bc

Our Time

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
drama
comedy
bxg
bisexual
humorous
enimies to lovers
friendship
school
mxm
intersex
like
intro-logo
Blurb

"Time dictates love, love dictates choices."

From friends to complicated relationship, that's childhood rivals Tyler Tiu and Ezekiel Tan.

Tyler is an idealistic type of person who believes in fate. Opposing to his belief, Ezekiel is a realistic type of person who believes in free will.

On the brink of death, Tyler meets the CLOCK MASTER who controls time and everything. He will give him a challenge for what Tyler has wished to be granted on the timing dictated by him.

Will it still be possible to find love on the right time when everything feels so hopeless?

DISCLAIMER: This story is written in TAGLISH.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - The Meeting
"Hindi natin alam kung may darating pang bukas, kaya humiling ka na habang may pagkakataon ka pa..." Nakiusap si Clock Master kay Tyler. "Sino ka?" pangungusisa ni Tyler sa kaharap niya. "Ako ang panginoon ng kahapon at kinabukasan. Ako si Clock Master... ang may kakayahang sumilip sa nakaraan at sa hinaharap..." pagpapakilala ni Clock Master kay Tyler. "Clock Master? Kaya pala clock yung ulo mo..." pagsagot ni Tyler. "Obvious ba?" "Gusto mo ba silipin ang mga magaganap pa lang sa buhay mo?" Tumango lang si Tyler na parang bata sa alok ni Clock Master sa kaniya. Lumapit siya at hinawakan niya ang mga kamay ni Clock Master. "Nakikilala mo ba siya?" "Hindi po, pero-" "Pero iba ang sinasabi ng puso mo di'ba?" pagsingit ni Clock Master. "Sa takdang panahon, ikaw at siya magtatagpo ang mga landas niyo... masakit at puno ng pighati ang magiging buhay mo habang siya ay natututo kang mahalin..." "What do you mean? Di ko po kayo ma-gets!" Gulong-gulo na si Tyler sa mga nakikita niya. "Sa takdang panahon... magaganap ang dapat maganap kung hahayaan mong magtiwala ang puso mo sa dapat na mangyari..." pagpapaalala ni Clock Master. ------------------------------------------------------------ "Shet panaginip lang pala 'yun, ang weird! Pero ano ba ibig sabihin nun?" Kinuha ni Tyler ang phone niya sa kaniyang tabi at tinignan sa internet ang ibig sabihin ng panaginip niya. "Hi ako nga pala si Tyler Andrei Tiu, Tyler na lang or Drei... 18 na ko pero 'di halata... kung napapansin niyo ganito na talaga ako magsalita pero mga mare kumekembot talaga ako! Uy secret lang natin 'yun ah!" Bumangon si Tyler at hinanda ang kaniyang susuotin. "Only child lang ako at single and ready to jingle... oo naiihi na talaga ako, wait lang ah!" Pumasok si Tyler sa banyo at umihi muna. Lumabas rin siya at ipinagpatuloy ang kwento. "Anong klaseng tao ako? Uhmm, masayahin lang siguro, palatawa, at energetic... 'yun ang sabi nila pero gusto ko lang kasi talaga ay good vibes lang... I always find it happy to simple things and that's how I enjoy life..." May nagdoorbell sa kwarto niya. "Sir Tyler, breakfast in bed po..." pagtawag ni Ate Mayang. Binuksan ko ang door at pinasok ni ate yung food ko. "Thank you ate..." I answered. "Spoiled brat ba ko? I don't see myself in that category... comfortable life, yes... but, I still see this as a simple setting." "Mayaman? I don't like using that word kasi it has a bad connotation kaya I'd like to use the term 'comfortable' and it isn't a bad thing kasi pinaghirapan naman ng family namin yung wealth na meron kami..." Hinatid na ng mga yaya ni Tyler ang gamit nito sa sasakyan. Nagkakape si Kuya Mon nang biglang lumapit si Tyler para magpahatid siya sa driver nila. "Kuya Mon, pahatid ako ah?" "Sige, alis na ba tayo?" tanong ni Kuya Mon. "Oo wait lang mga 5 minutes tapos alis na tayo... mamaya pa naman kayo aalis nila daddy 'no?" "Oo mga 9 pa naman kami aalis..." sagot ni Kuya Mon. Nang makaalis at makarating agad si Tyler sa condo niya ay nagkasalubong sila ni Kiel. "Siya si Ezekiel ang best friend ko, para sa akin lang... kaaway na kasi ang turing niya sa'kin, long story pero siya yan... aaminin ko ang gwapo niya at siya rin yung taong nagustuhan ko hanggang ngayon..." Inangasan ng tingin ni Kiel si Tyler na tila ba gusto niya nang manapak. "Hoy, anong ginagawa mo dito?!" pagalit na tanong ni Kiel kay Tyler. "Bakit, dito ako mags-stay... masama ba?" "Nananadya ka talaga?!" "I don't need to answer your stupid question kasi wala naman akong ginagawang masama sa'yo!" Tinalikuran ni Tyler si Kiel at dumiretso na ng elevator. Pinauna na ni Kiel si Tyler at nagkatinginan sila ng mata sa mata habang sumasarado ang pintuan ng elevator. "Ba't dito mags-stay yung hinayupak na 'yun?!" bulong ni Kiel sa sarili niya. Pagdating ni Tyler sa 25th floor hinanap niya ang unit niya at napahinto sa harapan ng pinto. "Shuta nasaan na yung susi ko?!" laking pagkagulat ni Tyler na wala yung susi niya sa kaniya. Saktong dunating si Kiel at laking gulat niya na nasa parehong palapag ang unit nila at magkatabi pa. Habang papalapit si Kiel kay Tyler ay paatras ng paatras si Tyler hanggang sa wala na siyang magalawan sa pintuan. "So, dito ka talaga?! Sabihin mo sa'kin ngayon na di ka nananadya!" Pagalit na sambit ni Kiel. "Bakit, alam ko ba kung saan unit mo?!" pagsigaw ni Tyler sa mukha ni Kiel. Tinakpan ni Kiel ang bibig ni Tyler at sabay sabi "ang ingay mo!" Kinuha ni Kiel ang kamay ni Tyler nang biglaan at binigay ang susi ng unit niya na nahulog kanina sa tapat niya. Umalis na si Kiel at pumunta sa katabing unit ni Tyler at pumasok na. Natulala na lang si Tyler sa naganap dahil hindi niya akalain na katabi lang ng kwarto niya ay ang kwarto ni Kiel. Pumasok na si Tyler at inayos na ang mga gamit. Nagroom decor siya at saka nagpadeliver ng pagkain. "Kuya okay lang po paakyat sa room 2508?" "Sige po..." sagot ng grab driver. "Salamat po..." Habang hinihintay ni Tyler ang kanyang pagkain ay tinignan muna niya ang view sa condo terrace niya at nakita niya si Kiel sa kabila na nagtutugtog ng gitara. Pumasok kagad si Tyler bago pa siya makita ni Kiel. Tumingin sa likod si Kiel at naramdaman niyang may dumaan. Alam niyang si Tyler iyon at ngumisi lamang siya. Dumating na ang pinadeliver ni Tyler na pagkain at binigyan niya ng 200 pesos na tip ang grab driver. Nagpasalamat siya at umalis na ang delivery boy. "Wooh! Sa wakas makakakain na rin..." umupo si Tyler at kumain na habang nanonood ng kanyang inaabangang drama sa iPad niya. Pagkatapos niyang kumain ay naligo na rin siya. ------------------------------------------------------------ "Kuya Mon, nakaalis na ba si Tyler?" tanong ni Charlotte. "Opo ma'am..." tugon ni Kuya Mon. "Pakilagay na yung mga dadalhin naming gamit ni Peter sa car, thank you..." "Sige po ma'am ako na po dyan..." pag-alok ni Kuya Mon. "Salamat!" bumalik ulit sa taas si Charlotte. "Hubby, ano tama lang ba na doon na si Tyler sa condo?" tanong ni Charlotte kay Peter. "Oo, para matuto siyang mabuhay nang 'di umaasa sa'tin... 'wag ka mag-alala matalino naman anak natin, alam niya ang tama at mali..." "Sa bagay..." habang sinusuotan niya ng necktie ang asawa niya. "Mamaya pag-uwi natin, lulutuan kita ng masarap na ulam!" at binigyan niya ng halik si Peter. "Gusto ko 'yan! Anong ulam ba? sa kama?" pang-aasar ni Peter kay Charlotte. "Anong pinagsasabi mo diyan? Lulutuan kita ng favorite mo... ito napaka ano eh..." pagpapaliwanag ni Charlotte. Bumaba na sila at umalis na. Hinatid na ni Kuya Mon ang mag-asawa aa opisina nila. ------------------------------------------------------------ Lumabas si Kiel at nilusot ang papel sa ilalim ng pintuan ni Tyler na may nakasulat na PAKYU! Nagulat si Tyler at lumabas ng unit niya. Kinatok niya si Kiel sa kabilang pinto. "Ano ba katok ka ng katok! Ano ba kailangan mo?!" pagalit na tanong ni Kiel. Pinilit ni Tyler na bukain ang bibig ni Kiel gamit ang kamay niya at pinasok ang nilukot na papel sa bunganga nito. "Pakyu ka rin!" Tyler smirked at Kiel at bumalik sa kwarto niya. Lumabas si Kiel at kinatok ng kinatok ang pintuan ni Tyler. Sa sobrang pangungulit ni Kiel ay napilitan si Tyler na buksan ang pintuan at nagpumilit pumasok si Kiel. "Hoy trespassing ka! Aba, loko 'to ah!" pagsigaw ni Tyler kay Kiel. Hindi umiimik si Kiel at umupo ito sa kama ni Tyler. Nagtitigan lang sila ng masama sa isa't isa. Umupo na lang si Tyler sa study table niya at bumalik sa ginagawa niya. "Subukan mong guluhin gamit ko para maibato kita palabas ng balcony..." pagbabanta ni Tyler kay Kiel. "Kung kaya mo, sa laki ng katawan ko, kaya mo? eh ang liit mo..." pang-aasar ni Kiel. Tinititigan pa rin ni Kiel si Tyler. Biglang napatayo si Tyler sa inuupuan niya dahil sa sinagot ni Kiel. Napatayo rin si Kiel at inaangasan ng tingin si Tyler. "Ano ba problema mo?!" painis na tanong ni Tyler kay Kiel. Hinatak ni Kiel si Tyler at hiniga sa kama. Naglapit ang mga mukha nila sa isa't isa. "Kung pumunta ka dito sa condo na 'to para magkaayos tayong dalawa, hinding-hindi mangyayari 'yun! You thought I can easily forget what you did to me?!" "Aalis ka o hahalikan kita?" pagbabanta ni Tyler. Lalong sumama ang tingin ni Kiel sa kaniya. "Ah ayaw mo ah..." Tinangka na ni Tyler na halikan si Kiel at napatayo siya kaagad. "Tangina mo ah! Ikaw pa rin yung Tyler na nambaboy sa'kin!" Agad na lumabas si Kiel at dinabog ang pinto ni Tyler. "Lalabas ka rin pala eh... halik lang pala katapat mo!" bulong ni Tyler sa sarili niya sabay irap. Tinignan ni Tyler ang picture frame na may litrato nilang dalawa ni Kiel. "Bakit ba tayo umabot sa ganitong punto? Alam mo naman sa sarili mo na di ko naman sinasadya 'yun... ano ba talagang ayaw mo sa'kin? I even thought nothing and no one can break our friendship..." Matapos niyang pagmasdan ang litrato nila ay bumalik na siya sa ginagawa