LIFEGUARD

1796 Words
CHAPTER 20 FEROX POV Maaga akong nagising hindi dahil sa ingay kundi dahil sa pananabik. Pagmulat ko ng mga mata ko, agad kong narinig ang hampas ng alon sa dalampasigan ng Isla Milagrosa. May kakaibang kapayapaan ang umaga rito. Hindi tulad sa lungsod kung saan busina at usok ang gumigising sa tao dito, dagat at hangin ang bumubulong ng panibagong simula. Tumayo ako at nag-inat habang naliligo ako, paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang ngiti ni Jam kagabi. Ang paraan ng pagtitig niya. Ang mahinang pagtawa niya napailing ako at napangiti. “Focus, Ferox,” bulong ko sa sarili ko. “May trabaho ka ngayon.” Pagkatapos maligo at kumain ng simpleng almusal, sinuot ko ang bagong uniporme ko pulang shorts at puting sando na may nakalagay na LIFEGUARD sa harap. Inayos ko ang whistle sa leeg ko at sinigurong maayos ang rescue buoy (salbabida). Ngayon ang unang araw ko bilang lifeguard dito sa isla. Gusto kong makatulong. Gusto kong may saysay ang pananatili ko rito. At higit sa lahat gusto kong mapatunayan sa sarili ko na hindi lang ako basta dumaan dito. Pagdating ko sa dalampasigan, unti-unti nang dumadami ang tao. May mga bata nang nagtatakbuhan sa buhanginan, may mga pamilya na naglalatag ng banig, at may mga dalagang nagkukumpulan sa ilalim ng payong. Nang tumayo ako sa mataas na lifeguard stand at inilibot ang paningin ko sa dagat. Pakiramdam ko, ako ang bantay ng buong baybayin. Mainit ang sikat ng araw pero sariwa ang hangin. Ang dagat ay kulay asul na may halong berde mapayapa sa unang tingin, pero alam kong kayang maging mapanganib sa isang iglap. Ilang minuto ang lumipas napansin kong may grupo ng mga dalagang pabulong na nagtatawanan habang pasulyap-sulyap sa direksyon ko. “Hala, sino siya?” mahina pero malinaw kong narinig mula sa isa. “Bakit ang pogi niya?” sagot ng isa pa. “Hindi lang pogi, parang mabait pa. Tingnan mo ‘yung tindig.” Napangiti ako nang bahagya pero nagpanggap na hindi naririnig. “Baka bagong salta lang siya dito sa Isla Milagrosa,” bulong pa ng isa. “Parang hindi ko pa siya nakikita dati.” “Kung lifeguard siya, sana araw-araw may maliligtas,” biro ng isa, sabay hagikgik. Napailing ako kung alam lang nila hindi biro ang trabahong ito ilang sandali pa may narinig akong sigaw. “Anak ko! Anak ko!” Agad akong tumayo. Sa di kalayuan, may batang lalaki na tila tinatangay ng alon palayo sa mababaw na bahagi. Isang iglap lang. Walang pag-aalinlangan, tumalon ako mula sa stand at mabilis na tumakbo patungo sa tubig. Ramdam ko ang init ng buhangin sa paa ko bago ako tuluyang sumuong sa dagat. Malamig ang tubig malakas ang alon. Pero mas malakas ang t***k ng puso ko. Habang lumalangoy ako palapit sa bata, naririnig ko ang sigawan sa likod ko. “Lifeguard! Lifeguard!” “Bilisan mo!” Nakita ko ang bata nagpapanik, pumipiglas. “Hoy!” sigaw ko. “Kapit ka lang! Huwag kang magpumiglas!” Inabot ko siya at maingat na hinawakan sa ilalim ng braso. “Huminga ka. Nandito na ako.” Ramdam ko ang takot niya pero mas kailangan niyang maramdaman ang katiyakan ko. Ginamit ko ang rescue buoy (salbabida) at unti-unting iniahon siya habang nilalabanan ang alon. Hindi madali pero hindi ako bibitiw, sa wakas, narating namin ang mababaw na bahagi. May mga taong tumulong sa akin upang maiahon ang bata sa buhanginan. Umiiyak ang kanyang ina. “Salamat! Salamat!” paulit-ulit niyang sabi habang yakap ang anak lumuhod ako at sinigurong maayos ang paghinga ng bata. “Okay na siya,” sabi ko. “Nakalunok lang ng tubig pero stable na.” Napahawak ang ina sa kamay ko. “Kung hindi dahil sa’yo…” Ngumiti ako. “Trabaho ko po ito.” Sa likod ko, narinig ko ang bulungan ng mga dalaga. “Hala… ang tapang niya.” “Grabe, parang eksena sa pelikula.” “Mas lalo siyang pumogi!” “Hindi lang pogi, mabait pa at matulungin.” Napakamot ako sa batok. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mahihiya, may isang dalaga pang lumapit. “Kuya, okay ka lang po? Hindi ka po nasugatan?” Ngumiti ako. “Ayos lang ako.” “Salamat po talaga,” dagdag niya, kahit hindi naman siya ang nanay ng bata. Habang bumabalik ako sa lifeguard stand, ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit umiinit ang pisngi ko. Hindi dahil sa mga papuri kundi dahil sa isang tanong na biglang sumagi sa isip ko kung nandito kaya si Jam, nakita kaya niya ang ginawa ko? Hindi ko mapigilang mapangiti pero agad ko ring pinigilan ang sarili ko focus. Hindi ako nandito para magpasikat nandito ako para magbantay. Umupo akong muli sa stand, hawak ang whistle sa malayo, patuloy ang tawanan ng mga tao. Pero sa loob ko may kakaibang saya hindi dahil sa paghanga ng iba. Kundi dahil sa pakiramdam na may nagawa akong tama. Sa unang araw ko bilang lifeguard sa Isla Milagrosa. May isang batang muling nakahinga at may mga pusong bahagyang napatibok. Pero hindi ko pa alam na ang mga alon na ito ay simula pa lamang. Dahil minsan hindi lang sa dagat may kailangang sagipin, minsan, pati sa puso. Matapos ang insidente kanina, hindi agad bumalik sa dati ang t***k ng puso ko. Nakatayo ako sa lifeguard stand, nakatanaw sa malawak na dagat ng Isla Milagrosa. Tahimik na ulit ang mga alon, pero parang may naiwan silang marka sa dibdib ko. Hindi dahil sa pagod sanay na ako roon. Kundi dahil sa pakiramdam na may nagbago. Mainit ang araw. Ang buhangin ay kumikislap sa ilalim ng liwanag. May mga batang nagtatakbuhan muli, tila ba nakalimutan na ang muntik nang trahedya kanina. May mga nanay na nagbubulungan habang nakatingin sa akin. May mga dalagang kunwari’y naglalakad lang pero ilang beses nang napapatingin. “Hala… siya ‘yung lifeguard na sumagip kanina.” “Ang gwapo niya no?” “Hindi lang gwapo, mabait pa! Tingnan mo ‘yung aura niya.” Napangiti ako pero nagpanggap na seryoso. Hindi ako nandito para maging usap-usapan. Pero hindi ko maikakaila may kakaibang kilig sa hangin. At pagkatapos may naramdaman akong presensya sa ibaba ng stand isang mahinang pag-ubo. “Hmmm… Magandang araw sa’yo.” Parang biglang naging malinaw ang lahat. Dahan-dahan akong tumingin pababa at doon ko siya nakita si Jam. Nakatayo sa ilalim ng araw, hawak ang bilao niyang may lamang mga kabibe at bulaklak. Ang buhok niya ay bahagyang hinihipan ng hangin. May pawis sa noo niya, pero hindi iyon nakabawas sa ganda niya. Sa totoo lang, lalo siyang naging totoo sa paningin ko walang arte, walang pagpapanggap. “Magandang araw,” sagot ko, pilit pinapakalma ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit, pero mas kinabahan pa ako ngayon kaysa noong sumuong ako sa alon kanina. “Galing mo doon ah,” sabi niya, bahagyang nauutal. “Noong sinagip mo ‘yung bata… sana marami ka pa matulungan.” Napansin kong hindi niya ako tuwirang matitigan. Tumingin muna siya sa dagat, sa buhangin, sa bilao niya kung saan-saan bago muling sumulyap sa akin. “Nakita mo?” tanong ko. “Oo,” sagot niya agad. “Lahat nakita ko. Nasa may kubol ako kanina. Kinabahan ako.” “Kinabahan?” ulit ko. “Oo… kasi ang lakas ng alon.” Hindi niya sinabi na kinabahan siya para sa akin. Pero ramdam ko may sandaling katahimikan sa pagitan namin. Ang paligid ay tila lumabo. Ang mga boses ng tao ay parang naging mahinang ingay na lang sa malayo. “Ah… nga pala,” sabi niya bigla, tila inaalis ang sarili sa kung anong bumabalot sa amin. “Bilhan mo naman ako ng mga paninda kong shell at bulaklak.” Napangiti ako. “Lahat?” Nanlaki ang mata niya. “Lahat?!” “Oo. Lahat.” “Baka wala ka nang matira.” “Hindi bale.” “Bakit naman?” “Para wala ka nang ibang lalapitan.” Natigilan siya, namula at doon ko naramdaman ang kakaibang saya. Iyong hindi mo maipaliwanag pero gusto mong ulitin. Inabot ko ang bilao niya at isa-isang hinawakan ang mga kabibe. May hugis puso. May pahaba. May makinis, may magaspang. “Pinulot mo lahat ito?” tanong ko. “Oo,” sagot niya, may halong pride. “Tuwing madaling-araw.” Napatingin ako sa kanya. “Ang sipag mo.” “Wala naman akong choice,” biro niya, pero may katotohanan ang tono inabot ko ang pera sa kanya. “Sobra ‘to,” sabi niya agad. “Hindi.” “Ferox” “Bayad ko sa pagpunta mo.” “Hindi naman ako pumunta para magbenta lang.” “Talaga?” Nagtagpo ang mga mata namin at sa sandaling iyon. Parang may lihim na usapan na hindi na kailangang bigkasin. Sa gilid ng pandinig ko, narinig ko ang mga dalaga. “Bagay sila!” “Tingnan mo kung paano siya tumingin!” “Parang teleserye!” Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mahihiya. Pero sa totoo lang, wala akong pakialam sa sinasabi nila si Jam ang kaharap ko. “Salamat,” sabi niya. “Sa pagbili?” “Sa pagsagip.” Huminga ako nang malalim. “Trabaho ko ‘yon.” “Pero hindi lahat kayang gawin ‘yon.” May kakaibang lambing sa boses niya. Hindi malakas, Hindi dramatic pero totoo. “Jam,” sabi ko, mas seryoso na ngayon, “kung nandiyan ka sa tabi… mas madali ang lahat.” Napatigil siya parang hindi niya inaasahan. “Bakit parang ako pa ‘yung nililigtas mo,” mahina niyang sabi hindi ko agad nasagot. Dahil baka tama siya sa bawat ngiti niya parang may bahagi sa akin na unti-unting nagigising. “Pwede ka bang bumalik mamaya?” tanong ko. “Bakit?” “Baka may malunod ulit.” “Hoy!” sabi niya, bahagyang tinapik ang braso ko napatawa ako. “Biro lang. Gusto ko lang may nagbabantay din sa akin.” Tahimik siya sandali pgkatapos ay ngumiti. “Sige.” Isang simpleng salita pero sa loob ko parang may pangakong nabuo. Habang naglalakad siya palayo, ramdam ko ang bawat hakbang niya sa buhangin. Parang bawat tapak ay may iniwang marka hindi lang sa lupa kundi sa dibdib ko. Umupo akong muli sa lifeguard stand ang dagat ay patuloy sa pag-alon. Ang araw ay patuloy sa pag-init. Pero ako parang nasa ibang mundo. Kung kanina, isang bata ang muntik nang malunod at nasagip ko ngayon, pakiramdam ko ako ang unti-unting nilulunod. Sa ngiti niya, sa pamumula ng pisngi niya, sa paraan ng pagsabi niya ng “salamat.” At sa unang pagkakataon hindi ko gustong lumangoy palayo. Gusto kong manatili sa tabi niya, sa ilalim ng araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD