Chapter 60 Phantom’s Untold Story Sa Punishment room sa Pavillion ng mga founders, kung saan nakailang balik na sa lugar na ‘yun si Taz ay naroroon na naman siyang muli para mabawi si Blue sa pagkakahawak ni Valdemor dito. Hindi alam ni Taz sa sarili bakit kailangan niyang gawin ito sa ibang tao pero simula ng makilala niya sina Travis ay naging mahalaga sa kaniya ang Phantoms. Kaya hindi niya gustong may napapahamak sa mga ito lalo na at may kinalaman sa underground society. Ngayon ay inalis kay Taz ang pang-itaas niyang damit at itinali sa magkabila niyang palapulsuhan ang isang kadena ng dalawang cartier ni Valdemor na nakakabit sa pader ng punishment room na kinalalagyan niya. Makikita sa likuran ni Taz ang mga peklat na nakuha niya sa mga hampas ng buuin nila ang Phantom DX Gang, a

