Astrid
"Hindi ko alam 'yan."
"Alam mo 'yan. Mahiya ka naman, Jigger."
"Hindi nga sabi."
"Kapatid mo Math teacher tapos hindi mo alam 'yan? Stupid, coward, jerk! Get lost!" Grabe naman magalit si Ate Keanna. Katakot tuloy. "Tristan, come here! Ikaw ang magturo!"
Mabilis namang lumapit si Tristan habang si Jigger naman ay padabog na lumabas ng silid ng Math Club.
Napakurap na lamang ako nang maraming beses habang pinapanood ang eksena ng tatlong magkakapatid. Si Ate Keanna, ang adviser ng Math Club kung nasaan ako ngayon, ay inutusan si Jigger na turuan ako. Remember Jigger? Siya yung mayabang na Merrick na nambwisit sa akin noon pero to the rescue si Lincoln. Dahil sa nangyari noon, hindi ko na siya madalas makita pa at mukhang ayaw na rin niya akong makaharap kaya gano'n siyang umasta. Nakatatandang kapatid niya si Ate Keanna na Math teacher dito sa school.
Si Tristan naman ay ang nag-iisang crush ko noon dito sa campus. Matalino kasi siya, mabait, at tahimik lang unlike Jigger na mayabang at arogante. Sa pagkakaalam ko, founder siya ng Math Club at mukhang siya ang magtu-tutor sa akin for a few days.
Kung noon ito nangyari, siguradong nagtatalon na ako sa tuwa. Ang kaso, wala na akong nararamdamang kilig ngayon kahit na magkaharap kami.
Gusto niyo bang malaman kung bakit ako nandito? Well... nang bumalik ako sa reyalidad matapos ang isang buong linggo na ipinagpahinga ako nang dahil sa mga bugbog na natamo ko, sinalubong ako kaagad ng katakot-takot na exams at quizzes sa Math Class sapagkat ang dami ko na raw na-miss.
Hindi na dapat ako pagbibigyan pa ng propesor namin na pumasa sa kanyang subject dahil nangako ako sa kanya noon na aayusin ko na ang pag-aaral ko sa klase niya, but s**t happens. Binigyan niya ako ng huling pagkakataon na ayusin ang buhay ko kaya in-endorse niya ako sa Math Club upang makapag-focus daw talaga ako.
Well... hindi na rin masama dahil friendly naman ang mga tao rito. Mas makakabuti pa nga sa akin itong nangyaring ito. Siguro iniisip nila na sa lahat ng iskolar dito sa Lupin, ako ang pinaka-bobo—pero at least sa iisang subject lang!
Lumapit si Tristan sa lamesang inuupuan namin ni Ate Keanna. Well, kahit propesor siya ay she prefers that I call her Ate Keanna lalo na kapag nasa club office kami.
"Sure thing. Ano ba iyan?" ani Tristan at umupo sa tabi ko. Tiningnan niya nang mabuti yung papel. "Huh! A piece of cake!"
Napangiti na lang ako. Ang yabang pakinggan, yes, pero in a funny way naman. Hindi katulad ng kapatid niyang basagulero. Yes, mapapansin niyo naman talaga na I loathe his brother so much, ano.
"Okay, turuan mo na siya, Tristan. Dapat pagbalik ko, tapos na kayo," habilin ni Ate Keanna kay Tristan bago siya tumayo mula sa kanyang upuan.
"Hindi naman kasi minamadali ang pagtuturo, Ate," mabilis na tugon ni Tristan.
"Matalino 'yang si Astrid. Sisiw lang sa kanya 'yan," komento ni Ate Keanna at lumabas na ng silid habang bitbit ang ilang libro.
Kami na lang ni Tristan ang natira dito. Nakakailang, in fairness, kahit na sinabi ko pang hindi ko na siya crush. Mukhang parating magiging ganito ang set-up namin dahil napansin ko na wala masyadong miyembro ang club nila. May nadatnan ako rito kanina na iilan pero kaagad ding nagpaalam, although nakausap ko sila nang mabilis kaya nasabi ko na mukhang mababait naman sila.
Well... at kahit na hindi ko na crush si Tristan, sa tingin ko, e nahihiya pa rin akong humarap sa kanya bilang isang estudyante na malapit nang bumagsak sa kanyang Math class. Nakakahiya man, pero wala akong choice. Good thing nga siguro na naka-move on na ako sa crush thing ko towards him dahil baka mas maging awkward kapag nagkataon at baka wala rin akong mapulot dito.
Nakapag-pokus naman ako sa itinuro ni Tristan at naintindihan ko ang mga sinasabi niya. Compared kay Lincoln, mas madali kong makuha ang mga itinuturo ni Tristan. Ito na nga siguro ang strength ng genius na taong 'to. Ang swerte ko lang dahil sa kanya ako napunta.
Nang matapos siyang mag-discuss ay binigyan niya ako ng mga sasagutan. Mabilis ko lang na nasagutan ang mga iyon at tuwang-tuwa naman siya. Pero bago kami matapos, pina-discuss niya pa ulit sa akin yung mga ni-discuss niya and I could say na sobrang effective niyon upang matandaan ko ang lahat ng mga inaral namin.
"Hintayin na lang natin si Ate Keanna," nakangiting sabi niya sa akin at isinara na ang libro na ginamit namin.
Ilang sandaling katahimikan ang dumaan sa pagitan namin. Wala naman kaming alam na pag-usapan. Isa pa, kilala itong si Tristan Merrick bilang tahimik na tao lang. Sa tingin ko ay mas komportable siya sa katahimikan lang.
Hindi nagtagal, hindi ko na rin nakayanan ang awkwardness na nararamdaman ko. "Ah... Tristan? Mauna na siguro ako at may duty pa ako sa library," nahihiyang paalam ko sa kanya dahilan upang mapatingin siya sa akin.
Napangiti siya nang mapagtanto ang sinabi ko. "Sure. Ang sipag mo pala, Astrid."
Napangiti na lang din ako sa komento niya. "Thanks for today. Pasensya na sa abala, ha..." nahihiya kong tugon sa kanya at tumayo na mula sa pagkakaupo.
"No worries. By the way, I saw Lincoln outside the office. Mukhang hinihintay ka niya," nakangiti niya pang sinabi sa akin na ikinabigla ko.
"Lincoln is here?" naibulalas ko, bahagyang namilog ang aking mga mata.
Napataas ang mga kilay niya, he was amused. "Isn't he your boyfriend?"
Pakiramdam ko ay lalo akong nahiya at binalot ng kapulaan ang mukha ko. Nakarating na rin sa kanya ang tsismis? Nag-bow na lang ako sa kanya bilang paggalang at nagpaalam na akong umalis. Halos kumaripas ako ng takbo palabas upang maiwasan lang siya. I know hindi ko na siya crush tulad ng dati, pero I feel really embarassed!
Paglabas ko ay bumungad nga sa akin ang pagmumukha ni Lincoln. Kaagad niyang hinawakan ang kamay ko at saka na kami nagsimulang maglakad palayo sa club office.
"What happened? Kinakabahan ka," puna sa akin ni Lincoln na mukhang naramdaman na naman niya iyon mula sa aking emosyon.
Umiling ako. "Nare-recognize mo ba si Tristan Merrick?" tanong ko sa kanya dahil alam kong kilala ang pangalan na iyon sa campus.
"All I can remember is the bastard Jigger Merrick—" Natigilan siya sandali kaya naputol ang sinasabi niya. Nagulat pa ako nang bigla siyang napalingon sa akin at bahagyang nanlalaki ang mga mata. "Tristan? I heard from Ingrid that you have a secret crush on him!" naibulalas niya at napahinto pa sa paglalakad kaya napahinto rin tuloy ako.
Namilog din ang mga mata ko nang ma-realize ko ang sinabi niya. Kaibigan ko ba talaga si Ingrid? At kailan naman niya nai-kwento kay Lincoln ang tungkol doon?
Namula ang buong mukha ko sa hiya ngunit hindi ako sumagot. Naka-frown naman buong paglalakad namin si Lincoln dahil naiinis siya sa fact na tinuturuan ako ng crush ko at maiiwan kami lagi sa club office na kami lang dalawa. At yung fact na mas madali akong matuto sa turo ni Tristan!
So out of desperation, he suggested something. "How about ako na lang ang mag-tutor sa 'yo?" aniya sa akin with his hopeful eyes.
Umiling ako. "Requirement sa Math class ko ang pag-attend ng tutor sa Math Club," simpleng tugon ko sa kanya na totoo naman. Hindi naman ako pupwedeng basta na lang hindi bumalik sa club na iyon just because I have Lincoln to teach me? Isa pa, I promised our professor again na aayusin ko na talaga. At isang way ng pagpapakita na determinado ako ay ang pag-attend ko ng club na iyon.
"Then I have decided," tugon niya na ikinakunot ng noo ko. Ano na namang sinasabi nito? "I will tag along sa tuwing tuturuan ka niya."
Bruh... hindi ko na alam kung matured guy ba talaga siya o isip-bata. Sometimes kasi ay both.
Hindi na lang ako umangal dahil sa tingin ko naman ay hindi naman bawal na um-attend doon para sa isang group study. Bahala na lang bukas.
Hinatid ako ni Lincoln sa library para sa duty ko naman doon. Umupo naman siya sa isa sa mga table at nagbasa-basa habang hinihintay ako. Sa tiyaga niya ay talagang nahintay niya ang pagtapos ng duty ko at hinatid pa niya ako sa dorm.
Iyon pala, nag-iwan siya ng chocolates sa bed ko kanina pa at gusto raw niya na makita ang reaksyon ko kapag nakita ko iyon... kaya niya ako hinintay matapos sa lahat.
To reward him, I have him the sweetest peck on his lips bago siya magpaalam at umalis. Mas matamis pa 'yon sa mga tsokolateng dala niya.
Kinabukasan, masaya ang naging gising ko dahil alam kong may naghihintay na mga chocolates sa 'kin sa ref... o dahil sa fact na ibinigay iyon ni Lincoln sa akin? Hindi ko alam pero magaan lang ang pakiramdam ko noong umagang iyon na tila ba may magandang mangyayari.
Hindi pa man ako nagsisipilyo ay nagtungo na ako sa ref at kumuha ng isang bar ng tsokolate. Bumalik ako sa kama ko at binuksan iyon. Hindi ko mapigilang mapangiti habang kumakagat sa matamis na tsokolate.
Nakita kong bumangon na rin si Ingrid at napatingin sa 'kin. "Ang aga namang matamis ng ngiti mo. In love yan?" puna niya sa 'kin kaya pilit kong binura ang ngiti sa mga labi ko. Kumunot pa lalo ang kanyang noo at tumitig sa hawak kong tsokolate. "Ano 'to, nang-iinggit ka na may pa-advance Valentine's gift na si Mr. Connor?" nakaismid na sabi niya at saka siya tumabi sa 'kin para makikagat ng tsokolate.
Saka ko naalala na malapit-lapit na nga pala ang Valentine's Day. Kumabog na naman tuloy ang dibdib ko nang malakas. Kaya ba niya ako binigyan nito?
Nagulat ako nang bigla akong binatukan ni Ingrid. Aray ko! Kung makabatok parang nag-hi lang, eh. Nilingon ko siya at kinunutan ng noo.
"What was that for? Hindi ka ba marunong mag-good morning?" angal ko sa kanya sabay kagat ko ng chocolate bar.
"Heh. Pangiti-ngiti ka kasi riyan. Parang dati lang ay iritable ka pagkagising, eh," sagot niya sa 'kin na inismiran ko lang habang patuloy sa paglamon ng tsokolate. Siya rin naman ang pagkagat ni Ingrid kahit na pareho kaming wala pang sipilyo.
"Tse! May sasabihin nga sana ako sa 'yo eh. 'Wag na nga lang," pabulong kong sabi kaya mas naging interesado siya.
"Ano yun?" Hindi ko siya pinansin at kunwari ay hindi ko siya naririnig. Nagulat pa ako nang kumapit siya sa braso ko. "Ano nga yung sasabihin mo?"
"Pangako hindi ka sisigaw o titili?" tanong ko sa kanya sabay ngisi ko.
Nagtataka man ay tumango siya. "I promise!"
"Okay... hindi ba kinausap ako ng math teacher natin?" panimula kong kwento sa kanya. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya ang tungkol dito dahil hindi na kami nagkita pa kahapon. Tulog na rin siya nang makauwi ako kagabi.
"Oh? May ginawa ba siyang masama sa 'yo?" seryosong sabi niya habang diretsong nakatingin sa 'kin. "E ba't ka nakangisi?" bulyaw niya nang makita ang reaksyon ko.
"It's not that!" bulyaw ko sa kanya at kumagat pa muli ng tsokolate. Ngumuya muna ako bago ako muling nagsalita. "In-endorse niya ako para makapag-group study kasama ang mga miyembro ng Math Club."
Nangunot ang noo niya. "Math Club?" nalilitong sabi niya. Tumango ako sa kanya at ngumiti. It took her a few minutes bago niya ma-realize ang sinasabi ko. "Tristan's club? Your ultimate crush?" naibulalas niya. Nang tumango ako, bigla naman siyang nagsisigaw at nagtitili.
Pinaghahampas ko naman siya sa braso niya. "Heh, sinungaling ka talaga. You promised not to scream!" angal ko sa kanya pero hindi pa rin siya huminto. Sira talaga 'tong kaibigan kong 'to!
Matapos ang tsikahan naming dalawa at paglamutak namin sa tsokolate, naligo na kami at gumayak upang maghanda sa mga klase namin ngayong araw.
Mabilis lang naman ang naging takbo ng araw kong 'yon. May klase kami sa Math pero pinaupo ako sa pinakalikod ng propesor namin upang mag-take ng special exams at quizzes. At kahit hindi pa i-check iyon ng teacher namin, confident ako na I will ace the exams! Mabilis ko lang na sinagutan ang mga iyon. Easy! A piece of cake, sabi nga ni Tristan.
Nang bumalik ako sa upuan ko talaga na katabi si Ingrid, nakita kong namangha siya sa bilis kong magsagot at sa confidence ko sa mga sagot ko.
"Tapos ka na?" hindi makapaniwala niyang tanong sa akin.
"Math genius ako, eh," biro ko sa kanya.
Napahalakhak siya nang mahina. "Sigurado ka bang nasagutan mo lahat yun?" aniya pa. Sinimangutan ko na lang siya dahil sa pagiging sarkastiko niya.
Matapos ang mga klase namin, nag-desisyon kami ni Ingrid na maglibot-libot. Panandalian naming kinalimutan ang reyalidad ng buhay namin at ng paaralan.