CHAPTER 25 DOMINIC POV Tahimik ang hallway habang umaakyat ako ng hagdan. Ang bawat hakbang ko ay mabigat, pero hindi dahil sa konsensya kundi dahil sa bigat ng desisyon na matagal ko nang pinaplano. Narinig ko pa ang mahinang pagsara ng pinto ni Sandra sa itaas. My princess. Kahit nanginginig siya kanina, kahit may duda sa mga mata niya, alam kong nakuha ko pa rin siya. Doubt is softer than truth. At kapag malambot ang isip ng tao, doon ka papasok. Pagpasok ko sa kwarto namin ni Maita, sinalubong ako ng amoy ng lavender diffuser niya. Palaging ganoon. Mahilig siya sa mga bagay na “calming.” Irony. Ngumiti ako nang bahagya. She was sitting by the vanity mirror, tahimik, nakatitig sa sarili niyang repleksyon. Parang may hinahanap sa mukha niya. Parang sinusukat kung gaano kalalim ang s

