chapter 2

1398 Words
"Syempre favorite at love na love ka ni ate, at love ka rin ni inay" - ganting wika ko't nagangat angat pa ako ng dalawang kilay ko. Masaya akong natapos kumain dahil ngayon nalang ulit kami nakakain ng may masarap na ulam at masaya ako dahil napasaya ko si inay at si sallina ngayon. Matapos kong maghugas ng pinagkainan at sa paglilipit ng mga pinaggamitan ko sa pagluluto kanina ay ginawa ko na din ang project ni sallina na mabilis ko naman natapos at iniiabot ko na sa kaniya ito . At ipapasa na nya iyon kinabukasan sa teacher nya. " salamat ate ang ganda mo talaga" - wika nitong may halong pambobola. " ikaw talaga, kaya love na love ka ni ate eh, mwahh mwahh mwahhh, sige na itabi mo na iyan at matulog kana - wika ko at tinadtad siya ng halik sa magkabilang pisngi. "Good night ate, muahhh," - wika nito at gumanti ng isang halik sa kanang pisngi ko na ikinatuwa ko naman. " good night, ate loves you so much"- wika ko at nag flying kiss pa bago sya pumasok sa sarili nitong kwarto. Kinabukasan maaga akong nagising dahil may pasok ako sa school at baka may ipapagawa pa si kara na projects nya na hindi nya pa nagagawa at ng may maipambili ako ng ibang gamit ni sallina at pambili na din ng pagkain namin sa mga susunod na araw. Katulad ng palagi kong ginagawa sa umaga at nakasanayan ko narin ang magligpit ng higaan at nagtupi ng mga kumot na nakakalat at lumabas na ako ng kwarto ko upang makapag luto na at makaligo na din para makapasok ako ng maaga sa school nasa senior high school na ako ngayon at pag natapos ko ito magtatrabaho na ako hindi ko na pipiliin pang mag college dahil hindi na kakayanin ni inay na isipin pa ang gastusin sa school at alam kong malaki ang mga bayarin sa school sa projects palang. Kaya ayaw ko ng mag college dahil ayaw ko ng dagdagan ang mga pinoproblema nito. Nagsimula na akong kumain at pagkatapos kong maligo at ng makapasok nako sa school. Narito na ako ngayon sa school katulad ng nangyayari sa araw araw, aral doon aral dito gagawa ng projects at mag uusap kami ng kaibigan kong si kara about sa mga nangyayari sa school. Tanging si kara lang ang naging kaibigan ko dito sa school at tanging siya lang din ang nakakaintindi sa akin at pinagkakatiwalaan ko, sya din ang source of income ko kapag minsang lubog na lubog na ako at may mga ibang babayadan sa school at ambagan sa mga groupings tulad na lang ng projects namin nung nakaraan, inabonohan ni kara ang dapat na ako ang magbabayad noong araw na iyon pero wala akong ka pera pera. Para sa akin sya ang the best na kaibigan at kahit mayaman sila hindi niya nagawang iwasan ako dahil mahirap lang ako at hindi katulad niya mayaman at buo ang pamilya,.. "Roaaannn" - rinig kong sigaw ng kaibigan kong si kara mula sa likuran ko, papunta na ako sa canteen ngayon para kumain, at alam kong magpapagawa nanaman sya ng projects nya, or may ipapagawa sya sa akin, kaya sinalubong ko ito at ngumiti. "Saan ka pupunta?"- kara ask. " sa canteen kakain"- ani ko dahil may baon akong kanin at ulam., sabay angat ng lunch box na hawak ko, palagi kasi akong nagbabaon ng kanin at ulam para bawas gastusin "Sama ako' kakain din ako, hmm'", may sasabihin din ako sayo mamaya". - ani ni kara ng may ngiti. Kaya nginitian ko nalang din sya. Nakararing kami sa canteen ng nagtatawanan dahil panay ang pag jojoke nya sakin at naupo sa bakanteng upuan at nag simula na akong buksan ang lunch box ko at nag simula ng kumain. "Gusto mo bang sumama sa akin may party kasi akong dadaluhan bukas ng alas sais ng gabi kailangan ko kasi ng kasamang babae para payagan ako ni daddy?"- kara ask. "Ahhh, wag kang magalala safe ka pag kasama mo ako, - dagdag na wika pa nito. " ehh, anong party naman yang pupuntahan natin? - Ask ko sa kanya. " engrandeng party iyon kara, ah....ahhh ehhh , inimbita kasi ako ng pinsan ko then hindi ako makatangi at malalagot ako sa kanya pag hindi ako nakapunta - pagadahilang wika nito, tumango nalang ako bilang sagot ko sa kaibigan ko. Napa ngiwi naman ako at napaisip, wala pala akong magagarang mga damit. "Ahh kara wala pala akong susuutin para sa party na sinasabi mo baka mag mukha lang akong naliligaw na pusa doon" - nagaalalang ani ko. " wag kang mag alala akong bahala sayo at babayaran din kita ng tatlong libo kasya na siguro yun para may pang groceries ka na aabot ng kalahating buwan" - ani nya sabay ngiti. Kaya tumango na lamang ako sign na pumapayag na akong samahan sya dahil sayang ang tatlong libong iyon para sa isang gabing kasama ko lang sya para magparty. matapos naming kumain kanya kanya na kaming balik sa mga room namin at limang minuto nalang tutunog na ang bell hudyat na tapos na ang breaktime. Kaya naghiwalay na kami ni kara kanina pagtapos namin kumain at nagpaalam sa isat isa. Kinabukasan tulad nga ng sinabi ng kaibigan kong si kara dadalo kami sa party mamayang alas sais ng gabi mahaba pa ang oras ko para makapag prepare mamaya dahil 12 ang uwi ko galing school may limang oras kami ni kara para mag prepare para sa sinasabi nyang party. nakapag paalam na din ako kay inay na may pupuntahan akong raket at kasama ko si kara, alam kong may tiwala si inay sa akin kahit hindi nya pa nakikita si kara ay alam nyang mabuti ito sa akin dahil lagi kong kinukuwento ang pagiging mag kaibigan namin ni kara kung gaano kabait at walang alinlangang tinutulungan at binibigayan ako ng pagkakakitaan. Kaya kampante ang aking ina na pinayagan akong makasama sa kaibigan kong si kara. Tulad ng ginagawa ko pagkagising sa umaga babangon ako para magluto at maligo para pumasok at kakain. Tapos nako magluto ng lumabas sa kwarto si sallina.. " good morning ate" - bati nitong nakangiti mukhang napakasaya nya ngayong araw. " good morning din, bakit parang sobrang saya mo ata ngayon?" - balik kong pagbati at tanong. "" kasi ate perfect ako ngayon sa project na ginawa mo para sa akin kaya sobrang saya ko ngayon, maraming salamat ate ikaw talaga ang da best at in the world" - wika nito na nambola pa. " ay sus nambola pa nga ang kapatid kong makulit, sa susunod hindi na ako ang gagawa ng projects mo at ikaw na ang gagawa non malaki kana at kayang kaya mo na ang lahat ng gagawin sa school hindi pwedeng iasa mo lahat sa akin ang projects mo ok" - pangangaral ko wika sa kanya. " ok po ate kong maganda at mabait" - sagot nito kaya natawa nalang ako. " umupo kana at kumain may pasok kapa, ang hilig mo talaga mambola at si inay gising na ba?" - I ask. " oo tulog pa sya ate nilabhan nya kasi yung uniform ko kagabi na namantsahan ng ballpen napagod ata ng sobra si mama kaya ayaw pang bumangon" - wika ni sallina. " okay kumain kana dyan at maliligo nako tapos maligo kana din para makapasok kana sa school" - wika ko. "Okay po ate" wika niya at dumeretsyo nako sa banyo para makaligo at makapasok sa school. Andito na ako sa school at nakasalubong ko ang kaibigan kong si kara pupunta sana ako sa office ng teacher ko para maipasa ko itong project na ginawa ko kahapon. " roann, ito na yung susuutin mong dress mamaya" - wika nito sabay abot nito ng paper bag na medyo may kalakihan at inabot ko naman iyon at medyo may kabigatan ito at binuksan ko ito at tumambad sa akin ang napakagandang kulay black na tela na sigurado akong napaka ganda at napaka mahal nitong dress na ito kahit hindi ko pa nakikita ng buoan at isang pares ng heels na kulay black din. " suutin mo yan mamaya at hindi ka na uuwi sa bahay nyo doon na tayo dederetsyo sa condo ko para makapag bihis tayo, ok ba" - wika ng kaibigan ko sabay thumbs up, kaya tumango nalang ako bilang sagot ko dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD