SINULYAPAN ni Trey ang suot na relos. The judge was already in the room pero hindi pa bumabalik si Catriona. Nagtatagal na ito. Susundan na dapat ito ni Lily pero maging ang huli ay wala pa rin. “Excuse me,” tawag-pansin niya sa judge at sa mga magulang ni Lily. “Susunduin ko lang ang bride ko.” Lumabas siya. Hindi pa siya nakakalayo nang makita niya ang humahangos na si Lily. “Trey!” pagtawag nito sa kanya. Dumagundong sa kaba ang dibdib niya. Tumakbo siya at sinalubong ito. “Where’s Catriona?” She catched her breath first. “Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero… I think Catriona needs you.” Umalon ang sikmura niya. “What do you mean? Where is she?” “Come with me,” anito. Umagapay siya sa malalaking hakbang nito. “May kausap siyang babae na parang pamilyar sa akin. Lalapitan

