Chapter 61 Phantoms Untold Story Nang makapasok na sina Paxton sa loob ng maze ay nilibot nila ang kanilang paningin sa buong paligid, at dahil sa taas ng mga pader ng maze ay alam nilang mahihirapan sila na makita agad ang mga kalaban nila. Pwede silang maligaw sa loob ng maze na ‘yun kung maghihiwalay sila kaya tinatandaan nila ang bilin ni Taz na kailangan ay hindi sila maghihiwalay anuman ang mangyari. “Isang minuto na ang nakalipas, kailangan na nating hanapin ang mga taga eastbound para makuha ang ribbon na kailangan natin sa kanila. Sa lawak ng maze na ‘to magkakitaan kaya tayo dito sa loob ng 20 minutes na ibinigay ng head founder sa atin?”pahayag na sambit ni Travis habang sa malaking monitor nakatingin. “Baka mahanap natin sila kung magsisimula na tayong maghanap no, Amadeus?

