Chapter 67 Phantom’s Untold Story Pagkarating nina Paxton sa racing track na sinasabi ni Exxon ay napatunganga sila sa nakikita nilang itsura nito, ngayon na tinitingnan nila ang race track na kailangan nilang takbuhin ay parang gusto ng magbago ng isip nila lalo na si Blue na napapalunok nalang sa haba ng race track na nakikita niya. “Siguro naman, dito kayo magkaka-alaman kung ano ang mga magiging rank niyo as Phantoms. Masayang takbuhan ‘yan.”ngising pahayag ni Audimus na poker face na ikinalingon ni Paxton sa kaniya. “Hindi niyo naman sinabi na ganitong race track ang kailangan naming takbuhin, akala ko deretsong takbuhin lang pero pati ata mga bituka namin iikot ng dahil sa itusura ng race track na’to.”angal ni Paxton. “Kaya nga nasabi kong masayang takbuhan, Ignacio

