October 15, XXXX (Day 22) Papunta na kami ngayon ng simbahan para magsimba. Kasama ko sina Tita Thallia, halimaw at Reito sa isang van na sobrang gara. Dinaig pa 'yung mga van ng mga artista na napapanood ko. Tapos ang katabi ko sa upuan ay si Tita Thallia. Ang nasa harapan naman namin ay sina Halimaw at Reito na mukhang nagkakainitan at asaran pa. "Ang dalawang ito talaga hindi pa rin nagbabago, nagkukulitan at nag-aasaran na naman. Parang kailan lang paslit pa lang sila, ngayon kay gu-guwapo na nila at ang kikisig." Parang nalaglag yata ang panga ko sa pananagalog ni Tita Thallia. Kakaiba talaga siya kapag nasa kanyang trabaho at sa ordinaryo niyang pamumuhay. Sus! Parang ako pa yata ang malalim dito. Pew! What a word! Pew, hindi na tofu? Haha! Napatingin lang ako sa dalawa at kay T

