“SABI KO na nga ba eh. May something sa inyo,” ani Lily kay Catriona habang tinutulungan siya nitong magbihis at mag-ayos ng sarili. Well, it was her wedding day. Nasa Batangas sila, hindi sa beach house kundi sa ancestral house ni Trey. Nakilala na niya ang mga magulang ni Lily at nakakatuwang napakainit ng pagtanggap ng mga ito sa kanya. Na para bang kahit hindi pa siya lubusang kilala ay btoong-boto na ang mga ito sa kanya para kay Trey. Two more hours at ikakasal sila sa city hall. “I don’t know your story pero noong unang tawagan pa lang ako ni Trey na bantayan ka sa hospital, alam kong noong oras na iyon ay mahalaga ka na sa kanya. Hindi ako nagkamali ng kutob.” “R-really?” naluluha niyang tanong. Tumango sa kanya si Lily

