SA LILIM NG ILAW NANG GASERA

1003 Words
CHAPTER 19 IPE POV Maagang sumikat ang araw kinabukasan, pero tila mas maaga pang nagising ang isip ko. Habang nakaupo ako sa labas ng bahay, abala sa pag-aayos ng lambat, pilit kong tinatanggal sa isipan ko ang mga pag-aalala kagabi. Isa-isa kong hinahabi ang punit na bahagi ng lambat. Sa bawat buhol, parang may katumbas na buntong-hininga. Tahimik ang umaga naririnig ko ang mga alon sa di kalayuan at ang mahinang paglipad ng mga ibon sa itaas ng puno ng mangga. Sa loob ng bahay, alam kong gising na si Jam. Mahilig siyang maghanap ng kung anu-ano kapag may oras siya biglang. “Itay! Inay!” Napahinto ang kamay ko. “Jam?” sagot ko habang tumatayo mula sa loob ay muli siyang sumigaw, puno ng pagtataka at saya. “Itay! Inay! Tignan n’yo po sino itong lalaking sobrang gwapo nasa lumang larawan! May hawak po siyang gitara! Tapos ‘yung babae po, nakahiga sa mga hita niya sa dalampasigan!” Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa likod ko. Dahan-dahan akong pumasok nandoon si Jam, hawak ang isang kupas na litrato. Nakangiti siya, parang may nadiskubreng kayamanan. “Nakita ko po kasi ito sa itaas ng aparador. Hinahanap ko po ‘yung flute ko tapos nakita ko iyan,” masaya niyang paliwanag. “Napakaganda naman po ng babae! At ‘yung lalaki po… grabe ang pogi!” Nang makita ko ang larawan nanikip ang dibdib ko, ang dalampasigan. Ang gitara, ang ngiti ng lalaking iyon. At ang babaeng nakahiga sa kanyang mga hita. Napalingon ako kay Tasing namumutla siya bahagyang nanginginig ang mga kamay. “Itay,” sabi pa ni Jam, “may kanta po sa likod!” Binaligtad niya ang larawan at binasa “SA LILIM NG ILAW NG GASERA” Sa lilim ng ilaw ng gasera sa bintana, Anino mo’y sumasayaw sa aking alaala. Mga salitang di nais bigkasin ng labi, Ngunit puso ko’y sumisigaw, ikaw ang sanhi. Napapikit ako parang bumalik ang nakaraan sa isang iglap. Ang mga pangarap, ang musika, ang mga lihim na pag-ibig. Sa lansangang bato, tahimik ang daan, Tanging yapak ng pag-ibig ang aking tangan. Kung ang oras ma’y huminto sa gabing ito, Pipiliin kong maligaw, basta’t kapiling mo. Napansin kong napalunok si Tasing. Kung ang mundo’y maglaho sa isang kisap, Ikaw pa rin ang dasal na di ko tinatap. “Ang ganda po no?” masayang sabi ni Jam. “Itay, kantahin ko kaya iyan? Tapos gamit ang flute ko? Ang ganda po non, diba?” Ngumiti siya, inosente huminga ako nang malalim. “Anak…” maingat kong sabi, “ang babaeng iyan ay ang Lola mo. Ina ng Inay Tasing mo.” Nanlaki ang mata ni Jam. “Talaga po?!” Tumango ako. “At ang lalaking iyan… siya ang unang lalaking minahal ng Lola mo. Pero hindi sila nagkatuluyan.” “Sayang naman po,” malungkot niyang sabi. “Bagay pa naman po sila.” Sa gilid ng paningin ko, nakita kong napahawak si Tasing sa sandalan ng upuan. Hindi siya nagsasalita, hindi siya makahinga nang maayos. “Itay, kantahin ko po kaya? Masayang pakinggan,” dagdag pa ni Jam biglang nagsalita si Tasing. “Jam.” Matigas ang tono nagulat kami pareho lumapit siya at kinuha ang larawan. “Akin na iyang larawan. At iyang kahon. Ako na ang magtatago niyan. Huwag na huwag mo muna iyan gagalawin. Maliwanag?” Natigilan si Jam. “Bakit po, Inay? Wala naman po akong ginagawang masama…” “Akin na,” ulit ni Tasing. Tahimik na iniabot ni Jam ang larawan at ang maliit na kahon na kasama nito. Hindi niya nakita sa loob ng kahon ay may isa pang larawan. Larawan ng batang si Tasing. At isang batang babaeng kaakbay niya magkamukha kambal. Nang masilayan iyon ni Tasing, parang may kidlat na tumama sa kanya. Nanginginig ang kamay niya habang isinasara ang kahon. Napansin ko ang takot sa kanyang mga mata si Jam naman ay napasimangot. “Hindi ko naman po sisirain… gusto ko lang naman po kantahin,” mahina niyang sabi bago tumalikod at lumabas. Tahimik ang bahay nang mawala siya sa paningin namin huminga ako nang malalim. “Tasing…” mahinahon kong tawag hindi siya agad sumagot. Tinitigan niya ang larawan at doon ko muling nakita ang mukha ng lalaking matagal ko nang pilit binabaon sa alaala. Siya ang matandang lalaking minsang bumalik dito. Si Don Grandivale “Reale” Lombardi. Labintatlong taon na ang nakalipas nang pumunta siya sa baryo. Hinahanap niya ang ina ni Tasing si Ina Sampaguita Bautista. Pero wala na siyang naabutan dahil noong maglabing siyam sina Tasing at ang kambal nitong si Corazon. Pumanaw na si Ina Sampaguita hindi niya naabutan ang babaeng minsang minahal, hindi niya naabutan ang mga sagot hindi niya naabutan ang katotohanan. “Tasing…” bulong ko, “nakilala mo rin, ‘di ba?” Dahan-dahan siyang tumango. “Ipe… siya iyon.” Nanikip ang dibdib ko ang apelyido, ang mga pangyayari. Ang pagdating ni Ferox hindi ito basta pagkakataon lamang. Parang may mga piraso ng nakaraan na muling pinagdudugtong ng tadhana. “Hindi pa niya alam,” mahina kong sabi. “Hindi pa,” sagot ni Tasing, nanginginig ang boses napaupo siya. “Kung magsimulang magtanong si Jam… kung pagdugtungin niya ang mga pangalan…” Hindi niya naituloy ang sasabihin lumapit ako at hinawakan ang kamay niya. “Hindi pa panahon.” Napapikit siya. “Ipe… natatakot ako. Paano kong malaman niya ang totoo. Masasaktan ang anak natin. ” “Ako rin,” amin ko sa labas, narinig ko ang mahinang tugtog ng flute. Si Jam tumutugtog siya ng masayang himig. Hindi niya alam na sa loob ng bahay may mga alaala na muling gumigising. May mga pangalan na unti-unting nag-uugnay. At may isang nakaraan na hindi na matagal magtatago. Pinikit ko ang mga mata ko sandali hindi pa ito ang tamang oras. Hindi pa pero ramdam ko may paparating na unos. At kapag dumating iyon hndi lang puso ni Jam ang masusubok. Kundi ang buong pamilyang pilit naming pinangangalagaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD