CATRIONA OPENED her eyes. Agad niyang na-realize na nasa isang hospital siya. Pinakiramdaman niya ang sarili. May masakit pa ang katawan niya pero hindi na ganoon kasakit. Iginala niya ang paningin. Nakita niya ang isang babaeng nakaupo sa settee. Bahagya itong nakayuko dahil sa binabasang libro. “Who are you?” pagkuha ni Catriona sa atensiyon ng babae. “Oh, gising ka na pala.” Isinara nito ang libro. She smiled at her. Tumayo ito at nilapitan siya. “Ako si Lily. Ako ang inutusan ni Trey na siyang magbantay at mag-alaga sa iyo.” Tumaas ang sulok ng labi niya. Binanggit nito ang pangalan ni Trey na may kakaibang familiarity at fondness at pakiramdam niya ay hindi niya iyon gusto. Nakakadama siya ng possessiveness para sa binata. Gusto niyang siya lang

