DAHIL tanghali na sila nakarating ng Cebu, naisipan ni Cassandra na kaagad tsekin ang lugar para malaman niya kung anong mga nababagay na gamit. Gusto niya na makabalik ng Manila as soon as possible. Pumasok si Cassandra sa loob ng lobby at iginala ang tingin sa paligid. May ilang trabahador ang nasa isang side para sa finishing touches ng marmol na sahig. May ilan naman na inaayos ang magiging lounge. "Good morning po, Ma'am Cassandra." bati sa kaniya ng isang babae na may dalang folders. "Here's the catalogue Ma'am. Para po matingnan n’yo ang mga posibleng babagay sa mga titingnan n’yo dito sa list nila Sir Daryl. At paki pirmahan na rin po itong deliveries na dumating." Tingnan lang ni Cassandra ang inaabot ng kaharap at hindi man lang nag abala na kuhanin ito. "Tingin mo dito ko pip

