Chapter 19

1320 Words
Callahan’s POV Pagkagising ko kaninang umaga, isa lang ang nasa isip ko—si Conley. Hindi ako puwedeng matalo sa kaniya, lalo na ngayon na nalaman kong kinukumbinsi rin niya si Maia. Hindi ito puwede. Maia is supposed to be on my side, hindi sa kampo ng mayabang na iyon. Limang milyon pala, ha. Lakas niya maglabas ng pera para talaga matalo ako. Grabe siya gumalaw, maaga at talagang gagawin ang lahat para manalo. Sa totoo lang, kinakabahan tuloy ako. Kaya nagbihis ako ng maayos, nag-spray ng konting pabango—yung tamang amoy na parang hindi ako masyadong nag-effort at saka ako dumiretso sa bahay nila Maia. Kailangan ko siyang kumbinsihin na ako ang piliin. Kahit anong mangyari. Kung kinakailangan maging tanga para sa kaniya, gagawin ko. Pagdating ko sa bahay nila, si Maeve ang nagbukas ng pinto. “Uy, Callahan! Anong ginagawa mo dito?” tanong niya habang gulat na gulat. Ngumiti ako at siniguradong guwapo ang dating ko. “I’m here to see Maia. Is she home?” Tumango si Maeve, pero medyo nagtaka. “Oo, nasa sala. Pero bakit biglaan?” “Wala lang, hindi naman siguro masamang bisitahin siya sa bahay niya?” sagot ko. “Just thought I’d drop by. Surprise visit.” Pagpasok ko, nakita ko si Maia sa sofa, naka-pajamas pa at nakataas ang paa. Hawak niya ang phone niya at mukhang abala sa kung anong ginagawa niya. Napatingin siya sa akin, halatang nagulat. “Callahan? What are you doing here” tanong niya, sabay baba ng phone. Ngumiti ako, yung tipong alam kong hindi niya kayang tanggihan. “I thought I’d hang out with you today. You know, spend some quality time together.” Napataas ang kilay niya. “Quality time? What for?” “Because I care,” sagot ko, sabay upo sa tabi niya. “And also, I think Conley is stealing you from me, and I can’t let that happen.” Napailing siya, pero hindi ko napansin ang ngiti niyang pilit niyang itinatago. “You’re impossible.” “That’s why you love me,” sagot ko, sabay bigay ng finger guns. “Love ka diyan, nababaliw ka na,” pabiro namang sabi niya habang nagpupusod ng buhok. Sabi niya ay busy siya kasi mag-e-edit siya ng mga vlog ngayong araw. Sa akin ay ayos lang, may iba kasi akong pinaplano habang busy din siya. “Okay lang, dito lang ako, handa kang hintayin. Gusto ko lang talagang gumala at mag-stay dito, iyon lang,” paliwanag ko pero hindi talaga ganoon ang plano. Plano kong magpakitang-gilas sa kaniya. Habang nagkukulitan kami ni Maia, bigla kong tinanong si Maeve, “What’s Maia’s favorite food?” Nagulat si Maeve sa tanong ko. “Bakit mo gustong malaman?” “Just answer the question,”sabi ko, sabay kindat. “Seafood mix,” sagot niya. “Favorite niya ‘yun, lalo na kapag may shrimp at squid.” Napangiti ako. Perfect. Tumayo ako bigla at tumingin kay Maia. “I’ll cook lunch for us. Okay ba ‘yun?” “What? No!” protesta ni Maia, pero hindi ko siya pinakinggan. Tumawag ako sa isang kasambahay namin sa manisyon. Inutusan ko siyang mamili ng mga kailangan ko at saka ipa-deliver dito sa bahay nila Maia. Habang hinihintay ang mga iluluto ko, tinignan ko kung paano mag-edit ng vlog si Maia. Hindi rin pala madali, pero mukhang bihasa na siya at galamay niya ang kaniyang ginagawa. Habang nag-e-edit, sinubukan ko pang I-massage ang balikat niya, umayaw siya pero hindi rin ako tumigil. Pagdating ng mga kailangan kong iluto, pumunta na ako sa kusina at sinimulang magluto. Habang nagpe-prepare, naririnig ko sina Maia at Maeve na nagtatawanan. Siguro nagtataka sila kung ano ang ginagawa ko. Ang hindi nila alam, habang gumagawa ako rito sa kusina, may sinusundan akong cooking tutorial sa cellphone ko. Sa panahon ngayon, kahit sino puwede nang magluto basta may internet. Para masiguro kong masarap ang niluto ko, ginaya kong mabuti ang nasa tutorial, pinakinggan ko ring mabuti ang mga dapat gawin at hindi dapat gawin para perfect ang lasa nito. Pagkaluto ko, inihain ko ang seafood mix sa mesa. Amoy pa lang, panalo na. Napatingin si Maia sa pagkain, halatang impressed. “Okay, what’s this” tanong niya. “This,” sabi ko, sabay lagay ng serving sa plato niya, “is my way of showing you that I can do more than just look good. I can cook, too.” Sinubo niya ang pagkain at nanlaki ang mga mata niya. “This… is actually good.” “See? I told you,” sagot ko, sabay ngiti. “Totoo nga, hindi ka lang pogi, magaling ka pang magluto. Suwerte ang babaeng mapapangasawa mo,” sabi ni Maeve at saka tumingin sa kaibigan niya. Manunukso din itong si Maeve. Ang napasin ko lang, nahuhuli ko si Maia na nakatitig sa akin, siguro at dahil manghang-mangha siya sa niluto ko. Suwerte siya, aba, hindi ko pa ata nagagawang magluto sa kusina, kung mayroon man, dati pa, nung subukan kong magpirito ng itlog, palpak pa. Pero dahil nga sa cooking tutorial, napadali ang lahat. Yung nga lang, medyo natagalan ako kanina, mabuti na lang at busy si Maia sa pag-e-edit ng mga vlog niya kaya hindi niya halata na natagalan ako sa pagluluto. ** Pagkatapos ng tanghalian, tumambay kami sa sala. Nagkukuwentuhan lang tungkol sa kung anu-ano, hanggang sa dumilim na ang araw. Pero hindi pa ako aalis. Hindi pa ako tapos. Tumayo ako at pumunta ulit sa kusina. “What are you doing now?” tanong ni Maia na bagong ligo, tapos na siyang mag-edit ng mga vlog niya. “Making dinner naman,” sagot ko. “Dinner? Callahan, hindi ka pa ba aalis? Alam mo, nakakahiya na, pati ba naman sa dinner ay ikaw pa rin. Ako na diyan,” sabi niya pero tumanggi ako. “Nope,” sagot ko. “hindi ako aalis, not until I’ve completely won you over.” Natawa siya, pero hinayaan na lang ako. This time, nagluto ako ng spaghetti. Alam kong medyo basic, pero sinigurado kong masarap ito. Sa cooking tutorial ulit ako umasa, mabuti na lang att madali lang lutuin ang spaghetti. Pagkaluto, inihain ko ulit sa mesa. Nagulat si Maia sa effort ko. “Callahan, seriously, why are you doing all this?” “I told you,” sagot ko. “I care about you, Maia. And I want you to see that I’m worth more than any campaign promise Conley can offer.” “Grabeng effort ito, first time naming magkaroon ng chef sa bahay na ‘to,” puri ni Maeve, sa tingin ko, team Callahan ito. Aba, dapat lang. “Masarap ito, Callahan. Nakakatuwa ka ngayong araw dahil sa mga ginagawa mo,” sabi ni Maia sa akin habang masaya ang pagkakangiti. “Suwerte natin, Maia, kasi pinagluto tayo ngayong araw ng future Baranggay captain natin,” sabi na naman ni Maeve. Mag-aalas nuwebe na ng gabi nang magdesisyon akong umuwi. Pagod na rin ako, pero sulit naman ang effort. Bago ako umalis, lumapit si Maia sa akin. “Callahan,” sabi niya, “I have to admit, I didn’t expect this from you.” “Expect what?” tanong ko, sabay ngiti. “That you’re actually good at something other than being annoying,” sagot niya, sabay tawa. “Hey! I’m good at a lot of things,” sagot ko, kunwaring nagtatampo. “Like what?” tanong niya. “Like making you smile,” sagot ko, sabay kindat. Umiling siya, pero alam kong nakuha ko ang atensyon niya ngayong araw. “Seriously, thank you sa pa-lunch at pa-dinner mo, sobra akong nag-enj—” Natigil siya sa pagsasalita nang halikan ko siya bigla sa labi niya. “Good night, nag-enjoy din ako sa bahay mo,” sabi ko sabay ulit kindat. Pagtalikod ko sa kaniya, alam kong naiwan ko na naman siyang tulala. Ngayon, mamili siya, five million o ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD