“WHERE THE hell did---” agad na sabi ni Valerie nang mapagbuksan ng pinto si Catriona. Pero hindi nito natapos ang sinasabi nang makitang may kasama siya. Balewalang pumasok siya kaya napilit ang tita niya na tumabi. Trey was right behind her. Hawak niya ang isang kamay nito. “Hindi mo man lang ba ipakikilala sa akin ang kasama mo?” tanong ni Tita Valerie. Mariing sinusuri nito si Trey. Pero hindi na-i-intimidate ang binata. Sa katunayan ay parang ang tita niya ang na-o-overwhelm sa presensiya nito. Well, Trey is an alpha male. Makisig, guwapo, maganda ang porma, at matatag ang pagkakatayo. He has authority all over him. Seryoso at arogante ang mukha, ganoon din ang kislap ng mga mata. “Tita, si Trey. Trey si Tita Valerie,” balewalang pagpapakilala niya sa dalawa

