Chapter 66 Phantom’s Untold Story Hindi makapaniwala sina Paxton sa gustong ipagawa ni Devin sa kanila upang malaman ang kung anong ranking ang sinasabi nito. Nakatingin lang sila dito at sa punching machine na nagawa nitong dalhin sa malaking opisina na hindi nila alam kung saan nito nakuha. Hindi naman matigil si Audimus sa kakatawa nito dahil sa suggestion ni Devin na nakatanggap lang nang pagsipa ni Ribal sa kinauupuan niya na ikinapigil ng pagtawag niya. “Tangna?! Seryoso ‘yan?”bulaslas ni Paxton habang nakatingin sila kay Devin at sa punching machine na pinagkahirapan pa nitong dalhin sa kanila. “Masusukat kung anong ranking namin, gamit ‘yan?”salubong ang kilay na turo pa ni Demon sa punching machine na nasa harapan nila. “That’s right Mondragon, ang mga points na makukuha niyo

