Ilang linggo pa ang lumipas na parati akong sinasamahan ng tatlo. Alam kasi nila na kahit na okay ako sa paningin nila, dinadamdam ko pa rin sa loob ko ang mga nangyari sa pamilya ko. Nang finally naiwan akong mag-isa, nagkaroon ako ng oras para sa sarili ko na sobra ko ring na-appreciate. May training kasi sina Austin at Ingrid. Si Lincoln naman ay may klase, pero sinabi niya na pupuntahan niya ako sa hardin at huwag daw akong aalis doon. So nagpunta na ako sa hardin ng Lupin na isa sa mga paborito kong lugar. Walang tao rito, as usual, kaya sa tingin ko ay kaya ko naman siyang hintayin dito. Marami rin akong gustong isipin nang tahimik. Nang makarating ako sa hardin ay dumiretso ako sa paborito kong spot, iyon ay ang espasyo sa pagitan ng dalawang magkatabing mga puno. Umupo ako roon

