Hindi maalis sa labi ko ang ngiti. Alam kung masyadong naging mabilis ang lahat. Pero hindi ko mapipigilan ang sarili ko kung mahal ko si Gray at handa akong sumugal uli para sa kanya. Hindi ko naman sinasadyang makasakit ulit ng ibang tao pero tao lang din naman ako at nagmamahal. Kung alam ko lang paano pigilan ang sarili ko, marahil ay ginawa ko na ito para sa ikabubuti ng iba. Pero sa lagi ngang sinasabi nila na tao lang tayo at makasalanan. Gumagawa tayo ng bagay na kahit alam nating mali ay pinagpapatuloy parin natin dahil doon tayo sasaya. We became selfish when it comes to the person we love. Hindi ko nilalahat pero alam kung maraming tao ang nagiging selfish sa bagay lalo na kung sa pag-ibig. Kahit nga pinilit kong kalimutan si Gray noon at ako mismo ang lumayo dahil ayokong guma

