"GOOD morning, Calley..." Hindi inaasahan ni Calley na si Zayne ang mapagbubuksan niya ng pinto ng umagang iyon. Ang inaasahan niya kasi ay si Zack dahil usapan nilang ihahatid silang mag-ina sa studio para sa photoshoot ni Callyx. Isa pa'y hindi pa siya handang harapin si Zayne pagkatapos nitong umamin sa kaniya tungkol sa feelings nito. Tuloy ay abot-abot ang kanyang kaba ngayong kaharap na niyang muli ang lalaki. Matamis din ang pagkakangiti ni Zayne sa kanya ng mga oras na iyon, bagay na nakapagdulot sa kanya nang matinding pagkailang. "Good morning din, Sir Zayne," ani Calley na muntikan pang bumuhol ang dila. "Nakabalik na po pala kayo," dagdag pa niya na ang tinutukoy niya ay ang 1 week business trip ng kanyang boss sa Maynila. "Why are you so formal all of a sudden, Calley?" sa

