Kabanata 76

2089 Words

Nakatulala lamang ako nang buhatin ng mga kapit-bahay ang katawan ng aking kapatid upang isakay sa isang pedicab at ihatid sa punerarya. Imbes na sabay naming bibisitahin ang mga magulang namin sa sementeryo, bakit naman nauna na siyang sumama sa kanila? Paano na ako? Ako at si Aston na lamang ang natitira sa pamilya namin. Bakit...? Naramdaman ko ang marahan na paghaplos ng kaninang ale sa aking braso. Hindi ko na namalayan ang pagyakap niya sa 'kin habang hinahagod ang aking likod. Hindi ko na rin alam ang nangyayari, basta yumakap na lang din ako sa kanya at napahagulgol ng iyak. Walang sinabi ang ale na kahit anong salita upang bigyan ako ng oras na ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Wala na akong pakialam sa mga taong nanonood sa akin. Hinayaan ko na lamang ang sarili ko na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD