“CATRIONA…” Humikbi siya at pinahid ang mga luha. Pumasok si Trey sa silid at naupo sa gilid ng kama. “Stop crying.” “I can’t stop crying,” sagot niya. Kaninang umaga pa siya iyak nang iyak. Titigil sandali pagkatapos ay iiyak uli. Namamaga na ang mga mata at ilong niya. Bumuntong-hininga ang binata. “Kumain ka---” “Ayoko,” agad na sagot niya. Namaos na ang boses niya kaiiyak. “Hindi ka pa kumakain mula kaninang umaga,” malumanay ang boses na sabi nito. Humikbi siya. “Hindi ako nagugutom.” She can’t stop herself from crying. Hindi rin siya makakain. Hindi rin siya makaalis ng kama. She felt so depress. Naghahalo ang lungkot at guilt sa dibdib niya. At kahit na anong pag-aliw sa sarili ang gawin ay hi

