Chapter 59 Phantom’s Untold Story Sa malawak na maze na meron sa loob ng underground society, ay may ilang mga surveillance camera ang makikita nina Balance sa iba’t-ibang bahagi ng lugar ng maze na kinalalagyan nila. Walang mga taong nanunuod sa lugar na ‘yun, pero ang hindi nila alam ay naka pinapanuod sila ng mga taga underground sa isang malaking monitor sa gitna ng malawak na plaza kung saan dito sila nagsisigawan sa excitement sa mapapanuod nilang kakaibang laban. Nililibot nina Paxton ang kanilang mga mata sa lugar na kinalalagyan nila at tanging sila lang ang naroon sa paligid na ‘yun maliban sa apat na lalaking nagdala sa kanila sa lugar na ‘yun, na sa tingin nila ay mga tauhan ng mga founders. “Hindi ko akalain na may ganitong kalawak na maze sa loob ng underground society.”

