Kailangan kong gumawa ng plano. Plano upang pumayag na si Lincoln na kagatin ako upang makumpleto na namin ang proseso ng pagiging ganap na mates. Parati na lang kaming second step, which is mag-make love, nang hindi naman ginagawa ang unang step. Napagnilay-nilayan ko kasi na kapag in-open ko kay Lincoln ang tungkol sa narinig ko, baka magalit siya sa pack niya at pagsabihan pa niya ang mga iyon o hindi kaya'y parusahan. Ayoko naman na magkagulo sila dahil lang nagsumbong ako. So bago ako mag-resort doon, kailangan ko munang gumawa ng epektibong mga plano kung paano ko siya mae-engganyo na kagatin ako. Para matapos na rin ang usapan tungkol doon. Unfortunately, mag-isa kong gagawa ng planong iyon dahil hindi naman alam ni Ingrid ang tungkol sa pagiging lobo ni Lincoln. Mabuti na lamang,