niya. Si Kiel naman ay dumiretso sa kama niya at inisip ang ginawa sa kaniya ni Tyler. Hanggang sa natulog na siya at nanaginip siya ng masama na ginapos siya ni Tyler sa kama. Bigla na lamang siya nagising at lalong sumama ang timpla niya. "Tangina mo Tyler hanggang sa panaginip ba naman?!" bulong ni Kiel sa sarili niya habang di niya namamalayan ay naluha na siya. Iniisip ni Tyler ang mga panahong binuo nila ni Kiel ang masasayang alaala nila bilang mga bata. Pinagmamasdan niyang muli ang litrato nilang dalawa ni Kiel. [THROWBACK] Pinunasan ni Kiel si Tyler ng pintura sa mukha. "Hala, paganti ako!" kumuha si Tyler ng kaunting pintura at sinubukang ipunas kay Kiel ngunit 'di niya magawang punasan ang best friend niya dahil magaling ito umilag. "Kung kaya mo!" pag-iwas ni Kiel sa pinturang ipupunas ni Tyler sa kaniya. "Ano 'yan Tyler?" pagtatanong ni Kiel. "Lucky stars.." pagsagot ni Tyler habang nakangiti siya kay Kiel. "Lucky stars? Ano 'yun?" pagtataka ni Kiel. "Sabi nila pag binulong mo sa bote na ito yung wish mo, matutupad raw yun balang araw..." pagpapaliwanag ni Tyler. "Weh?! Totoo ba 'yan? eh ikaw lang naman gumawa niyan!" pagtutol ni Kiel sa pinagsasabi ni Tyler. "Di naman masamang maniwala at magtiwala..." pagtanggol ni Tyler sa Lucky Stars niya. "Maniwala, oo... pero magtiwala, ibang usapan 'yun..." pagtanggol rin ni Kiel sa paliwanag ni Tyler. "Kiel, paano kung magkagusto ako sa'yo pag malaki na tayo? Lalayuan mo ba ko?" tanong ni Tyler. "Yuck, hanggang best friend lang tayo... bakit crush mo ba ko?" pagtataka ni Kiel kay Tyler. "Huh? Hindi ah! Grabe naman..." pagtanggi ni Tyler sa tanong ni Kiel sabay yuko ng kaunti. "Wehhh!! Crush mo ko eh... alam ko namang pogi ako pero bawal ka magkacrush sa'kin..." pang-aasar ni Kiel kay Tyler. "Hindi nga, ang sabi ko lang 'paano?'" pagdepensa ni Tyler sa sarili niyang tanong. "Hindi pa rin pwede kasi pareho tayong lalaki... pero 'wag ka mag-alala I'll still protect you kahit na malaki na tayong dalawa..." pagpapaliwanag ni Kiel sa kaniya. Hindi na pinahalata ni Tyler na nalungkot siya sa sinabi ni Kiel sa kaniya noon. ------------------------------------------------------------ "Paano kung gusto pa rin kita hanggang ngayon, Kiel?" pagtatanong ni Tyler habang hawak niya ang picture nilang dalawa ni Kiel. "Paano kung mahal na talaga kita ngayon?" naluha si Tyler sa tanong niya. "Bakit ba nangyari sa'tin ito? What did I even do to deserve this? Kasalanan ko bang mahal kita eh ito yung nararamdaman ko noon pa man?" pagtatanong ni Kiel sa sarili niya habang naiiyak na siya. "Simula noon iniwan mo na lang ako sa ere at nakahanap ka na ng bagong best friend mo... pero 'di rin naman kita masisisi, baka nga kasalanan ko na nagkagusto ako sa'yo?" napaiyak na lang si Tyler sa paglalabas niya ng sama ng loob.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
36.5K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
11.2K
bc

The Billionaire’s Discarded Bride

read
37.4K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
621.4K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
826.3K
bc

The Lone Alpha

read
125.8K
bc

Tis The Season For My Revenge, Dear Ex

read
75.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook