Chapter 4

2007 Words
"KAMUSTA, pare? Jackpot ka kagabi ah. Si Cassandra ang kasama mo." sabi ng kaibigan ni Daryl na si Kenny. "Cassandra?" nagtataka niya namang ulit. Ibinaba niya rin ang dyaryo na hawak. Narito sila ngayon cottage ni Kenny dahil naaburido pa rin siya kapag naalala niya ang nangyari kagabi. "Cassandra Aragon." naka-ngisi naman na sagot ni Kenny. "Who is she?" paglilinaw pa ni Daryl kahit may ideya na siya sa tinutukoy nito. "Yung kasama mo paglabas mo ng bar kagabi." That’s it. Ang babaeng ‘yun nga ang tinutukoy ng kaibigan. Cassandra Aragon pala ang pangalan nito. Napakuyom ang kamao ni Daryl. "That b*tch!" naniningkit ang mata niya. Halos magwala siya kagabi ng iwan nito. Ikaw ba naman ang bitinin? Tipong sarap na sarap ka na, tapos biglang aalis at may gagawin pa raw?! Hindi man lang napawi ng cold shower ang sinimulan nitong init sa katawan ni Daryl, kinailangan niya pa tuloy na lumabas at maghanap ng ibang babae na magpapakalma sa nagwawala niyang alaga. At ang kinabagsakan niya ay isang babaeng socialite rin. Naiwan pa nga sa cottage niya at tulog na tulog pa hanggang ngayon. Natawa sila Kenny. “What happened?" interesadong singit naman ni Travis. He chuckled. "Matapos buhayin ang apoy, wala naman palang balak pag-ningasin. Instead, iniwan na lang ng nakatiwang-wang." mariin niyang sagot. Parehong natawa ang kaharap niya. "That's why she is quite popular." Sabi ni Kenny. Humigop siya ng kape. "She'll pay for what she has done to me. And I mean big." Lalong natawa ang dalawang kaharap niya at inasar pa siya. Napatingin naman siya sa labas. Paano nga ba niya ito magagantihan? Hindi siya papayag na matapos na lang sa ganoon ang lahat. Sinimulan ng Cassandra na ito, ngunit sisiguraduhin ni Daryl siya ang magtatapos. Kaya magtawag na ang babaeng ito sa lahat ng santo kapag nagkita silang muli. "AYOKO!" mariin na sabi ni Cassandra. Kausap niya ang pinsan na si Yuan. "Sige na naman, Cassy." lumapit pa ito sa kaniya at hinawakan ang braso niya na naka-cross sa dibdib. Tiningnan ni Cassandra ito ng matalim. "Don't you understand?! I said NO!" pinagdiinan pa niya ang salitang no para mas maintindihan nito. "Sige na naman. Just for one night lang, pretend to be my girl." Cassandra rolled her eyes ng marinig ulit ang hinihiling ni Yuan. Ang pathetic lang ng rason. Magpanggap si Cassandra na girlfriend ni Yuan sa reunion nito ng org noong high school dahil pupunta roon ang ex ni Yuan. Ex nito na ni hindi naman nakita ni Cassandra kahit anino dahil sa Baguio nag-aral si Yuan at dahil karamihan ay sa Metro Manila na nakapag hanap ng trabaho kung kaya rito na rin napag-pasyahan na idaos ang munting get-together ng mga ito. "Kilabutan ka nga! Mamaya malaman pa nila na mag-pinsan talaga tayo, nakakahiya naman hindi ba! ‘Wag mo ako idamay sa kalokohan mo." pabagsak na hinila ni Cassandra ang pinto ng ref para kumuha ng juice. "One night lang, promise. Makakaya mo ba na magmukhang kawawa ang pinsan mo sa harap ng ex nya?" tumabi ito sa kaniya at gumamit pa ng puppy-dog-eyes technique. "Oo kaya ko." flat ang tono na sagot ni Cassandra. Sorry pero hindi benta sa kaniya ang dahilan nito. Ang higit rin na inaalala niya ay paano kung may makakilala sa kaniya doon? Kilala siya bilang si Cassandra Aragon, lalo na ng mga professionals. "Sige na naman. Anong gusto mong kapalit? Trip to El Nido?" Alok pa ni Yuan kay Cassandra. Anong akala nito sa kaniya, poor?! Hindi afford mag bakasyon mula sa kaniyang pera? "Can afford ako n’yan." tuloy-tuloy ang inom niya ng juice. Tila naman nag-isip pa si Yuan. "Hmm.. How about a piece of your own choice of your favorite brand Hermes and some pair of Christian Louboutin shoes. How that sounds to you? Sa totoo lang, her eyes grew bigger at napalunok siya ng wala sa oras. Is he damn serious? "Ano? What can you say, cousin?" nakangiti si Yuan ng nakakaloko. Kilala nga nito ssi Cassandra. He knows which strings to pull upang mapasunod ang dalaga. "Are you sure? Naku. Baka joke lang ‘yan. Humanda ka sakin!" "Say yes, and there will be few addition to your collection." Napangisi si Yuan, dama nito na bibigay na si Cassandra sa hiling niya. Umirap si Cassandra at sa isip ay tinitimbang ang pros and cons ng hiling ni Yuan. “Alam mo ba na mayaman ako, Yuan? I can afford those in just a swipe of my black card.” Tumango si Yuan at nangiti. “Alam na alam ko kung gaano ka na kayaman sa sarili mong kumpanya, Cassy. I know how fat your bank accounts are. Pero alam ko na addition to your luxury collection for free wouldn’t hurt.” Muling napa-irap si Cassandra at napahinga ng malalim. Alam na ni Yuan ang ibig sabihin niyon. Lalong napangiti si Yuan. "In that case, be ready for tonight. I'll pick you up at 7:00 P.M." He kissed her on the cheeks. "See you, cousin." he tapped her back and walk away while whistling. Pagpatak ng alas siyete ng gabi ay handa na si Cassandra. Suot ang red cocktail dress na bagay na bagay sa maputi at makinis niyang kutis, tinernuhan niya rin ito ng red din na evening bag at itim na 5-inch stilleto. Sinigurado ni Cassandra na magandang-maganda siya ng gabing ito para naman matuwa sa kaniya si Yuan, baka sakali magka-bonus pa siya ng isa pang luxury bag sa gabing ito. Excited niyang binuksan ang door dahil alam niya na si Yuan na ‘yan. Agad siyang napatingin sa mga kamay nito. May ilan na itong paper bags na dala! Mabilis na inagaw ni Cassandra ang bitbit ng pinsan at sinilip ang laman, "Kulang pa mga ‘yan. Ino-order pa ang iba sa States. ‘Yan lang ang meron doon sa pinuntahan ko." he said smiling. Nayakap si Cassandra kay Yuan. "Wow! Thanks! You're really the best!" tumatawang sabi ng dalaga. Si Yuan lang kasi ang ka-close ni Cassandra sa mga pinsan niya, Actually kasi ito lang ang pinsan niya sa side ng mother niya. Kaya may choice pa ba siya? Sa side naman ni Leandro, wala siyang ka-close. She hate his relatives! "Shall we go now? Okay ka na ba? Mamaya mo na tingnan mabuti ‘yan. Lahat naman ‘yan ay authentic." “Hindi naman ako nag dududa sa mga dala mo. I know you, you don’t really like fake stuff.” Lumakad si Cassandra pabalik sa sala at inilapag ang mga paper bags. "Yup. Let's go." dinampot lang ni Cassandra ang bag at nauna nang lumakad palabas. Sa isang five star hotel pala ang punta nila. At pagdating nila roon, akalain ba naman nila na grand entrance pa! Late kasi sila. Nakakapit lang si Cassandra sa braso ni Yuan habang sinasalubong sila ng ibang kakilala ng pinsan. Ang tanging hiling ni Cassandra ay walang makakilala sa kaniya ngayon dito. Iniba nga niya ang ayos niya sa nakasanayan upang hindi agad siya makilala kung sakali man. Mabuti na ang nag-iingat kaysa mapahiya pa silang mag pinsan lalo na sa ex-girlfriend ni Yuan. Kung bakit ba naman kasi kailangan pa ng ganitong kalokohan ng pinsan ni Cassandra. "Yuan! Long time no see, bro!" at nag bump pa ang mga ito ng fists nila. "Dave, pare! Kumusta? Balita ko may sampung anak ka na ha. Hilig mo talaga!" natatawa namang sabi ni Yuan. Inilibot ni Cassandra ang tingin sa paligid at halos lahat ay busy sa kanya-kanyang kwentuhan. "G*go! I'm still single. Walang balak magpatali!" Natatawang sabi ng kaharap ni Yuan at napatingin kay Cassandra. "But that was before. Ngayon yata gusto ko ng mag seryoso." sabi nito na titig na titig sa dalaga. Napangiti naman siya. "Ehem!" Yuan fake a cough. "By the way, this is Cass. My Girlfriend." inakbayan pa siya ng loko. Nawala naman ang ngiti ni Dave. "Aw! Sayang naman! I'm Dave Francisco, Cass." he held his hand out and Cassandra took it with a smile. Kailangan galingan niya ang pagpapanggap. Knowing Yuan, baka hindi na nito dagdagan ang pinangako nito! "Cassandra." sagot na lang niya. Hindi masabi ni Cassandra ang last name sa pangamba na mamukhaan o makilala siya ng kaharap. Medyo kinapalan niya nga ang make-up ngayon para mas safe and she even wear a wig. But still she made sure na magandang-maganda pa rin siya ngayon. Mahirap na malamangan! "Excuse us, Dave. Ipapakilala ko lang sa iba ang girlfriend ko." Tumango naman si Dave kaya naglakad na sila ni Yuan palayo. "Where is she?" pasimpleng bulong ni Cassandra. "Right there." pasimple rin na sagot ni Yuan habang nakapako ang tingin nito sa isang kumpulan. Ngumingiti rin si Yuan sa bawat table na nadadaanan nila. And when they reached the table kung saan naroon daw ang ex ni Yuan, hinapit siya nito sa baywang. "Galingan mo." bulong ni Yuan sa may tainga ni Cassandra. “For the name of my luxury bag and shoes, of course I will!" Irap pa ni Cassandra. "Yuan!" nagtayuan pa ang ibang mga lalaki na nasa mesa para batiin si Yuan. Napangiti naman ang ibang mga babae sa gawi nila. Pasimple pa nga ang mga ito na lumingon doon sa isang babae na biglang natahimik ng marinig ang pagtawag sa pangalan ni Yuan. Bingo. She must be Yuan's ex. Kailangan na pala umarte lalo ni Cassandra. Nagbatian ang mga ito at kumustahan. Inalalayan naman siya maupo ni Yuan sa isang bakanteng upuan. " Meet Cass, my girl, guys!" malakas na sabi ni Yuan sa mga narito sa umpukan. Syempre Cassandra faked a smile. "Hello." bait-baitan pa na sabi niya. Ewan nga din naman ba dito kay Yuan at sa tabi pa nitong babaeng natahimik si Cassandra itinabi. "Wow! Ang ganda naman ng girlfriend mo, dude!" sabi noong isa na if she’s not mistaken ay Alfred ang pangalan. "Oo nga naman, Yuan! Bakit ngayon mo lang sya samin pinakilala?" said the guy wearing a dark blue longsleeves. "Syempre naman, baka maagaw pa sakin eh." nanatiling nakatayo naman sa may likod ni Cassandra si Yuan habang nakapatong ang kamay nito sa magkabila niyang balikat. Dahan-dahan niya namang nilingon ang nanatiling tahimik na katabi. Nakita ni Cassandra na nakatingin ito sa kaniya as if sinusuri si Cassandra, nginitian ito ng pilit ni Cassandra. "Hi." bati ni Cassandra sa katabi, acting like a friendly girlfriend. Tumango naman ito at ngumiti rin. "Wait, honey. I'll get us a food." tumungo kay Cassandra ng bahagya si Yuan at nag kunwaring may ibinulong. ‘Yun bang intimate na pagbulong. She know this is just a part of their little show. Cassandra nods and planted a quick peck on Yuan’s cheek. "Go ahead." sabi niya na nakangiti. Hindi nakaligtas sa matalas na paningin ni Cassandra ang pag sulyap ni Yuan sa katabi niyang dalaga. Umalis na si Yuan kaya naman ang binalingan ni Cassandra ay ang babaeng katabi. "I'm Cass, you?" "Danna." she smiled at her. Tama nga si Cassandra, ito nga ang ex ni Yuan. Ngunit bakit tila may nakikita si Cassandra sa mga mata ni Danna na lungkot? Posible ba na nagsisisi na ito na iniwan nya si Yuan? Mas mabuti. Magsisi nga ito. Wala na namang maisip na sabihin si Cassandra kaya mas pinili na lamang niya ang manahimik. Baka may masabi rin siya na ikapahamak pa ng pagpapanggap nilang mag pinsan. Maya-maya pa, narinig na ni Cassandra ang boses ni Yuan na papalapit at may kausap ito. "Oo, dude. She's with me.Ipapakilala kita sa girlfriend ko." Napalingon siya kay Yuan. Nakita ni Cassandra na may dala itong dalawang plato at may kasabay na naglalakad. Pero halos matigilan si Cassandra nang mapagmasdan kung sino ang kausap ni Yuan. "Honey, meet one of my org mate, Daryl." sabi ni Yuan ng nilapag ang dala nitong pagkain sa harap ni Cassandra. "Daryl, my girlfriend, Cassandra." Jeez! Ang lalaking napagtripan ni Cassandra sa Boracay! At parang nakikilala ni Daryl si Cassandra kahit pa sa iba ang make-up niya at naka wig siya ngayon. He is staring now at her!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD