Return “Taga-isla del fuego ka?” tanong ko kay Carla habang naglalakad kami pabalik ng hospital. “Saan ka doon? Doon ako lumaki pero hindi yata kita natandaang nakita doon.” “Ay hindi naman ako tubong Fuego. Napadpad lang ako doon limang taon na ang nakalipas. Nakita ko ni Arvie sa isla na malapit doon, agaw-buhay. Muntik pa nga daw ako makunan no’n, buntis ako kay Ailah.” Tumango-tango ako. “Naaksidente ka kung ganoon? Tapos nanatili ka na sa Isla del fuego?" puno ng kuryosidad na tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat siya sabay iling. “Hindi ko alam. Wala akong ideya kung paano ako napadpad sa isla na ‘yon. Wala ding ideya si Arvie kung sino ako. Tinulungan na lang niya ako na magkaroon ng buhay sa Isla del Fuego.” “W-wala kang maalala?” gulat kong tanong dahil tanging sa mga peliku

