Blurb
"Im still your wife! No matter what you say. Im your wife!" Hindi mapigilang sigaw ni Frances sa asawang si Atlas.
"Lois, please. Hayaan mo akong bumawi sa mag-ina ko," seryosong sabi ni Atlas na ikinainis ni Frances.
"No, titigilan mo ang ex mo kung ayaw mong magdemanda ako at ipakulong siya!" Kahit na nasasaktan siya ay hindi niya naisip na hiwalayan si Atlas.
"Let's annul. Wala nang pupuntahan pa ang relasyon nating ito. Hayaan mong makasama ko si Karina at ang mga anak ko," sabi niya kaya natigilan ito.
"So totoo? Buntis si Karina at ikaw na naman ang ama?" hindi makapaniwalang tanong ni Frances sa kaniya.
Huminga ng malalim si Atlas bago sumagot sa kaniya.
"Yes, she's pregnant and I'm the father," seryosong sabi ni Atlas kay Frances.
Natigilan si Frances. Mas lalong dumoble ang sakit na nararamdaman niya.
Hindi niya inasahan na may sasakit pa sa mga nararamdaman niya ngayon.
"Kailanman hindi nawala ang pagmamahal ko kay Karina. And you know that," sabi ni Atlas na mas lalong nagpaguho ng mundo ni Frances.
Seryoso siyang tumingin kay Atlas habang nakatingin sa mga mata nito.
"Papayag akong sustentuhan mo sila pero hindi ako makikipaghiwalay sayo," seryosong sabi ni Frances.
"Lois," pagtawag nito sa kaniya.
"Hihiwalayan mo ang babaeng yon, kung ayaw mong sa kulungan siya manganak. Huwag mo akong subukan, Atlas. Mamili ka?" seryoso namang sambit ni Frances. Masakit para sa kaniya na makitang ganito sila ng asawa niya. Pero wala siyang magawa dahil mahal na mahal niya si Atlas.
"Kung ipipilit mo sa akin na pirmahan ko ang bagay na yan. Huwag na. Wala kang aasahan sa akin, Atlas. I'm your wife, wala ka nang magagawa doon," dugtong nito bago umalis sa harap ni Atlas.
Naiwan lamang itong nakatanaw sa kaniya sa sala habang hindi naman mapigilan ang pagluha ni Lois habang papunta sa kwarto nito.
Ilang linggo na itong gustong makipaghiwalay. Ilang linggo na rin mula nang hindi na sila nagsasama sa isang kwarto. At ilang linggo na rin niyang itinatago ang pag-iyak niya.
Naging malamig ang pakikitungo ni Atlas sa kaniya matapos maaksidente ang anak nito.
Niyakap niya ang unan na nasa tabi niya bago iniiyak ang lahat ng hinanakit niya sa unan. Wala siyang malapitan ngayon dahil iniwan niya ang lahat para kay Atlas.
Wala siyang magawa dahil kasalanan niya rin kung bakit nahulog muli ito sa ex-girlfriend niya.
Isa lang ang magagawa niya ngayon, ang umiyak nang umiyak.