“Hi.” Patay-malisya na bati Cassandra sa tinawag ni Yuan na Daryl. So, Daryl pala ang pangalan ng lalaking ito.
Nakita ni Cassandra na matiim na nakatingin sa kaniya ang lalaki. Bahagyang kinabahan siya dahil baka kung ano ang sabihin nito ukol sa nangyari sa Boracay.
Laking pasalamat ni Cassandra nang magsalita si Daryl, "So you're Yuan's girl. Have we met somewhere else?" tanong nito. Napatingin si Cassandra kay Yuan.
Nako! Alang-alang sa addition sa collection ni Cassandra, kailangan malusutan niya ito. "Hindi yata." Kaswal na sagot ni Cassandra.
Tumango-tango si Daryl. "Siguro nga. Parang kamukha mo kasi ‘yung nakasama ko sa---Oh nevermind." si Yuan naman ang binalingan ni Daryl. "In that case na nandiyan ang girlfriend mo, wala ka ng tanggi na sumama kayo ni Cass sa pagbabakasyon sa bahay ko sa CamSur."
Nagulat si Cassandra, anong bakasyon? Palihim na hinila ni Cassandra ang laylayan ng polo ni Yuan upang balaan ito na ‘wag tanggapin ang alok.
"Sure." sagot ni Yuan.
Isang mariing hila na hindi gaano mahahalata ng mga taong nakapaligid sa kanila ang iginawad ni Cassandra sa polo ni Yuan. Anong pagpayag ang naganap? Hindi pwede!
Dahil sibilisado naman si Cassandra ay alam niyang hindi niya kailangan gumawa ng eskandalo ngayon. Mamaya sila magtutuos ng pinsan niyang si Yuan. Wala sa usapan nila na may extension ang pagpapanggap. Ang usapan ay ngayong gabinlang ito.
"That's good. Kaya magkita-kita tayo sa bahay ko sa weekend ha. Sabay-sabay na tayo pupunta sa Camsur." nakangiti naman na sabi ni Daryl na sinulyapan si Cassandra. Hindi nakaligtas sa paningin ni Daryl ang bahagyang pag-irap ng dalaga na lihim ikinatuwa niya. "Intimate vacation lang ‘yun ng mga piling kaibigan." dagdag pa ni Daryl.
Nagpaalam na sa mag-pinsan si Daryl upang makihalubilo sa iba pang naroon. Sila Cassat Yuan naman ay nanatili rito sa mesa at nakipag-kwentuhan ng walang katapusan si Yuan. Si Cassandra naman ay magsasalita lang kapag tinatanong. Napapaisip pa rin kasi si Cassandra sa Daryl na ‘yun. Posible nga kaya na hindi siya nakilala ng lalaki?
"Sige, dude. Una na kami." nasa labas na sila ng hotel at nagpapaalam na si Yuan sa kasabay nila paglabas.
Acting like the brat she really is, iniwan na niya ang mga ito s amay lobby at nag-deretso na sa naghihintay na kotse nila na inihatid ng valet attendant. Pabagsak na naupo si Cassandra sa front seat at nakasimangot na humalukipkip.
Pagpasok na pagpasok ni Yuan sa driver's side, nabato kaagad ni Cassandra ito ng box ng tissue paper na nasa dashboard. "Oh. W-wait! Why?" Sapo ni Yuan ang pisnginna tinamaan ng tissue box.
"Anong pag-oo ang sinabi mo?" naupo na si Yuan sa may tabi ni Cassandra.
Agad namang naintindihin ni Yuan ang ipinagmamaktol ni Cassandra, "I had no choice, Cassy." Hayan na naman ito sa pagtawag kay Cassandra sa ganitong pangalan. She knows that he's using that para hindi na siya magalit ng todo rito. He would usually call him Cassy kapag naglalambing ito sa kaniya.
"Anong walang choice?! You could have make excuses! I will not go in that stupid vacation!" naiinis na tungayaw ni Cassandra sa pinsan.
"Pero pupunta dun si Danna." Mabilis na protesta ni Yuan sa sinabi niya.
"So? Ang usapan isang gabi lang!"
"Sige ikaw din. Paano na lang ‘yung parating kong orders from States? Hindi mo na makukuha ang mga iyon." pamba-blackmail naman ni Yuan kay Cassandra.
Napalo ni Cassandra si Yuan ng malakas sa braso. "Sinasabi ko na nga ba! May iba ka pang balak kaya naman ganoon karami ang ibibigay mo sakin!" Inis na bulalas ni Cassandra.
Nagkibit balikat naman si Yuan. Nagmaniobra na ito palabas ng hotel kung saan iniraos ang get-together ng mga ito. "That's why we are cousins. Pareho lang tayong mag-isip.” Balewalang sagot ni Yuan.
“Bwisit naman! Nakakainis ka talaga kahit kailan!" padabog na umayos ng upo si Cassandra. "Basta hindi ako sasama!"
"Ikaw ang bahala." pabalewalang sagot ni Yuan.
Inirapan ni Cassandra ang pinsan. Mag-isa itong pumunta sa Camsur. Mahihirapan na siyang magtago kay Daryl ng mukha doon. Alangang mag make-up siya ng makapal, eh sa beach yata ang punta nila? Kaya ayaw na niya. Tama na ang pagpapanggap!
Ilang araw ang nakalipas na naging abala na naman si Cassandra sa trabaho sa opisina. Kaliwa’t kanan ang inaasikaso niya dahil may bago siyang business venture nais pasukin. Ang pagpa-franchise ng mga kilalang fast food brands.
Ngayon lamang nagkaroon ng konting free time si Cassandra off from work kaya naisipan niyang mag-jog around the village.
Palabas na sana siya ng gate ng bahay niya nang matigilan si Cassandra sa pumaradang sasakyan sa tapat ng bahay.
"Oh anong ginagawa mo rito? " nilapitan ni Cassandra ang pababa sa sasakyan na si Yuan, agad na binuksan ni Yuan ang likurang bahagi ng sasakyan nito.
"Hindi pa rin ba nagbabago ang isip mo?"
Pinag krus ni Cassandra ang kamay sa dibdib niya. "Hindi."
"Kahit makita mo ang latest set of collections ng brands mo?" at pinakita ni Yuan kay Cassandra ang kinuha nito sa backseat, isang paper bag ng Christian Louboutin.
Akmang kukuhaninnna ni Cassandra ang paper bag mula sa kamay ni Yuan ng mabilis itong ilayo ng binata. "Oooops! You can't touch these babies not until you say yes." nakakaloko na sabi nya. “Two pairs of newly released shoes for their newest campaign, Cassy.” Tila nakakaloko pang dagdag ni Yuan.
Tiningnan ni Cassandra ng masama si Yuan ngunit alam ng dalaga na isa si Yuan sa sobrang iilan na hindi madadala sa kaniyang death glare.
"Hindi mo ibibigay?"
Umiling pa si Yuan kasabay ng sagot. "Nope."
"Pero kasama sa usapan natin ‘yan! Give me those shoes!"
Mabilis na naiilag ni Yuan sa mga kamay niya ang paper bag
"Kung tuso ka, alam mong mas tuso ako, Cassy." Napalabi si Cassandra. Kahit kailan talaga, lagi siya nitong nauutakan!
Tinimbang ni Cassandra ang bagay na ito. 2-day trip for 2 pair of expensive shoes. Nakita niya sa internet ang new releases ng nasabing brand at lahat ay magaganda! Sumusukong napahinga ng malalim si Cassandra, "Fine! I'll go with you!!" malakas na sabi niya. Bahala na kung saan sila pulutin pagkatapos nito, knowing that Daryl will also be there since he will be the host of the said short vacation.
Ngiting-tagumpay naman si Yuan sa tugon ni Cassandra. "Then this is yours."
"In your dreams!" Biglang tumakbo papasok si Cassandra sa loob ng bakuran ng bahay niya. “Joke lang na payag ako!” Pahabol na sigaw niya.
Hindi naman nag-abala na humabol si Yuan. Prente pa nga itong sumandal sa kotse nito. "Sige takbuhan mo ako. Pano pa kaya ang mga ito? Ibebenta ko na lang ba?"
Agad na natigil si Cassandra sa aktong pagsarado ng gate. Dahan-dahan siyang lumingon at nakita niya na nasa tabi si Yuan ng nakabukas na pinto ng kotse nito. Natatanaw ni Cassandra mula rito sa kaniyang kinatatayuan ang laman ng backseat. Kung tama ang mabilis na mga mata niya sa paghagod ng tingin sa laman ng backseat, hindi bababa sa five paper bags pa ang naroon. Mula pa rin sa brands kagaya ng Hermes, LV, at Louboutin.
Damn! He really know her weakness!!
Napairap si Cassandra sa pinsan at sumusukong nagtaas ng dalawang kamay, as a sign of defeat. Bahala na nga lamang kung ano na ang mangyari sa CamSur ngunit hinding-hindi niya tatanggihan ang mga ito na nasa kaniyang harapan na ngayon. "Okay fine! Sasama na talaga ako!"
"That's my girl." lumapit si Yuan sakin.
KINABUKASAN ay maaga pa lamang sakay na si Cassandra sa kotse ni Yuan. Ngayong araw ang nakatakdang pagpunta nila sa Camsur at dahil base na nga rin ss usapan na sasakyan ni Daryl ang gagamitin ay doon na lang rin sa bahay nito sa isang subdivision sa may parteng Makati magkikita-kita. Doon na rin muna iiwan ni Yuan ang sasakyan nito upang may masakyan naman sila pagbalik nila sa short trip na ito.
Tahimik lang si Cassandra sa biyahe nila ni Yuan. Bahala na ang pinsan mamaya. Wala na rin siyang pakialam pa sa mga kaibigan ng pinsan na kasama sa trip na ito, basta ang nasa isip lang ni Cassandra ay magampanan niya ang role niya bilang girlfriend kuno ni Yuan.
‘Yun lang din naman ang usapan nila ni Yuan. Hindi rin naman maari na hindi siputin ni Cassandra ang usapan nilang magpinsan dahil nakita na niya ang laman ng mga pahuling paper bags na dala ni Yuan kahapon. Walang pangit sa mga dala nito, at may iilang piraso rin sa mga ito na maituturing na pinaka mahal sa brand na mga iyon. Hindi na magagawa ni Cassandra na isoli ito kay Yuan.
Ang plano ni Cassandra sa ngayon at sa susunod na araw ay magdadahilan na lamang siya kay Yuan na sumama ang pakiramdam upang magkulong na lamang sa kanilang silid doon sa resort na pupuntahan nila. Kung hindi man ito tumalab sa pinsan ay magdadahilan na rin siya na marami siyang trabaho na kailangan tapusin, which is partly true. Ngunit hindi naman urgent ang mga bagay na ito.
Ngayon ang tanging hiling na lamang ni Cassandra ay wala pa rin sanang makakilala sa kaniya roon. Wala na siyang nilagay na makeup ngunit nag suot na lamang siya ng oversized sunglasses upang matakpan kahit papaano ang kaniyang mukha.
Walang ideya si Cassandra kung private resort ba ang kanilang pakay na lugar. Hindi interesado si Cassandra dahil naka-set na sa utak niya na hindi sya gaano lalabas at maakikihalubilo sa mga kasama.
Napansin ni Cassandra na tumigil na sila sa harapan ng isang magandang bahay. Tanaw niya ang 3-storey house na nasa maluwag na lawn. Masasabing ang disenyo ng bahay ay kabilang sa tinatawag na modern-contemporary design. It looks pleasant in the eyes, dahil ganito ang mga tipo ni Cassandra sa disenyo ng bahay.
Halatang well-maintained rin ang lawn at may garahe na kakasya marahil ang tatlong sasakyan. Maganda at approved sa panlasa ni Cassandra ang landscaping.
In fairness, kung ito ang bahay ng Daryl na iyon, pasado kay Cassandra ang taste nito sa mga ganitong bagay.
Naabutan nilang may ilan ng sasakyan na nakaparada sa pinaka harapan ng bahay, at naroon na ang ilang pamilyar na mukha mula sa get-together ilang gabi ang nakaraan.
Huminga ng malalim si Cassandra bago bumaba ng ssakyan. Hindi na niya hinintay pa na ipagbukas siya ng pintuan ng kotse ni Yuan.
"Bro!" bati ng mga nadatnan nang bumaba sila Yuan at Cassandra. "Hi, Cass!" ngumiti na lang si Cassandra.
"Be nice to them. Or else...." ayan na naman si Yuan! Ito lang ang may kakayahang i-blackmail si Cassandra ng ganito.
“Fine!” Inis na bulong rin ni Cassandra. “Hi rin guys." ngiting ngiti pa na sabi ng dalaga sa mga ito. Na kung kilala nito ang totoong Cassandra ay mapapagtanto nila na pang-asar ang paraan niya ng ngiti. Sinulyapan ni Yuan si Cassandra at napailing ang binata.
"Tayo na guys, kompleto na pala tayo." Singit ng lalaking gwapo na lumabas sa bahay. Nakasuot ito ng white shirt at navy blue khaki shorts, may aviator shades din na nasabit sa neckline ng shirt nito.
Napairap ng palihim si Cassandra dahil itanggi man niya ngunit tila kay bango ni Daryl sa get-up niyang ito. Mamasa-masa rin ang buhok nito na halatang bagong paligo.
Dahil sa pag suri ni Cassandra sa itsura ni Daryl, hindi nakaligtas sa paningin niya ang pag-sulyap sa kaniya ng binata at ang mabilisang paghagod sa kaniyang kabuuan. Hindi mawari ni Cassandra kung bahagya nga ba na umismid ang lalaki matapos siyang tingnan.
What the hell? ‘Wag sabihin ng lalaking ito na pangit siya sa itsura niya ngayon dahil hindi nangyari iyon kailanman!
Nakasuot si Cassandra off-shoulder floral dress, bagay na bagay sa pupuntahan nila. May maliit rin siyang beach bag na nakasukbit sa kaniyang balikat at nakasuot siya ng sunglasses. Alam ni Cassandra na kung hindi man umaapaw ay saktong-sakto ang kagandahan niya sa umagang ito.
Nagsi-sakayan na ang lahat sa naghihintay na coaster van. At dahil huling sumakay sila Daryl, Yuan, at Cassandra ay nasa may bandang unahan sila ng sasakyan. Piniling maupo ni Cassandra malapit sa may binata habang katabi niya si Yuan na nasa gilid ng aisle.
Iginala ng bahaya ni Cassandra ang tingin at napagtangong nasa tapat nila si Daryl at nakatingin sa kaniya ngayon. Mabilis siyang umiwas ng tingin dahil sa hindi malamang dahilan ay tila ba nanunuot ang tingin sa kaniya ng lalaking ito. Tila ba may alam ito na hindi alam ni Cassandra. Maari rin namang somehow, nagi-guilty si Cassandra dahil sa pagpapanggap nila ni Yuan bilang magkasintahan. Siguro nga ay ganoon lamang iyon.
Upang hindi na mapansin ni Cassandra ang paligid ay pinili na lamang niya na makinig ng music sa kaniyang cellphone. Matapos ilagay sa tainga ang airpods ay pumikit na siya. Itutulog na lamang niya ang buong biyahe tutal ay wala rin naman siyang planong makihalubilo sa mga kasama.
Ilang minuto ang nagdaan at nag-aagaw antok na si Cassandra nang maramdaman niyang inakbayan siya ni Yuan kung kaya walang pag-aatubili na isinadal niya ang kaniyang ulo sa balikat nito. Sanay na siya sa ganitong gesture sa pagitan nila ni Yuan. Sa hindi mabilang na pagkakataon na nag biyahe silang dalawa dito man sa Pilipinas o sa labas ng bansa, palaging inaala ni Yuan si Cassandra.
Dahil sa ilang araw na abala sa kumpanya niya at maaga rin namang nagising kanina si Cassandra, hinayaan na niyang tangayin siya ng nararamdamang antok.