hindi pa siya tumikhim. Daig ko pa ang nalulon ang sariling dila na hindi na malaman ang sasabihin. Malakas na tunog ng incoming ringtone ng telepono ko ang nagpabalik sa’kin sa reyalidad. “Mukhang importante ang tawag, sagutin mo kaya,” malambing niyang utos sa’kin. “Ha?” Tinitigan ko ang teleponong hawak ko na sa kamay matapos dukutin sa loob ng aking bulsa. “Sagutin mo muna iyang tumatawag sa iyo. Mukhang importante,” nangingiti niyang turan. “Umayos ka, Sandro! Mukha kang tanga sa harap ng magandang dilag,” asik ko sa sarili. Ilang beses muna akong nagmura sa sariling isipan bago tuluyang sinagot ang tawag sa telepono. “H-hello?” sagot ko sa taong tumawag na ‘di ko na rin pinagkaabalahan pang tingnan dahil sa nililipad kong diwa. “F*ck you!” malutong na mura sa’kin ni Benjie ang bumungad mula sa kabilang linya. Saka ko pa lang din naalala ang kaibigang naghihintay nga pala sa’kin sa LiquidDoze Bar. “Nasa’n ka na ba? Gaano ba kalayo ang bahay ninyo rito sa LiquidDoze Bar at ‘di ka pa rin dumarating?” galit na galit nitong sabi. “Sorry, nagkaroon lang ng problema sa daan,” mahinahon kong tugon sa kaibigan. Kung ibang pagkakataon lamang ito ay tiyak na napatulan ko si Benjie sa kaniyang mga sinabi. Napangiwi ako nang tumalikod si Angela at tila naghahanda na siyang umalis. “Ano nga ang problema?” inis na tanong ni Benjie. “Bro, umuwi ka na. Ako ng bahalang magresolba ng problema ko rito,” aniko sa kaibigan. “F*ck you!” muling mura sa’kin ni Benjie. “Umuwi ka na at lasing ka na rin.” Hindi ko na hinintay pang makasagot si Benjie dahil agad ko nang pinatay ang tawag nito. Malalaki ang mga hakbang kong lumapit kay Angela saka pinigilan ko siyang umalis. “Pauwi ka na ba?” Para akong teenager na nagpapa-cute sa kaniya habang itinatanong iyon. “Oo!” kimi niyang tugon. “Hatid na kita, pwede?” pagboboluntaryo ko sa paghatid sa kaniya. “Huwag na! Nakakahiya!” mariin niyang tanggi sa alok ko. “No, I insist!” Pagpupumilit ko. “Naku, mukhang maaabala lang kita,” saad niya na kitang-kita sa magandang mukha nito ang labis na hiya. “Hindi! Huwag mong isipin iyan! Hindi ka isang kaabalahan dahil ako mismo ang nagpupumilit na ihatid ka.” Pinapungay ko ang mga mata ko sa pagtitig sa kaniyang mukha upang magmukhang kapani-paniwala ang aking mga sinabi. Sumilay ang matamis niyang ngiti sa labi na may mapanukso at mapulang kulay na tila nang-aanyayang halikan ko siya. “Kung mapilit ka talaga pumapayag na akong magpahatid sa’yo. Mahirap na rin sumakay ng jeep sa lugar na ‘to kung tutuusin.” Malawak na ngiti sa labi ang iginanti ko sa kaniyang tinuran kung kaya’t masuyong inalalayan ko siya patungo sa’king sasakyan. “Ano nga pala’ng ginagawa mo sa lugar na ‘to ng ganitong oras?” kapagkuwa'y tanong ko sa kaniya habang pinaaandar ang makina ng sasakyan. “Galing ako sa trabaho,” sagot niya sa’kin. “Ano ba ang trabaho mo?” patuloy kong tanong habang nagmamaneho. “Nagtitinda ako ng isda sa may palengke riyan.” “What?!” bulalas ko sabay apak sa preno kaya muntik na kaming dumausdos sa dashboard. “Uy, dahan-dahan naman! Gusto ko pang mabuhay ng matagal,” natatawa niyang sabi sabay mahinang hampas sa’king braso. “Parang ang hirap paniwalaan ng mga sinabi mo. Sa ganda ng kutis mong iyan, tagatinda ka lang ng isda sa palengke?” eksaherado ko pang bulalas. “May masama ba sa pagiging tindera ng isda sa palengke?” balik tanong niya sa’kin kasabay ng unti-unting pagkawala ng ngiti sa kaniyang labi. Natigilan ako at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakitang kaseryosohan ng kaniyang anyo. “Sorry. Hindi ko intensyon na ma-offend ka ng mga sinabi ko. Pasensiya na talaga,” hinging paumanhin ko sa kaniya. “Tsk! Palibasa mayaman ka,” naiiling niyang sabi. “Mahirap lang talagang paniwalaan na sa ganda mong iyan ay nagtitinda ka lamang ng isda sa palengke,” pagtatanggol ko sa sarili. “Porke ba maganda, bawal ng maging tindera?” natatawa niyang tanong. Lihim akong napamura sa sarili dahil sa mga nakakahiyang sagot ko sa kaniya. “Pasensiya ka na kung namimis-interpret mo ang sagot ko,” hinging paumanhin ko ulit. “Pero sa maniwala ka man o hindi, ‘di ko intensyong maliitin ang trabaho mo bilang tindera.” “Ayos lang! Hindi ko rin naman masisisi ang isang tulad mo dahil nga sa mayaman ka,” aniya. “Alam mo kahit mayaman kami, hindi kami pinalaki ng mga magulang namin sa luho at karangyaan.” Pagku-kwento ko upang alisin ang maling kaisipan niya tungkol sa’kin. Muling binuhay ko ang makina ng sasakyan upang ituloy ang pagmamaneho. “Talaga?” nakataas kilay niyang tanong at tila ‘di naniniwala sa’king sinabi. “Oo!” natawa ako sa kaniyang tugon dahil talagang mababakas sa kaniyang mukha ang pagdududa. “Pinalaki kaming magkakapatid na kailangang paghirapan ang mga bagay na gusto naming makuha.” “Mainam kung gano’n. Magaling magpalaki ng anak ang iyong mga magulang,” nakangiti niyang wika. “Ngunit hindi mo pa rin naranasan ang naranasan kong paghihirap.” Damang-dama ko ang pait sa tono ng kaniyang pananalita. Bumaling ako sa gawi ni Angela at mataman ko siyang pinagmasdan sa kaniyang mukha. Nabanaag ko ang pagdaan ng lungkot sa kaniyang mga mata na tila kayraming pagsubok nang pinagdaanan sa buhay. Hindi ko tuloy maiwasang maalala sa kaniya si Ate Nena noong unang beses na dinala ni Kuya Seb sa bahay. Napakainosenteng tingnan pero punong-puno nang pighati ang mababanaag sa mga mata niyang pilit itinatago sa lahat. “Kung nakapagtapos lamang siguro ako ng pag-aaral, malamang maganda rin ang buhay ko,” napapabuntonghininga niyang pahayag. Bigla kong naisip ang bakanteng posisyon sa kumpanya na iniwan ng aking sekretarya. “Kapag sinuswerte ka nga naman, Sandro!” bulong ng malademonyong tinig sa’king isipan. “Baka gusto mong pumasok bilang sekretarya ko.” Walang pagdadalawang isip kong alok sa kaniya. “Sekretarya mo?!” gulat niyang bulalas. “Yep!” nakangiti kong tugon sa kaniya. “Nag-resign kasi ang sekretarya ko at hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ako ng ipapalit sa kaniya.” “Pero… wala akong alam sa ganiyang trabaho.” Nakita ko ang paglungkot ng kaniyang anyo. “Huwag kang mag-alala, tuturuan naman kita ng mga dapat mong gawin sa loob ng opisina,” pagko-comfort ko sa kaniya. “Baka magkamali lang ako nang trabahong magawa. Nakakahiya sa’yo!” nag-aalangan pa rin niyang sagot. “Akong bahala sa’yo. Sagot kita!” Kinindatan ko siya upang ipabatid na kailangan niya lamang magtiwala sa’kin. Nginitian ko pa siya saka hinawakan ang isa niyang kamay na nasa gilid ng kambiyo. “Nakakahiya...” Itinungo niya ang kaniyang ulo. “Ayos na ako sa pagiging tindera ng isda sa palengke.” “No! Huwag kang mahiya! Ako ang nag-aalok ng trabaho sa’yo. Isa pa, kailangan ko talaga ng sekretarya. Huwag mo na sanang tanggihan pa dahil nahihirapan na akong humanap ng bagong sekretarya," may pagsusumamong pakiusap ko at saka pinalungkot ko ang hilatsa ng aking mukha upang tuluyang kumbinsihin siya. “Sige na nga! Pumapayag na ako!” Gusto kong maglululundag sa tuwa nang marinig ang kaniyang sinabi. “Lakihan mo dapat ang sahod ha?!” pabiro niyang sabi na sinang-ayunan ko naman. “Oo ba!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD