Thankful Part Two “T-talaga po bang ayos na si Papa, Doc?” Tumango ang doktor na kausap ko at tinapik ang balikat ko. “Yes hija, wala ka nang dapat ipag-alala pa. Stable na ang kondisyon ng ama mo pero siyempre alalay muna sa kondisyon niya.” “S-salamat ho, Doc,” saad ko at sinulyapan ang ama kong nakaratay sa kama. “O sige hija, aalis na ako. Babalik na lang ako mamaya. Nandito na siguro ang asawa mo no’n ano?” Natigilan ako pero agad napatango nang matantong tinutukoy niya si Arvie. Naupo ako sa tabi ng ama ko at dahan-dahan hinaplos ang kamay niya. Nangatal ang labi ko nang makita ang kulubot sa kamay niya. He’s growing old. “Pa, galit ka pa din ba sa akin?” mahina kong saad at yumuko. Napalunok ako at napatingin sa kanya nang maramdaman ko ang paggalaw ng kamay niya. Unti-unt

