Chapter 65 Phantom’s Untold Story Dalawang linggo ang lumipas matapos ang pangyayaring paglalaro ni Valdemor sa Phantom DX Gang, at ang pag-salo ni Taz sa parusa na dapat ay kay Blue. Dalawang linggo na rin na hindi nakikita ng Phantoms si Taz maliban kay Paxton na alam kung ano ang kalagayan nito. Nagkatampuhan pa sila ni Tanya dahil akala nito ay hinayaan niyang masaktan ang Kuya nito, hindi sila nagkaka-ayos ni Tanya pero dahil mahal niya ito ay siya na ang sumusuko at naglalambing dito. Hindi naman maiwasan ni Travis na makaramdam ng tampo at inggit kay Taz at Paxton, alam nito na may alam si Paxton sa mga nangyari dalawang linggo na ang nakalipas, at dahil siya ang unang nakilala ni Taz at bestfriend talaga ang turing niya dito ay hindi niya maiwasan na mainggit dahil paki

