“LOOK, who's coming! Ang Beauty Queen ng taon! Ang buhok 'te, sumasayad sa lupa!” Isang irap at marahang pag-iling lamang ang ibinato ni Calley sa bruhong si Tristan pagpasok niya sa employees lounge kasama ang anak. Samantalang si Maggy naman ay halos mapunit naman ang bibig habang nakatingin din sa kaniya. Mukhang may ideya na siya kung bakit tinutukso siya ng mga kaibigan. Sure siyang nakarating na sa mga ito ang panliligaw sa kan’ya ng CEO. Idagdag pang naging instant model din silang mag-ina na alam niyang kalat na kalat na rin sa mga co-workers niya. Hindi na lang pinansin pa ni Calley ang pang-aasar ng dalawa, at saka tuluyang naupo sa monoblock chair katabi si Callyx na noon ay tahimik lamang na naglalaro ng remote control robot nito. Si Zayne pa ang bumili niyon para sa kanyang

