chapter 1
"Roann"
Maaahhhh!!... andito napo ako,,,.. sigaw ko pagpasok ko ng pintuan pero hindi ko mahagilap si mama.
nagpunta ako sa kusina at banyo pero hindi ko sya makita kaya naisipan kong lumabas baka nangutang nanaman sya ng bigas at pang ulam namin kila ate tasing.
Tinungo ko ang daan palabas para puntahan si inay sa tindahan ni aling tasing, papaliko palang ako sa sa isang iskinita naririnig ko na ang boses ni ate tasing na parang galit na ito.
"Parang awa mo na tasing pautangin mo na ako, walang kakainin ang mga anak ko, wag kang magalala babayadan din kita pagmeron na ako,"- wika ni inay sa di kalayuang tindahan ni ate tasing.
" ay nako susanah, kay dami mong utang patong patong na wag mo ng dagdagan pa, nauubusan na ako ng puhunan at paninda dahil hindi kapa nakababayad" - wikang pasigaw ni ate tasing.
hindi nga ako nagkakamali na narito si inay dahil palagi naman syang narito at nagmamakawang nakikiusap na pautangin may makain lang kami ng kapatid ko.
Mabilis ang paghakbang ko't pinuntahan ko ito at ipinakita ko ang loob ng isang basket na dala ko at naglalaman ng bigas at ulam namin ngayong araw at isang kahon na naglalaman ng kaunting groceries na pinamili ko.
nginitian ko si mama ng pagkatamis tamis, natigilan naman ito at nakatitig sa akin na parang nagtatanong kung saan ko ito nakuha.
"Ahhh' ate tasing pasensya na kay inay mauuna napo kami, umm ako narin po bahala magbayad ng utang namin pag naka raket na po ako, ako na po mismo ang lalapit sa inyo para maabot ang bayad sa utang namin, maraming salamat po" - mahabang nakangiting wika ko rito para nabasan ang kanyang galit kay inay.
"O sige iha aasahan ko yan' dahil napakalaki na ng inyong utang" - namomroblemang wika ni ate tasing.
"Maraming salamat po ulit mauna na po kami ni inay" - pasasalamat at pamamaalam na wika ko kay ate tasing.
hinigit ko na lamang si inay pauwi ng bahay matapos ko humingi ng pasensya kay aling tasing na galit na galit na dahil sa dami naming utang at mahigit kalahating buwan ng hindi nababayadan.
tinahak na namin ni inay ang daan patungo sa aming bahay ng maka-salubong naman namin si sallina na kakauwi lang galing school dahil pasado ala-una na at labasan na ng mga studyante...
"Sallina"- tawag dito ni inay na ikinalingon naman ni sallina.
"San kayo galing?"- sagot naman nito na tila kanina pa kami hinahanap.
"Ikaw naman parang hindi mo alam kung saan naglalagi itong si inay" - wika ko.
"Galing kami sa tindahan nila ate tasing, itong si mama ay nangungutang nanaman"- dagdag na sagot ko pang kunwari naiinis.
Agad namang Kinunutan ako ni inay ng tingin Kaya pumasok na ako ng mabilis sa loob ng bahay, dahil ayoko ng makurot pang ulit sa singit dahil sa mga biro ko, ayoko nang maulit iyon ang pagkurot ni inay sa singit ko, ang sakit non feeling ko bumabaon ang kuko ni inay at matatangalan na ako ng balat kaya tinatakasan ko na ito palagi.
Mabilis na pumasok din si sallina sq loob ng bahay dahil nabibigatan na siya sa gamit na dala dala nya...
pagkapasok na pagkapasok ko inilagay ko agad ang mga pinamili ko sa lamesa at nagsaing na agad at nag ayos ng mga pinamili kong kaunting groceries na pang-uulamin namin sa mga susunod na araw.
Ng biglang dumungaw si inay sa pagmumukha ko na ikinagulat ko naman
"Ano ba yan mahh nakakagulat ka" - sobrang lakas ng t***k ng puso kong wika dito't napahawak pa ako sa aking dibdib dahil sa bigla biglang pagdungaw sa pagmumukha ko.
"Galing ako sa bahay ng kaibigan kong si kara nagpatulong sya sakin gumawa ng projects nya at binigyan nya ako ng five hundred bilang sweldo ko dahil na banggit ko sa kanya na wala tayong kakainin ngayong araw - sagot ko agad sa kanya dahil alam kong kanina pa nya gustong magtanong kung saan ko ito nakuha.
Kaya ngumiti lang si inay at pumasok na ito sa kwarto niya may aayusin ata sa loob.
" ate natapos mo na po ba yung project ko?" - tanong ni sallina, nagaayos ito ng gamit nya.
" ahhh sallina hindi pa, mamaya ko pa gagawin galing kasi si ate kay ate kara mo alam mo na nagpatulong ulit sa projects nya, pero wag kang magalala mamaya iaabot ko sa iyo pag natapos ko na, nabili ko naman na yung mga materials na gagamitin para sa project mo" - nakangiti kong sagot dito.
"Okay lang ate alam ko naman na para sa atin din ang pagtulong mo kay ate kara" - nakangiting sagot din nito.
nagkangitian naman kaming dalawa at nagsimula na akong magluto naman ng ulam namin dahil tapos na ako sa mga inaayos ko, naghiwa na ako ng mga rekado para sa lulutuin kong sinigang na baboy ito kasi ang favorite ni sallina kaya ito ang iluluto ko ngayon, at minsan lang kami makapag ulam ng baboy dahil sa hirap ng buhay namin puro itlog, de lata at tuyo ang ulan namin puro utang pa mula sa tindahan ni ate tasing.
"Past"
naghirap kami simula noong namatay si papa dahil sa tiyahin kong maldita na kapatid ni papa.
kinuha niya lahat sa amin.
mga ari-arian na naiwan ni papa tulad nalang ng coffee shop. at restaurant pati nadin ang pera namin sa banko na nagkakahalagang mahigit bilyong piso.
yon ay para sa aming magkapatid na si sallina, para iyun sa future naming dalawang magkapatid, pinag-ipunan iyon ng aming tatay para sa aming magkapatid hanggang makatapos kami ng pag-aaral.
kukuhanin din sana ng aming tiyahin ang bahay namin at lupa pero kay inay ito nakapangalan kaya wala silang nagawa noong pilit nila itong kinukuha.
naalala ko noon ng pinakaladkad nila kaming mag-kapatid palabas ng sarili naming bahay iyak ng iyak ang kapatid ko non at wala kaming magawang dalawa, panay ang pagmamakaawa ang ginawa ko sa tiyahin ko pero hindi na kami magawang intindihin at kaawaan, buti nalang dumating si inay at ang tiyuhin ko na kanyang kapatid at natulungan niya kami na mabawi ang aming bahay at nagawa naman iyon ng aking tiyuhin pero kahit na may bahay at lupa kami naghihirap pa din kami dahil sinimot ng aking tiyahin ang lahat lahat sa amin tanging bahay at lupa lang ang natira, dahil kay inay nga iyon naka-pangalan.
wala kaming ibang magawa noong kinuha nila ang lahat sa amin dahil hindi kasal si inay at itay at naghiwalay sila noong disi-sais palang ako at dose palang si sallina at mahigit isang taon ding hiwalay si inay at itay bago si itay namatay.
naghiwalay sina inay at itay ng dahil din iyon sa tiyahin namin na inakusahan niyang magnanakaw si inay at hindi tunay na anak ni tatay si sallina at peneke nila ang lahat ng mga dokumento ni sellina, wala kaming magawa noon dahil bini-brain wash pala niya si itay tuwing napupunta si tiya sa restaurant namin na si itay ang nagbabantay at sa coffee shop naman si inay, ako naman at si sallina ay pumapasok sa school.
Pinaghirapan ni itay at inay na maipatayo ang restaurant namin na nag ngangalang R&S restaurant gayun din sa coffee shop R&S nakuha iyon sa pangalan namin magkapatid kaya lang kay itay iyon naka pangalan at peneke din ng tiyahin ko ang lahat ng dokumento para mapunta at makuha niya sa amin ang lahat ng naipundar ni inay at itay.
At ngayon mag didisi otso nako sa susunod na buwan at ang tanging gusto ko lang sa birthday ko ay makasama si inay at sallina.....END.
Nagsimula na akong maglatag ng mga pinggan dahil kakain na kami at paluto na ang sinigang na baboy, nag sandok na din ako ng kanin sa malaking bowl at kumuha na din ng baso at pitchel na naglalaman ng tubig at yelo na pinabili ko kay sallina dahil may natira pa akong barya at natapos na din niya na ayusin ang gamit nya at naisabit nya nadin sa dingding ang kanyang bag.
, tinawag na din niya si inay para kumain, lumabas si inay sa kwarto ng may namumulang mga mata pero hindi ko na ito pinansin dahil alam kong umiyak nanaman ito dahil sariwa pa sa kanya ang pagkamatay ni itay at mahal na mahal nya ito.
Nag simula na akong magsandok ng ulam ng napagtanto ko itong luto na. Wow my favorite sinigang na baboy" - sigaw ni salina.
Kaya natawa naman ako sa kanya dahil sa reaction nya na parang miss na miss nya ang ulam na sinigang na baboy.