"GIVE it back to me!" inis na sigaw ni Cassandra. "Don't you know na hindi dapat sa isang babaeng katulad mo ang mag swim ng totally naked? Lalong hindi sa ganitong lugar." "Ano ba ang pakialam mo?! Sanay na akong ginagawa ang ganito noon sa Brazil! Kaya ibalik mo na sa akin ang mga damit ko!" "Sanay ka na? Oh how could I forget na sanay ka nga pala sa mga ganitong bagay." Imbis na maoffend si Cassandra sa sinabi ni Daryl, taas-noo pa siyang sumagot. "Oo naman." Itinaas ni Daryl ang kamay na may hawak ng mga damit. "Kunin mo dito sa akin kung gusto mo ng magbihis." Hamon nito. Huminga ako ng malalim si Cassandra. Hinahamon siya nito. Pwes, hindi ito aatrasan ni Cassandra. Ipapakita niya sa binata na kailanman ay hindi umaatras sa laban ang isang Cassandra Aragon. Laro ang gusto nito?

