Abala ako sa pagbabasa ng mga papers para permahan ni Sir Gray mamaya. May emergency meeting kasi siya ngayon sa Cebu kaya ako lang naiwan dito mag isa sa opisina ko. Natigil ako ng makarinig ako ng malakas na mga katok. Agad napatayo ako para buksan ang pinto. Nakita ko si Ma'am Jema na hingal at para bang puno ng takot at problema ang mukha niya. "Ma'am Jema? Bakit po kayo hingal at mukhang nagmamadali po kayo? Ano pong problema?" Tanong ko habang hinawakan ko siya sa likod para pakalmahin. "Ma ma may problema talaga. Malaking problema! Do.. don, doon sa construction kung saan ipinapatayo ang building, may.. may.. may nagkakagulo!" Sabi niya sa nanginginig na boses. "Ano? Bakit po? Kailan pa po nag umpisa? May mga police na ba doon?" Biglang binalot ng takot at kaba ang puso ko. Bak

