Chapter 29 Habol hininga sina Paxton, Balance at ang kambal ng muli silang malampasan nina Lunova at muling makakuha ng puntos nila. Nang magsimula ang laro nila kanina ay agad na nalamangan nina Paxton sina Lunova ng sampung puntos pero kinalaunan ay unti-unting binabawi ng mga ito ang mga puntos na nakuha nila hanggang sa sila na ang lumamang ng puntos sa kanila. Masasabi nina Paxton na magagaling maglaro ang mga ito at kung titingnan ay mas hinihingal sila sa pagod kaysa sa apat na hindi makikita ang masyadong pagod sa ilang minutong paglalaro nila. “OI IGNACIO, 67-49 NA ANG SCORE. NATATAMBAKAN NA KAYO KUNG HINDI NIYO NAPAPANSIN.”sigaw na paalala ni Travis sa kanila na prenteng nakaupo sa tabi ni Taz na nakasimangot na tingin ang ibinigay ni Paxton dito. “Tangna mo, Amadeus! Alam nam

