bc

City of Wolves

book_age16+
68
FOLLOW
1K
READ
killer
alpha
dark
brave
versatile
bold
monster
werewolves
small town
supernatural
like
intro-logo
Blurb

Astrid Cage is a young human who had already encountered werewolves when she was younger. She was then being chased by a wolf who sees her as his mate which traumatized her that she dreamt about it every night, but this only lasted until she turned eighteen. A couple of years later, fate had pulled some strings on both beings with different races and created a way to have them meet again. Amidst the chaos that turned the city upside down, would the unseen bond within the two make a difference?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Payapa naman dito noon. Ang mga lobo ay walang problemang makihalubilo sa mga tao nang walang napapahamak na kahit na sino. Ito ay dahil sa isang kasunduan sa pagitan ng dalawang magkaibang lahi daan-daang taon na ang nakararaan. Ngunit nagbago ang lahat isang gabi. Madilim ang paligid at nakabibingi ang katahimikan. Perpektong bilog ang pulang buwan na tila ba'y binuhusan ng sariwang dugo. Iyon pala ay isang babala na mayroong madugong mangyayari sa aming siyudad—at hindi iyon magtatapos sa gabing iyon. "Narinig mo na ba?" bulong sa akin ni Ingrid pagkaupo ko sa tabing upuan niya. Ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang aming klase, ngunit mukhang mayroon pang tsika itong matalik kong kaibigan na hindi mahuhuli sa tsismis. "Ang alin na naman?" tanong ko sa kanya habang inilalabas mula sa backpack ko ang libro na para sa unang klase namin ngayong umaga. Binuklat ko iyon at hinanap ang nakaraang aralin namin at binasa iyon sapagkat hindi naman ako maisasalba sa maikling pagsusulit namin mamaya ng tsismis ni Ingrid. "The seer died," bulong niyang muli dahilan upang matigilan ako at mapalingon sa kanya. Hindi rin maipinta ang mukha niya na tila ba maging siya ay hindi makapaniwala sa nangyari. Hindi ako nakaimik. Nanatili akong nakatulala sa direksyon ni Ingrid habang pino-proseso ang ibinalita niya sa akin. Ang seer ay ang pinaka-importanteng tao rito sa siyudad nang dahil sa abilidad nitong makaramdam ng presensya ng mga lobo. Siya rin ang nagsisilbing pinuno sa lugar namin sapagkat siya ang natatanging pinagkakatiwalaan ng mga tao. Nakita ko na noon sa malayuan si Seer Eve—may katandaan na ngunit hindi agad-agad mapapatumba. Bago ako tuluyang lamunin ng pag-iisip ko, naramdaman ko ang pagtusok ni Ingrid sa pisngi ko. Doon pa lamang ako tuluyang nakabalik sa reyalidad. "Paano nangyari 'yon?" tanging nasambit ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala. Paano naman nila mapapatay ang seer kung may mga guwardiyang pumo-protekta rito? Hindi rin maganda ang kutob ko sa pangyayaring iyon. Ayoko mang mambintang at ayaw man itong tanggapin ng utak ko, ngunit malaki ang posibilidad na isang lobo ang may gawa nito. At isa lang ang ibig sabihin nito: the werewolves just declared a war against humans. Ngunit paano matutukoy ng mga tao kung sino ang mga lobo kung wala na ang seer? Lahat ay maaaring maging lobo; kaibigan mo man iyan sa mahabang panahon o kaklase mo nang ilang taon. Kung pisikal na kaanyuan ang titingnan, walang pinagkaiba ang mga ito sa mga tao. Ngunit mayroong espesyal tungkol sa mga lobo. May kanya-kanya silang abilidad. Natapos ang mga klase namin nitong umaga nang hindi ko namamalayan. Hindi ko na rin alam kung may nasagot ba ako sa pagsusulit namin sapagkat pinuno ng pagkamatay ng seer ang utak ko at hindi ako makapag-isip nang maayos. Hinayaan ko na lamang na hilain ako ni Ingrid patungo sa cafeteria at bumili na ng makakain namin. Wala pa rin ako sa sarili hanggang ngayon. Ano na ang mangyayari ngayon? Siguradong magkakaroon na ng distrust sa pagitan ng lahat at magagawa nilang mambintang ng mga inosenteng nilalang. Aapakan nila ang kahit na sino, malaman lamang kung sino ang mga kabilang sa lahi ng mga lobo na siyang kumikitil ng buhay sa tuwing sisilip na ang malamlam na buwan. Pinagmasdan ko si Ingrid na abalang kumuha ng tanghalian namin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ang kaibigan kong ito ang tanging kasa-kasama ko sa loob ng limang taon, ngunit hindi pa rin ako sigurado kung isa siyang normal na tao o lobo na namumuhay bilang tao. Napailing ako nang maraming beses sa narinig. Pati ako ay nawawalan na ng tiwala kahit na kanino. Anuman ang katauhan ni Ingrid, magkaibigan pa rin kami. Isa pa, hindi pa naman sigurado kung lobo nga ang pumatay sa seer. Honestly, ayoko na munang mag-isip dahil sasabog na ang ulo ko. Umupo sa tapat kong upuan si Ingrid at inilapag ang tray na mayroong dalawang plato na may lamang kanin at putahe. Tinitigan ko lang ang ulam na mayroong pulang sabaw—at biglang mayroong karumal-dumal na memorya ang lumitaw sa isip ko. Dungeon. Prisoners. Rusty bars. Blood. Werewolves. Nang dahil sa takot na dala ng memorya na iyon, nagawa kong hampasin ang plato sa harapan ko dahilan upang malaglag iyon mula sa mesa at tumaob sa sahig. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at halos hingalin ako nang bumalik ang isip ko sa reyalidad. Nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Ingrid. "Ayos ka lang ba talaga, Astrid?" tanong niya habang pinagmamasdan ako. Marahan akong tumango sa kanya, patuloy pa rin sa paghingal. "I'm sorry, Ingrid. Marami lang gumugulo sa isip ko ngayon," sinsero kong tugon sa kanya. Mukhang naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin. Ipinatong ni Ingrid ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko. "Kailangan mo pa ring kumain, lalo na sa sitwasyon ngayon." Napabuntong-hininga na lamang ako at nakisalo kay Ingrid sa pagkain niya dahil wala rin naman akong masyadong gana. Nagkwentuhan na lang kami tungkol sa ibang bagay upang makalimutan namin ang masamang balita. Saka na namin iisipin ang tungkol doon kapag opisyal nang ibinalita ang nangyari sa seer. Habang nagtatawanan kami ni Ingrid, hindi ko mapigilang mapasulyap sa isang grupo ng kalalakihan na pumasok sa canteen. Seryosong nag-uusap ang tatlo habang naglalakad patungo sa kanilang usual spot, halos hindi na napapansin ang atensyon na nakatuon sa kanila. Mukhang importante talaga ang pinag-uusapan nila. "Isipin mo na lang, swerte pa rin tayo kasi araw-araw nating nakikita ang Conor brothers," ani Ingrid habang nakamasid sa tatlong magkakapatid na naupo sa pahabang lamesa sa gitnang parte ng canteen. Madalas talagang gawing biro ng babaeng ito ang lahat ng problema, kaya parating magaan ang pakiramdam ko sa tuwing kasama ko siya. Nanatili akong nakatingin sa direksyon ng mesa ng tatlong magkakapatid. May mga kuro-kuro noon na ang pamilyang Conor ay mga lobo, ngunit wala namang patunay sa mga tsismis na iyon. Isa pa, kung totoo man iyon, wala namang magbabago dahil sa kasunduan sa pagitan ng dalawang lahi. At kahit mabali man iyon ngayon, sino naman ang papayag na bitayin at sunugin ang ubod ng bait at guwapong mga nilalang na ito? Natigilan ako nang biglang napalingon sa akin ang isa sa kanila at nagtama ang mga paningin namin. Napasinghap ako nang makita na panandaliang nagbago ang kulay ng mga tsokolate niyang mga mata at naging matingkad na dilaw. Segundo lamang iyon at halos hindi ko rin mapansin kung hindi ako nakatitig sa kanya. Nabawi ko lamang ang mga tingin ko sa lalaking iyon nang mabuhos ang tubig ko sa mesa at mabasa ang blusa at palda ng uniporme ko. Lincoln Conor. Malinaw na nakita ko sa dalawang mga mata ko noong gabing iyon kung gaano ka-delikado ang mapalapit sa lalaking ito at sa pamilya niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.0K
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook