Hindi maalis sa labi ko ang ngiti dahil sa mga magagandang lugar na nadadaanan namin. Matatayog na puno, magagandang ancestral house, mga masasaganang rice fields, malinis na daan at ang sariwa at malamig na hangin. Sinama kasi ako ni Sir Gray sa isang business meeting niya sa isang mayamang haciendero na investor. Binebenta kasi ni Sir Gray ang isang malaking lupa sa isang maliblib na probinsya na hindi na marahil ito nasasali sa mapa ng Pilipinas. Ayaw niya raw kasi akong iwanan sa Manila dahil natatakot raw siyang baka may mangyari na namang masama sa akin. "Are you enjoying the view?" Sabi nito habang naka tingin ng deretso sa daan. Tumango ako, "oo. Ang ganda-ganda pala ng itsura ng probinsya! Ito palang kasi ang unang beses na makalabas ako ng Manila." "Seriously?" Tumango ul

