(Continuation)
CHAPTER 24
STILL ALESSANDRA POV
Hindi ko na kaya ang loob ng mansion pakiramdam ko nasasakal ako sa mga salitang binitawan ni Mommy you love winning.
Lumabas ako, halos tumatakbo, papunta sa garden. Gusto ko lang ng hangin. Gusto ko lang kumalma the night air was cold.
Tahimik ang paligid, pero ang dibdib ko parang may bagyo. Papalapit na sana ako sa gazebo ang lugar na lagi kong tinatakbuhan kapag hindi ko kayang harapin ang mundo nang marinig ko ang boses ni Mommy mula sa slightly open na French window sa gilid ng mansion.
Hindi ko sana pakikinggan pero may kakaiba sa tono niya galit, masakit.
“Anong balak mo, Dominic?” sigaw niya. “Ipagpipilitan mo na ipakasal si Sandra kay Ferox kahit hindi na siya mahal nito?” Napahinto ako tumayo ako sa dilim, hindi gumagalaw.
“Tulad ng ginawa mo sa akin dati?” dugtong niya napatayo ako nang tuwid.
What? Ang puso ko nagsimulang bumilis. Narinig ko ang malamig na boses ni Daddy.
“Stop bringing up the past.”
“The past?” halos matawa si Mommy pero puno ng pait. “You call that the past?” Humigpit ang hawak ko sa railing ng terrace. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makaalis.
“Hindi kita minahal,” tuloy ni Mommy, ang boses niya nanginginig pero matatag. “May mahal akong iba noon.” Parang may sumuntok sa tiyan ko, What is she saying?
“At anong ginawa mo?” sigaw niya. “Sa araw ng family gathering, pina-inom mo ako ng wine. Nilagyan mo ng kung anong gamot ang inumin ko!” Napahinto ang paghinga ko.
“Don’t exaggerate,” malamig na sagot ni Daddy.
“Exaggerate?!” sigaw niya. “Wala akong malay nang gabing iyon! I woke up in your room!” Nanghina ang tuhod ko. Hindi, Hindi totoo.
“After that,” tuloy ni Mommy, umiiyak na ngayon, “nagbunga ang ginawa mo.” My world tilted bagbunga, ako ba, ako ba ang tinutukoy niya?
“Kung hindi dahil sa mga magulang ko,” sigaw ni Mommy, “na binantaan ng pamilya mo, hindi kita papakasalan!” The words felt like knives.
“I would rather raise my child alone kaysa mapilitang pakasalan ka!”
Hindi ko alam kung kailan nagsimulang tumulo ang luha ko. Sa loob ng bahay, narinig ko ang malakas na kalabog.
At sumunod isang tunog, isang sampal. Malakas napahawak ako sa dibdib ko.
“Enough!” sigaw ni Daddy.
“Dapat lang!” sigaw pabalik ni Mommy
Muli isa pang sampal at isa pa hindi ko na kinaya. Lumapit ako sa bintana, nanginginig ang mga kamay ko.
At doon ko nakita mommy was on the floor. Her hair disheveled. Her cheek red si Daddy nakatayo sa harap niya, galit na galit.
“You think you’re innocent?” sigaw niya. “You think you had a choice? That alliance saved your family!”
“Saved?” umiiyak na sagot ni Mommy. “You destroyed me!” He grabbed her arm mahigpit.
“Everything you have,” galit niyang sabi, “is because of me!”
“And everything I lost is because of you!” sagot niya, pilit kumakawala.
Nanghina ang tuhod ko hindi ko na alam kung ano ang mas masakit. Ang katotohanan? O ang realization na ako ang bunga ng isang gabing hindi ginusto ng sarili kong ina?
“Don’t you dare poison Sandra against me!” sigaw ni Daddy.
“She deserves the truth!” sigaw ni Mommy hindi ko namalayang napasigaw ako.
“Stop!” Pareho silang napatingin sa akin.
Sa akin nakatayo sa may bintana nanginginig umiiyak.
“Alessandra…” bulong ni Mommy hindi ko alam kung paano huminga.
“Is it true?” mahina kong tanong tahimik si Daddy si Mommy lang ang umiiyak.
“Is it true?” mas malakas ko nang tanong.
“Don’t listen to her,” malamig na sabi ni Daddy.
“Answer me!” sigaw ko tahimik at sa katahimikan na iyon nakuha ko ang sagot.
Parang may nabasag sa loob ko bigla kong naalala ang sinabi ni Mommy kanina.
Wag mong habulin ang taong ayaw sa’yo. Was she protecting me? O was she seeing herself in me?
“Pinipilit mo ako kay Ferox,” nanginginig kong sabi, “because that’s what you did to her?”
“Because that’s how power works!” sigaw ni Daddy. “Love is irrelevant!”
Hindi ko na alam kung sino ang kausap niya. Si Mommy? O ako?
“Hindi kita pinilit magmahal sa akin!” sigaw ni Mommy. “Pero pinilit mo akong pakasalan ka!” He raised his hand again napaatras ako.
“Subukan mong saktan siya ulit,” sigaw ko, “at ako mismo lalabas sa media!” Tumigil siya.
For the first time i saw something in his eyes. Hindi galit, takot tahimik ang buong sala mommy was shaking.
Ako rin sa loob ng ilang minuto nawasak ang mundo ko. Hindi fairy tale ang pamilya namin, Hindi kami perfect i was born out of manipulation. Out of power, Out of force at ngayon.
Gusto kong ipilit ang sarili ko sa isang lalaking hindi ako pinili. Am I becoming him? Napatingin ako kay Mommy she looked at me with so much pain.
“Anak,” mahina niyang sabi, “huwag mong gawin ang ginawa sa akin.” Humagulgol ako.
Hindi ko alam kung kanino ako galit, Kay Daddy?, Kay Mommy?, Sa sarili ko?, Sa mundo?
Sa unang pagkakataon naramdaman ko ang bigat ng apelyido ko Valez it wasn’t just power. It was control manipulation, fear.
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa gazebo. Basta ang alam ko, tumatakbo ako palayo sa bahay na iyon sa mga salitang narinig ko, sa mga sampal na nakita ko, sa katotohanang tila sumira sa buong pagkatao ko.
Ang garden namin ay laging maayos. Laging perpekto. Ang mga bulaklak nakaayos ayon sa kulay, ang fountain sa gitna ay marahang umaagos, at ang gazebo ang paborito kong lugar ay tila isang eksenang hinugot sa fairy tale.
Pero ngayong gabi, walang maganda walang perpekto. Bumagsak ako sa upuan sa loob ng gazebo at doon ko hinayaang lamunin ako ng katahimikan. Ang hangin ay malamig, pero mas malamig ang mga alaala na paulit-ulit na bumabalik sa isip ko.
Nilagyan mo ng gamot ang inumin ko… pinagsamantalahan mo ako Umiling ako nang mariin, parang gusto kong itaboy ang boses ni Mommy palabas ng ulo ko.
Hindi iyon totoo, Hindi puwedeng totoo. Kung totoo iyon ano ako?, Isang produkto ng panlilinlang?, Isang bunga ng pagkakamali?
Napahawak ako sa dibdib ko hindi ko kayang tanggapin. Narinig ko ang mabagal na yabag sa likod ko. Hindi ako nagulat. May kakaibang pakiramdam na alam kong susundan niya ako.
“Sandra.” Malambot ang boses ni Daddy.
Ibang-iba sa galit na narinig ko kanina sa loob ng bahay. Hindi ako lumingon agad. Pinunasan ko muna ang luha ko. Ayokong makita niyang mahina ako.
Pero umupo siya sa tabi ko nang hindi nagmamadali. Hindi siya nagtanong. Hindi siya nagtaas ng boses. Tahimik lang siya, parang hinahayaan akong maubos.
“My princess,” marahan niyang sabi.
Iyon ang tawag niya sa akin mula pagkabata. Tuwing may problema ako sa school. Tuwing may umiiyak sa akin. Tuwing may gustong agawin ang gusto ko he always made it right.
“Wag mong paniwalaan ang mommy mo,” sabi niya sa wakas.
Napahinto ang paghinga ko hindi niya agad ipinagtanggol ang sarili niya. Hindi niya agad sinabing nagsisinungaling si Mommy.
Una niyang sinabi wag kang maniwala. There was a difference, tahimik ako, pero ang utak ko ay magulo.
“She’s not well,” dagdag niya, mas mabagal ngayon ang tono, parang may bigat na dala. “Matagal na.” Dahan-dahan akong napalingon sa kanya.
Wala na ang galit sa mukha niya ang nakita ko ay pagod, concern. Isang ama na tila bitbit ang responsibilidad ng buong mundo.
“May sakit ang mommy mo,” tuloy niya.
Hindi siya nagmadali sa paliwanag. Hindi siya agresibo. He spoke like someone confessing a burden.
“Psychological instability,” sabi niya. “Mood distortions. Delusions.”
Ang mga salitang iyon ay mabibigat. Klinikal. Parang may katotohanan dahil teknikal ang tunog.
“She refuses treatment,” dagdag niya. “Ayaw niyang tanggapin.” Napaisip ako kanina nga, parang ibang tao si Mommy.
Parang punong-puno ng galit na matagal nang kinikimkim pero hindi ba may dahilan?
Hindi ko alam kung ano ang mas dapat paniwalaan ang nakita ko, o ang naririnig ko ngayon.
“Do you really think I would do that?” tanong niya nang marahan hindi niya tinaasan ang boses.
Hindi niya ako pinilit sumagot he let the question sit between us. At doon nagsimula ang bitag dahil sa halip na isipin ko ang ginawa niya kanina. Naalala ko ang mga taon na hindi niya ako pinabayaan.
Ang mga birthday parties na engrande, ang mga pangarap na sinuportahan niya. Ang mga pagkakataong ipinaglaban niya ako he built a narrative without shouting.
“She drank too much that night,” tuloy niya, halos parang nagkukuwento ng isang malungkot na alaala. “It was complicated. Families were involved. Emotions were high.”
Hindi niya direktang sinabi kung ano ang nangyari, Hindi niya kinontra ang detalye binago lang niya ang framing.
“She regretted it,” sabi niya. “And regret can turn into hatred.” Napabuntong-hininga siya, parang siya ang biktima.
“She needed someone to blame.” Tahimik ako ang isip ko ay naghahanap ng consistency.
Ang puso ko ay naghahanap ng mas madaling sagot. Mas madaling paniwalaan na may sakit si Mommy. Mas madaling paniwalaan na ang nakita kong pananakit ay isang “reaction.”
Mas madaling paniwalaan na ang ama ko ay hindi kayang gumawa ng ganoong bagay.
“She rewrites the past to survive it,” dagdag niya, ang linya na iyon ang tumama.
Rewrites the past hindi ba ginagawa ko rin iyon? Binabalikan ko ang nakaraan namin ni Ferox at pinipili ko lang ang mga parte kung saan ako ang tama baka ganoon din si Mommy.
“She’s projecting her pain onto you,” sabi niya. “She doesn’t want you to marry because she sees herself in you.”
The logic felt neat almost too neat pero sa oras na iyon, gusto kong may maayos na paliwanag. Gusto kong may malinaw na kontrabida at kung may sakit si Mommy.
Then hindi ko kailangang wasakin ang imahe ng Daddy ko.
“She needs help,” sabi niya, mas firm na ngayon ang tono. “I was planning to bring her abroad. Confidential facility. For treatment.” Ang salitang facility ay malamig.
Parang kulungan na pinaganda lang ang tawag. Ngunit sa paraan ng pagkakasabi niya, parang sakripisyo iyon hindi parusa.
“She could hurt herself,” dagdag niya. “Or you.” At doon ako tuluyang nahulog.
Because fear is stronger than doubt kung may posibilidad na saktan ako ni Mommy. Mas madaling kumapit sa ama kong nagsasabing poprotektahan niya ako. Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang natitirang luha.
“You’re my princess,” sabi niya. “Everything I do is for you.” Hindi niya kailangang magtaas ng boses.
Hindi niya kailangang ipagtanggol ang sarili niya nang agresibo. He just planted doubt.
And offered safety habang naglalakad kami pabalik sa mansion, naramdaman kong parang may dalawang bersyon ng katotohanan sa loob ko. Yung nakita ko at yung pinili kong paniwalaan.
Sa bawat hakbang ko papasok sa bahay, mas pinipili ko ang pangalawa. Dahil kung totoo ang sinabi ni Mommy.
Ibig sabihin, ang mundo ko ay itinayo sa kasinungalingan. At hindi ko pa kayang tanggapin iyon. Sa itaas ng hagdan, bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ko, lumingon ako sandali. Nakatayo si Daddy sa ibaba tahimik, matatag.
Parang walang bahid ng pagkakamali at sa dilim ng hallway, hindi ko napansin ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi ni Daddy.