Chapter 30 Nakatingin lang ang mga underbosses ni Taz sa anim na bagong miyembro ng Phantoms at ng bound nila na kasamang dumating nina Balance isang oras na ang nakakalipas. Ang expected ni Audimus na darating sa bound nila ay dalawa, hindi niya inasahan na ang dalawang bibinyagan niya para maging opisiyal na member ng bound nila ay anim. Papunta palang si Taz sa bound nila kasabay si Paxton at sinabihan na si Audimus ni Taz na simulant niya ng i-welcome ang mga bagong papasok sa bound nila na bahagyang ikinabuntong hininga ni Audimus. “Para saan ang buntong hininga na ‘yan Smith?”ngising pang-aasar ni Devin na ikinasandal ni Audimus sa kinauupuan niya habang muling binalingan ang tingin ang anim na nasa harapan niya. “I can’t accommodate six person in a f*****g fight, hindi sa hindi

