Chapter 9

2971 Words

NAKAISMID na lumabas si Catriona ng silid niya at pinuntahan ang front door. She opened the door. Bumungad sa kanya ang tiyahin na kuntodo postura. Sa likod nito, naroon ang driver na si Brix. Hindi nito maitago ang pagnanasa sa kanya dahil nababasa niya iyon sa mga mata nito. Sa totoo lang ay naha-high blood siya sa presensiya ng dalawa.             “Kumusta, mahal kong pamangkin?” ani Tita Valerie. Tinanggal nito ang suot na shades. “Hey, umiiyak ka ba?”             “Ano ang ginagawa ninyo dito?” walang amor na tanong niya. Hindi sinagot ang tanong nito.             “Kinukumusta ka,” sagot nito bago tuloy-tuloy na pumasok. Napilitan siyang tumabi para hindi nito mabangga. “After all, ako ang nangangalaga sa ‘yo. Hindi magugustuhan ng korte kapag pinabayaan kita. Oh, dinalhan din kita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD