Napaigtad ako ng maramdaman kong may malakas na pwersa ng isang bagay ang dumapo sa aking pisngi. Itinaas ko ang aking ulo at minulat ang aking mga mata pero napaka dilim ng paligid na aking nakikita. Hindi ako maka galaw dahil para bang naka kulong ako sa isang upuan. "Tanggalin niyo ang piring niya." Narinig kong sabi ng isang boses ng babae. Parang pamilyar sa akin ang boses niya pero hindi ako nakakasiguro. Naramdaman kung may taong lumapit sa akin at may kinalikot ito sa likod ng aking ulo. Matapos ang ilang segundo ay sumalubong sa akin ang maliwanag na ilaw. Napakurap-kurap ako. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang babaeng nasa harapan ko. Bakit? At anong dahilan para gawin niya ito sa akin? "Mabuti naman at nagising kita." Humalakhak ito saka matalim akong tinit

