Cold “...kaya hinayaan mo akong angkinin ka?” Tila isang kutsilyong tumarak sa puso ko ang mga katagang iyon mula kay Arvie. Nang sakupin niya ang labi ko at idiin ang sarili sa akin ay tinigilan ko na ang pagpupumiglas sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan siyang gawin ang kung anumang nais niya. Naramdaman ko ang matigas na bagay na bumubundol sa tiyan ko dahilan para manayo ang mga balahibo ko. Pero hindi pa din ako kumilos. Nanatili akong walang kagalaw-galaw habang hinahalikan niya. Kumawala ang hikbi sa akin nang mula sa labi ay bumaba ang halik niya sa leeg ko. Naramdaman ko ang unti-unting paglakas ng t***k ng puso ko nang maramdaman kong kinakalas niya ang butones ng suot kong blusa. “Damn it.” Idinilat ko ang mga mata ko nang matapos sa

