"Sir Z-Zack... I-Ikaw pala...” Hindi maiwasang mautal ni Calley nang banggitin ang pangalan ng binata ng mga sandaling iyon. Namamawis din ang kanyang mga kamay at nanlalamig habang nakatingin kay Zack na noon ay halatang naghihintay na alukin niyang pumasok sa loob ng tinutuluyan. Hindi maipaliwanag ni Calley ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Halu-halong emosyon ang lumulukob sa kanya na tila ba anumang oras ay sasabog ang kanyang dibdib. Bakit hawak ni Zack ang isang kahon kaparis ng ipinapadala sa kanya ni Z? Iisa nga kaya ang mga ito at kaya naroon ang binata ay dahil handa na itong umamin? At paano kung ito nga si Z na ama ng kanyang anak na matagal na niyang hinahanap? Ano ang gagawin niya? At paano naman kung nagkakamali lamang siya? Iyon ang mga tanong na kaagad pumasok

