Narating ko na ang dulo ng lugar para sa Valentine's Fair, ngunit wala akong nakitang bakas ni Lincoln. Nararamdaman ko naman usually ang presensya niya kapag malapit siya, pero hindi ko talaga mahagilap o maramdaman ang presensya niya nang mga oras na iyon. Tumayo lamang ako roon nang ilang minuto, nakatulala sa bungad na parte ng madilim na kakahuyan. Parang may kung anong humahatak sa akin papunta roon... but I don't think it will be a good idea lalo na at nakikita kong sobrang dilim sa loob na wala ka talagang maaaninag na kahit na ano. Malakas din ang kutob ko na hindi maganda ang mangyayari sa akin sa loob dahil wala roon si Lincoln. Saka ko lamang naalala ang usapan namin ng aking ina na magkikita kami sa kakahuyan. It was still a few minutes early then, pero naglakas-loob ko nan

