Another day, another torture. But to be fair, I had the best day noong isang araw dahil mas pinili kong isipin at makasama si Lincoln. Unfortunately, hindi ko pupwedeng gawin iyon araw-araw. Kailangan ko pa ring harapin ang laban ko against sa aking kapatid at sa kakambal niya... at ang pagkamatay ng aming ina. Iminulat ko ang mga mata ko ngunit kaagad ko rin 'yong ipinikit nang dahil sa pagbati ng liwanag sa aking mukha. Ang sakit ng balakang ko. Ano bang klaseng posisyon ng pagtulog ang ginawa ko, paupo? Hinawakan ko ang balakang ko at sinubukang tumayo habang nakapikit pa rin ngunit naramdaman kong mayroong mabigat na kamay na nakapatong sa aking tagiliran. Dali-dali kong iminulat ang aking mga mata at nakita si Lincoln na nakahiga sa tabi ko at mahimbing ang tulog. Pinagmasdan ko lan

